Author_Dark's Reading List
32 stories
Taste of Blood (Book I) by KnightInBlack
KnightInBlack
  • WpView
    Reads 15,041,218
  • WpVote
    Votes 635,756
  • WpPart
    Parts 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang isang madugong gabi nang paslangin ng mga nilalang na 'yon ang nag-iisa niyang pamilya--- ang kanyang ina. Paghihinagpis at ang nais na makapag higanti ang nag-udyok sa kanya para isugal ang buhay at pumasok sa mundo ng mga naiibang nilalang. Alam niyang hindi siya kailanman nabibilang sa mga bampira ngunit paano niya malalabanan ang pangungulila na pinunan ng mga ito? Paano kung sa kanila niya naramdaman ang pagmamahal ng pamilya na kailanman ay hindi na niya mararamdaman pa? Handa ba niyang talikuran ang tanging pakay at tanggapin ang pagmamahal ng mga ito o tatalikuran niya ang mga ito at susundin kung ano talaga ang pakay niya?
Hell University (PUBLISHED) by KnightInBlack
KnightInBlack
  • WpView
    Reads 178,654,419
  • WpVote
    Votes 5,737,743
  • WpPart
    Parts 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid. Not the typical school to have fun. Death is everywhere. Bad, worse, worst, monster and evil are scattered. Must shut your mouth, never against to anyone. "Once you enter, there's no turning back." Never trust your curiosity, it could just drive you straight to hell. WELCOME TO HELL UNIVERSITY! --**-- Date Started: February 8, 2016 Date Finished: August 17, 2016. Mystery/Thriller/Teen-Fiction Book Cover by PixyGoddess
Seducing Drake Palma (Stream on Viva One) by beeyotch
beeyotch
  • WpView
    Reads 85,555,799
  • WpVote
    Votes 1,578,152
  • WpPart
    Parts 63
"Drake Palma, humanda ka! I'm going to get you by hook or by crook!" Ito si Alys Perez, may pagka-loner, maingay, madalas bagsak ang grades sa klase, bigo sa pag-ibig, at may malaki siyang problema. Kasi naman, pumayag siyang gawin ang isang bagay na wala talaga siyang kahit anong experience. Ano ba naman ang alam niya sa pangse-seduce? At lalo na sa matalino, hot na hot, at super sungit na classmate pa niyang si Drake Palma?! Ah basta! Gagamitin niya ang lahat ng powers niya para maging "mission accomplished" sa challenge na ito. Hindi siya makapapayag na maging isa sa napakaraming babae sa school na naging brokenhearted dahil sa playboy na si Drake.
Ang Mutya Ng Section E by eatmore2behappy
eatmore2behappy
  • WpView
    Reads 170,816,927
  • WpVote
    Votes 5,659,824
  • WpPart
    Parts 135
Muling tangkilikin ang pinakabagong bersyon ng Ang Mutya ng Section E! Ipapalabas na ito bilang series sa Jan 3, 2025 exclusively sa Viva One app. Season One of Ang Mutya Ng Section E *** Simple lang ang gusto ni Jay-jay sa buhay: ang malayo na sa gulo at magkaroon ng normal na high school life. Pero kung gulo na mismo ang lumalapit sa kaniya, mapaninindigan pa rin ba ni Jay-jay ang pangako niya? Nang lumipat si Jasper Jean Mariano sa HVIS, nangako siyang lalayo na siya sa gulo at gagawin niya ang lahat para maging normal ang high school life niya. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, napunta siya sa Section E kung saan siya ang nag-iisang babae sa klase. Simula pa lang ng taon, puro kahihiyan at sakit na ng ulo ang inabot niya. Ngayong napaliligiran siya ng mga kaklaseng habulin ng gulo, naiipit si Jay-jay sa sitwasyon. Kakayanin pa rin ba niyang maging normal at makalayo sa pakikipagbasag-ulo kung unti-unti nang nauubos ang pasensya niya? O pipiliin ba niyang sumama na rin sa gulo kung kapalit naman nito ang kaligtasan ng mga kaibigan niya?
A Kidnapper's Mistake by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,192,259
  • WpVote
    Votes 137,055
  • WpPart
    Parts 28
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at paghihiganti para sa katarunangan ng kaniyang mga magulang na walang-awang pinatay noong siya ay bata pa. Kasama niyang lumaki si Leon na siyang apo ng kanilang Commander at itinuturing niyang kapatid. Ngunit paano kung dahil sa isang misyon ay magbago ang takbo ng plano at maging ang kanilang mga kapalaran? Si Audrey ay isang reporter na puno ng prinsipyo sa buhay. Isang dalaga na may angking sikretong tinatago sa kaniyang pagkatao na hindi niya maaaring sabihin kahit kanino. Nang dahil sa isang pagkakamali ni Nightmare ay nagbago ang takbo ng buhay ni Audrey. Paano pa maitutuwid ang pagkakamali ng isang kidnapper na nahulog na sa bitag ng pag-ibig? Book Cover by: @WattpadBetaTeam Date Written: November 26, 2014 Date Finished: December 07, 2018
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,637,235
  • WpVote
    Votes 306,753
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 33,951,242
  • WpVote
    Votes 837,696
  • WpPart
    Parts 49
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran? A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"] Date Written: May 06, 2017 Date Finished: November 12, 2017
I Love You Since 1892 by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 133,554,617
  • WpVote
    Votes 587
  • WpPart
    Parts 48
Half Off: 50% off! Sale ends on November 2 Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,312,411
  • WpVote
    Votes 196,550
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,483,271
  • WpVote
    Votes 584,592
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020