kitsukikazi
- Reads 4,693
- Votes 2,356
- Parts 24
[FEATURES TEEN FICTION]
Matapos ang apat na taon sa probinsya, umuwi na si Kai sa Maynila. Bababalikan niya ang paaralang iniwan niya noon na puno ng masasakit na alaala.
Dito niya makikilala ang mga tao na magpapabago sa kanya sa paraan na hindi niya inaasahan. Si Kouichi, tahimik at misteryoso, ay palaging may sariling mundo, pero unti-unti ay nakikita ni Kai ang kabutihan at pagkalinga na nakatago sa kanyang katahimikan.
Si Lincoln, matalino at puno ng ambisyon, ay palaging nag-uudyok kay Kai na maging mas determinado at mas malakas. Unti-unti rin niyang mapapagtanto na ang nararamdaman niya kay Kai ay hindi lang galit o inis, kundi mas malalim pa.
Samantalang si Kendrix, malamig at mahirap lapitan sa una, ay tila naglalaro lamang kay Kai sa simula, pero sa huli ay matutuklasan niyang mas gusto niya ito kaysa sa inaasahan niya.
Habang lumilipas ang araw, hindi lang pagmamahal ang humahalo sa isip ni Kai. Palagi siyang nagtatanong sa sarili kung ano ba talaga ang purpose niya? bakit siya nakakaranas ng sakit na hindi niya maipaliwanag? at paano niya haharapin ang nakaraan habang tinatanggap ang mga hamon ng buhay. Sino sa mga taong ito ang tunay na makakaintindi sa kanya at makakasama sa bawat hakbang na tatahakin niya?
Kaibigan, kakampi, kalaban, o higit pa, unti-unti ring lilitaw ang pagmamahalan, selos, at tensyon sa pagitan nila. Sa Book 1, makikita ni Kai kung paano haharapin ang love square, ang mga hamon, at damdaming magpapabago sa kanyang pananaw sa buhay at sa kanyang puso, habang unti-unti rin niyang natutuklasan kung ano ang sagot sa mga tanong sa isipan niya.