histofic
3 histoires
Alimpuyong Puso par AndreaCornilla
AndreaCornilla
  • WpView
    LECTURES 193,024
  • WpVote
    Votes 5,848
  • WpPart
    Chapitres 63
Wattys Shortlist 2025 Pinamana kay Mary Jane Bueno ng kanyang yumaong lola ang kanilang ancestral mansion na noong Spanish Era pa nakatirik. Saksi ang lugar na iyon sa mga pinagdaanan niya sa buhay simula pagkabata. Subalit sa kanyang pagbabalik sa mansyon, hindi inasahan ni Mary Jane na sa ibang panahon pala siya dadalhin. Napadpad siya sa taong 1886, bilang Juana Maria Alcaraz Morales at asawa ang nangangalit na si Alvaro Morales na isang doktor. Sa pagbabalik sa lumang panahon, sa panahon na may pamahalaang Kastila at hindi niya nakasanayan-anong magiging papel ni Mary Jane doon? Anong mga lihim ang nakakubli na magdidikta sa takbo ng buhay niya? Title: Alimpuyong Puso Author: AndreaCornilla Genre: Historical Fiction Fantasy Romance Novel Status: Complete #AndreaCornillaAlimpuyongPuso
Alicia par MariaEljey
MariaEljey
  • WpView
    LECTURES 69,390
  • WpVote
    Votes 3,837
  • WpPart
    Chapitres 50
Labis ang paghanga ni Alicia kay Lance na isang sundalong Amerikano. Subalit palagi iyong napupurnada sa tuwing siya ay ginugulo ng kaibigan ng kaniyang kapatid na si Felipe. Higit pang guguho ang mundo ni Alicia nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko nang salakayin ng mga Hapon ang kanilang bansa. Kinakailangang lumaban ang kanilang mga sundalo kung saan ay kabilang doon ang kaniyang kapatid maging ang ginoong itinatangi ng kaniyang puso upang ipagtanggol ang Pilipinas laban sa bagong mananakop. Makawala pa kaya sila sa digmaan? Makamit pa kaya nina Alicia ang kalayaan sa gitna ng papaupos na pag-asa? Magawa rin ba ng digmaan na baguhin ang itinitibok ng kaniyang puso? Sinimulan: January 15, 2021 Tinapos: --- #1 in Japanese Era 05/25/21, 01/02/23, 04/05/23 #1 in Historical Romance 08/31/2022 #1 in Philippine History 06/12/2023 Book Cover by Binibining RO MA
El Gobernador General De Mi Corazón par MariaEljey
MariaEljey
  • WpView
    LECTURES 2,049,473
  • WpVote
    Votes 93,454
  • WpPart
    Chapitres 72
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tuluyan sa pamilya ay hindi naman niya inasahang makikilala ang mga taong may kanya-kanyang dinadalang pighati sa kani-kanilang puso ang magpapagulo at magpapasakit nang bonggang-bongga sa kanyang ulo. Maghihilom pa ba ang mga pusong minarkahan ng pagkamuhi at hinanakit? May pag-asa pa nga bang muling mabuo ang mga nagkapira-pirasong pagsasama na winasak ng salapi, kapangyarihan, pag-ibig, at mga ibinaong lihim? Samahan si Choleng na tuklasin ang katotohanan sa kanyang paglalakbay pabalik sa nakaraan. Alin nga ba ang dapat niyang paniwalaan? Ang banta ng kanyang pangitain? O, ang banta ng nagbabalat-kayong katotohanan? Simulan: July 16, 2017 Tinapos: October 29, 2020 #1 in Historical Fiction 05/10/2018 #1 in Classics 05/18/2018 #1 in Mystery 08/06/2022 Wattpad's Talk of the Town 03/01/2022 Current Book Cover: Binibining RaichiMirae Previous Cover: Binibining thiszyourclover