series 1: vd
The echoes of our hearts, a haunting melody of desire.
started: May 25, 2024
ended: July 09, 2024
photo used as book cover is not mine. credit to the rightful owner.
"Mahirap ang buhay. Kailangang kumayod." that's what has been ingrained in Lumi Madison Salcedo's mind since childhood until she grew up. Kaya kahit nag-aaral pa lang ay kinailangan niyang humanap ng part-time job upang makatulong sa pangtustos sa kaniyang pamilya at pag-aaral. Ni hindi pumasok sa isip nito ang magmahal o umibig dahil naniniwala siyang hindi siya mabubuhay ng pagmamahal na 'yan.
She believes that love is just a stupid thing.
Ngunit tuluyang nagbago ang paniniwalang iyon nang makilala nito ang taong magpaparamdam sa kaniya ng totoong pagmamahal... and the love that would also ruin her life...