LuxandraAllaine's Reading List
12 stories
Reincarnated as the Seventh Princess Book 3 by airosikinn
airosikinn
  • WpView
    Reads 243,835
  • WpVote
    Votes 8,762
  • WpPart
    Parts 12
Reincarnated as the Seventh Princess (Book 3/3) Trilogy Read RATSP Book 1 and RATSP Book 2 ❗️ Language: Filipino | English Genre: Reincarnation | Fantasy | Action | Romance Happy Ending is such a bizarre and cliché word for Yvonne as she never got her own when she died even before she started telling her own story. Sa huling bahagi ng buhay ni Yvonne, handa na kaya siyang harapin ang mas masakit at mas matindi na mga pagsubok at rebelasyon sa kanyang buhay. Dito masusubok ang tiwala ni Yvonne sa mga mahal niya sa buhay lalo na at nalalapit na ang pagtatapos ng unang taon niya sa akademya nang may pagdanak ng dugo at malagim na mga pangyayari. Isa-isa niya kikilalanin at uungkatin ang mga sikretong ikinukubli ng mga kaharian at ang naging papel nila sa pagdurusa ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon. Madugo ang daan na tatahakin niya tungo sa pagtuklas ng nakaraan ng babaeng kadikit na ng kanyang kaluluwa, sa pag-alam sa kadahilanan ng pagkamatay ng mag-inang Elaine at Eliana, at ang malalim na pinag-ugatan ng paghihirap ng mga kababaihan ng Elior. Kakayanin niya ba ang unti-unting pagkawala ng mga taong malapit sa kanyang buhay, ang nagbabadyang pighati at lungkot oras na malaman ng pamilyang Agrigent at katotohanan sa totoong Eliana? Ano nga ba ang gagawin niya kung makatatagpo niya muli ang mga taong naging dahilan ng kanyang kamatayan noon? Nanaisin niya pa nga bang magpatuloy kung malalaman niya ang totoong koneksyon niya sa mundong Elior at ang sikretong nagkukubli sa totoo niyang pagkatao? Kung darating na sa puntong kailangan niyang mamili ng buhay na nais niyang ipagpatuloy, babalik ba siya sa totoo niyang mundo mas pipiliin niyang lumaban at maglakbay kasama ang lalaking nagpakita sa kanya ng totoong pagmamahal? In her final story, will Yvonne be able to get the happy ending that she deserves? Or maybe it's not just about the happy ending, but the magic to be able to tell the story of how she was Reincarnated as the Seventh Princess.
The Living Arrow (SWSCA #2) by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 13,927,128
  • WpVote
    Votes 482,026
  • WpPart
    Parts 43
Book 2 of She Who Stole Cupid's Arrow
She Who Stole Cupid's Arrow by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 35,698,091
  • WpVote
    Votes 1,112,502
  • WpPart
    Parts 69
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap ang kanilang one true love at idagdag pa ang pag-a-alboroto ni Kupido dahil naudlot ang pagkikita nila ng kanyang asawa na si Psyche.
