MsDerigueur
Palawan is one of the best island in the Philippines. Kilala ang mga asul na dagat nitong kapag natututukan ng araw ay pawang mga kristal na kumikinang at mga buhangin na natural ang pagkapino at pagkaputi.
Maliban pa dito, pinagmamalaki din ang napakarami at iba't ibang uri ng destinasyong may mga inaangking kakaibang ganda at mga yamang tanging sa Palawan lamang makikita.
Dahil sa ganda nitong mala-paraiso ay may napakaraming turista sa loob at labas ng bansa ang dumadayo dito.
Ang sabi nila ay may sumpa daw ang Palawan. Tinawag nila itong, "Balik-balik"- once na nakapasok ka dito, hindi mo na mapipigilang magpabalik-balik.
Sa paglapag ko sa islang ito, paano kaya nito babaguhin ang buhay ko?
Genre: Adventure, Romance