fav
4 stories
Love The Second Time  by Ghailley
Ghailley
  • WpView
    Reads 105,637
  • WpVote
    Votes 1,831
  • WpPart
    Parts 56
Si Jaynee Silvestre ay tulad lamang ng mga ibang babae. Sweet pero may pagka-sadista. Maingay, madaldal pero iyakin. Magalang sa mga taong kagalang-galang. Mabait pero di papatalo lalo na kapag siya na ang inaabuso. Matalino pero minsan ng naging bobo sa pag-ibig kaya minsan siyang naging martyr. Ilan lamang ang mga 'yan sa katangian niya. She's a perfect wife to his husband, Jezreel Montellon. He was her first love. Minahal niya ng lubusan kahit na nasasaktan na siya sa pagiging cold nito magmula ng bumalik ang first love ng asawa niya na si Krystal del Rosario. She was blinded by love. She tried to hold on para sa kanya at sa buhay na nasa sinapupunan niya. Until his husband gave up first their marriage and told her he never loved her. For the last time, she held the threads that binds them. Pero hindi niya nakayanan ng gusto mismo ng asawa niya na ipapaglag ang anak nila. She was double hurt. Kaya niya pang tanggapin ang masasakit na salita mula sa asawa pero ang ipapaglag ang anak nila ay ibang usapan na. Pumayag siya sa annulment na puno ng galit ang nararamdaman sa asawa. She's broken. She decided to leave the country and went abroad. Unexpectedly, she met her highschool friend, Aiden Steve Montellon who happens to be her ex-husband's cousin. As time goes by, she felt the love she never felt before. A genuine love and not a pretentious one. Ngunit paano nalang kapag nagkita ulit sila ng ex-husband niya? Muli bang babalik ang pagmamahal niya dito o mas lalo lang nitong papatatagin ang pagmamahalan nila ni Steve? Pero sa puso't isip alam niya na ang kasagutan. Hindi kailanman mababago ng nakaraan ang kasalukuyang nararamdam niya. The moment her ex-husband turns his back on her saying the things that break her heart. "The next time we see each other again, let's be strangers." She's free. She's free to be happy. She's free to never go back to the past that broke her. She's free to love the second time....
Destined with the Gangster by yeeeengmatsu101
yeeeengmatsu101
  • WpView
    Reads 60,934
  • WpVote
    Votes 1,328
  • WpPart
    Parts 23
Isang simpleng babae na ang gusto lang ay ang tahimik at payapang buhay ngunit aksidente siyang makakakilala ng mga lalaking malapit sa away at gulo. Ngunit sa di inaasahan pangyayari, mahuhulog ang loob ng mga basagulero at siga o mas kilalang "Gangsters" sa isang simple at nerd na babae. Sino kaya sa kanila ang pipiliin ni ate girl? Ang cute Gangster pero nice guy o ang handsome misterious gangsters but intelligent? Mag wowork kaya?
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,341,746
  • WpVote
    Votes 196,805
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,670,463
  • WpVote
    Votes 307,302
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.