Legend of Divine God [Vol 8: Advent of the Divine Child] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 451,233
  • WpVote
    Votes 75,776
  • WpPart
    Parts 62
Dahil sa pagkapanalo ng New Order Alliance sa malaking digmaan, ang Dark Continent ay nakatakda nang mabago at magkaisa. Tapos na ang misyon ni Finn sa Dark Continent, nagawa niya ang hamon ni Munting Black, at ngayon, babalik na siya sa Ancestral Continent upang muling makasama ang kanyang pamilya at ang kanyang mga kaibigan. Subalit, isang trahedya ang sumalubong kay Finn sa kanyang pagbabalik. At dahil sa trahedyang ito, magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng binata. Magiging iba na siya sa dating Finn Doria. -- Started on Wattpad: April 11, 2021 - August 2, 2021 Illustration by Rugüi Ên
Legend of Divine God [Vol 6: Kingdom Under the Water] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 338,588
  • WpVote
    Votes 41,271
  • WpPart
    Parts 42
Pagkatapos ng isang taong pagsasanay sa Spring of Dreams, sa wakas ay nagbalik na si Finn sa Dark Continent upang maghiganti kay Puppet King Hugo at magbigay banta sa Red Dragon Family. Handa na rin siyang hanapin ang grupong Dark Crow sa kaharian sa ilalim ng karagatan upang masimulan ang kanilang pagbabagong hinahangad. Pero, ano itong binabalak ng bagong namumuno sa mga merfolk? At ano ang mga nilalang na naninirahan sa Dark Sea? -- Former Book Cover and Illustration by MISTERGOODGUY Current Illustration by Rugüi Ên September 28, 2020 - December 13, 2020
Legend of Divine God [Vol 5: Dark Continent] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 1,055,148
  • WpVote
    Votes 96,285
  • WpPart
    Parts 102
Tapos na ang kaguluhan sa Ancestral Continent. Pero, hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang pakikipagsapalaran ni Finn Doria. Simula pa lang ito ng lahat. Simula pa lang ito ng lahat dahil susubukin pa siya ng kanyang kapalaran. Dahil sa kanyang totoong pagkatao, ang kanyang kapalaran ay selyado na. At hindi niya ito matatakasan dahil susundan siya nito kahit sa'n man siya magpunta. At ngayon, ang Dark Continent. Ang kontinente kung saan siya magsisimulang mangarap. Ang kontinte na puno ng kaguluhan, dalamhati at pagsubok. At ang kontinenteng hahasa sa kanya upang maging isang totoong adventurer. -- January 14, 2020 - July 18, 2020 [Book cover by Suneo]
Legend of Divine God [Vol 4: Fate] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 797,442
  • WpVote
    Votes 51,796
  • WpPart
    Parts 62
June 5, 2019 ~ January 12, 2020 Illustration by Maria + ART Former Bookcover by @MISTERGOODGUY --
Legend of Divine God [Vol 3: Cold War] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 549,536
  • WpVote
    Votes 36,959
  • WpPart
    Parts 42
April 20, 2019 - May 31, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover Illustration by Maria+Arts --
Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 805,152
  • WpVote
    Votes 49,012
  • WpPart
    Parts 62
Synopsis: Para sa kanyang kinikilalang angkan at pamilya, gagawin ni Finn ang lahat upang makamit ang hustisyang pinagkait sa kanila. Sa pamamagitan ng Seven Great Faction Games, ipapasaksi niya sa lahat ng taong tumapak sa kanya at sa kanyang angkan kung ano ang pakiramdam ng tinatapakan. Patutunayan niyang hindi siya nararapat na maliitin at hamakin. Subalit, noong malapit niya nang makuha ang pagkilala at respeto ng karamihan, isang insidente ang nangyari sa loob ng mahiwagang mundo na kanilang pinasukan. Ano ang mangyayari sa kanya at sa kanyang kinikilalang angkan matapos ang hindi inaasahang pangyayari? At ano ang sikretong itinatago ng Mystic Treasure Realm? February 1, 2019 ~ April 18, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Current Bookcover illustration by Maria+Arts --
Legend of Divine God [Vol 1: Struggle] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 641,640
  • WpVote
    Votes 34,713
  • WpPart
    Parts 43
Nang makapasok si Finn Doria sa Sacred Dragon Institute, ang tanging gusto niya lang ay malaman ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang tiyuhin. Matiyaga siyang nagsanay upang makuha ang pagkilala ng institusyon, gayunman, isang insidente ang bumago sa kanyang buhay. Isang kaluluwa mula sa ibang mundo ang nagbigay sa kanya ng bagong lakas at kapangyarihan. Hanggang sa nalaman niya rin ang katotohanan. At ngayon, handa na siyang makipagsapalaran at makibaka upang iligtas ang kanyang kinabibilangang angkan mula sa kanilang mga kaaway... December 23, 2018~January 29, 2019 Former Bookcover by @MISTERGOODGUY Former Ilustration by Chicken.Prnt Current illustration by Maria + ART [Warning: FULL OF TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS] -- [ Vol. 1: Struggle ] Legend of Divine God All Rights Reserved Copyright © 2018 by GinoongOso