Escaperx
- Reads 99,055
- Votes 2,410
- Parts 17
STEP SERIES: THE MISTRESS
by EscaperX
(c) 2025 of June
Sa edad na dise-nwebe, hindi kailanman naranasan ni Pietro "Peetoy" Lagdameo ang magkaroon ng tunay na pamilya.
Wala siyang maalalang yakap ng ama o halik ng ina tuwing siya ay umiiyak. Bata pa lamang siya nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa kanser. Ilang araw lamang matapos mailibing ang asawa ay tuluyan ding lumuwas sa Maynila ang kanyang ina at iniwang wala ni anino ng pagbalik. Tanging ang lolo at lola na lang niya sa probinsya ang naging kanlungan.
Kaya nang mabalitaan niyang uuwi ang kanyang ina matapos ang labing-walong taon ay hindi niya mapigilang kabahan at masabik. Akala niya mabubuo na rin ang kanyang matagal nang pinapangarap ang isang yakap mula sa inang halos hindi na niya matandaan ang mukha.
Ngunit hindi lang ang ina niya ang umuwi.
Kasama nito ang bagong asawa- isang lalaking tindig-barako at may malalim na tinig at mapang-akit na mga mata. Walang duda, halimaw sa karisma. Siya si Emilio Montemayor.
Sa mga sumunod na araw, unti-unting nabalot ng tensyon ang tahimik na buhay ni Pietro. Hindi niya inasahan na sa bawat pagkikita nila ni Emilio ay may kakaibang nararamdaman siyang hindi niya kayang ipaliwanag. Mga sulyap, mga simpleng tapik sa balikat at mga gabi kung saan nahuhuli niyang nakatitig ito sa kanya habang natutulog siya sa sala. Hanggang sa hindi na lang ito basta sulyap.
Hanggang sa hindi na lang siya basta anak ng asawa ni Dario... kundi naging maliit na lihim ng lalaking dapat sana ay tumayong ama niya.
Handa ba siyang isuko ang kanyang konsensya para sa init ng katawan? O pipiliin niyang talikuran ang tukso kahit pa ito lang ang pagkakataong may umangkin sa kanya?
Ito ang kwento ni Pietro "Peetoy" Lagdameo, ang lalaking naging kabit ng sariling step-father.