evon69r's Reading List
51 stories
Legacy Of Immortal Gods [Vol:1] - Inflicted Hardship by greinder03
greinder03
  • WpView
    Reads 19,064
  • WpVote
    Votes 1,394
  • WpPart
    Parts 49
💭Synopsis‼️ [Ang Legasiya ng mga Diyos.] Sa mundo kung saan naninirahan ang iba't-ibang nilalang na siyang mga demonyo, adventurer, at iba pang mga nilalang na may mahika ay siyang nangangarap na maging diyos, Marami ang naglalabanan-laban para makamit ang isang marka-isang simbolo ng biyaya o kapangyarihan na magdadala sa kanila sa tuktok ng pinakamalakas. Kung saan kabilang sa kanila ang ating bida na si Nexus Skyler, isang batang lalaki na labing-apat na taong gulang. Isang binatilyong walang kamalay-malay sa mga nangyayare sa kan'yang kapaligiran. Ngunit agad na nabago ang pananaw, dahil sa hindi inaasahang pangyayare na siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng pananaw na maging mas malakas. Gagawin din kaya niya ang ginagawa ng iba-ang abutin ang tuktok ng pagka-diyos? lalo't isa siya sa nabiyayaan ng marka, o kaya naman ay isusuko nalang niya ito dahil sa wala siyang interes na maging diyos? Halika't subaybayan ang k'wento ng ating bida na si nexus skyler kung saan sisimulan niya ang napakamapanganib na takbo ng estorya ng kan'yang buhay. Start: Jan 4, 2025 End:
Si Frisco at ang kaniyang Paraiso (Volume 2) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 182,277
  • WpVote
    Votes 22,456
  • WpPart
    Parts 81
Matapos niyang lisanin ang Takara para marating ang Kaharian ng Maraktan, magsisimula na si Frisco sa panibagong paglalakbay at pakikipagsapalaran. Nagawa niyang masagip ang buhay ng isang maharlika habang siya ay naglalakbay, at dahil sa maharlikang ito, malaking pagbabago ang mangyayari sa kaniyang buhay. Magagawa niyang marating ang Kaharian ng Maraktan at dito na magsisimula ang kanyang misyon para matupad ang pangako niya sa Takara. --
Legend of Divine God [Vol 18: Defiance of Fate] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 780,037
  • WpVote
    Votes 100,863
  • WpPart
    Parts 200
Pagkatapos ng sukdulang pagsasakripisyo ng mga anghel para maisalba ang buong sanlibutan, mas lalong umigting ang kagustuhan ni Finn na wakasan na ang digmaan. Ayaw niya nang may mapapasakripisyo o may magsasakripisyo pa kaya handa na rin siyang ibigay ang lahat sa alyansa para lang maipanalo nila ang laban. Ganoon man, sasapat na ba ang lahat ng kaya niyang ibigay para magwakas na ang kaguluhan? O kukulangin pa rin siya dahil mas handa ang mga diyablo sa kanilang digmaan? -- Illustration by Rugüi Ên Date Started: June 1, 2025 (wattpad) © All Rights Reserved.
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 747,760
  • WpVote
    Votes 46,632
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!
Arentis I | Ang Orakulo | Completed | Currently Editing by kembing
kembing
  • WpView
    Reads 148,904
  • WpVote
    Votes 6,696
  • WpPart
    Parts 39
Patintero, Tagu-taguan, langit-lupa, jack-en-poy at habulan... Ilan lamang 'yan sa mga madalas nating laruin, buong maghapon maghapon tuwing bakasyon. Ngunit papaano kung isang araw ang lahat ng ito ay mapapalitan ng pag-akyat ng bundok, pagtawid sa mga batis, pagsakay sa lumilipad na barko, pakikipaghabulan sa mga engkanto at elemento at pakikipagsapalaran sa isang kaharian na kung saan dalawa ang araw na simisikat at dalawang buwan ang lumulubog. Sa isang kaharian na kung tawagin ay Arentis. Papaano kung ang buong bakasyon mo ay mapunan ng mga ganitong pangyayari? Anong gagawin mo? *** First time ko po sa Wattpad, sana po ay magustuhan ninyo ang kwento ko. Pasensya na rin kung may mangilan-ngilang malalalim na tagalog. Taga San Pablo e :) P.S. May music po sa media section. Para lang mas exciting magbasa. :) M.K. Brugada / kembing ©2014-2015 All Rights Reserved.
Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED] by grimmreaper18
grimmreaper18
  • WpView
    Reads 23,378
  • WpVote
    Votes 2,964
  • WpPart
    Parts 58
Si Seth ay isang ulila na galing sa orphanage na kinupkop ng isang marangyang mag-asawa kasama ang kaibigan niyang si Noah. Noong una ay tahimik at masaya ang kanilang pamumuhay pero bigla yung nabago sa pamamagitan ng pagpasok nila sa isang pinto patungo sa isang kakaibang mundo. Ang mundong puno ng mahika at puno rin ng digmaan na tanging sila lang ang nakatakdang makakapagpabago sa mundong ito bago pa ito tuluyang lamunin ng pagkawasak sa lahat. Samantala sa kanilang pananatili sa mundong ito, nakilala nila si Shaina, ang babaeng mandirigma ng hangin. Si Haki, ang prinsipeng dragon na may kakayahan ng liwanag. At si Zion, ang lalaking may kakayahan ng Yelo at tinaguriang, ang Soul keeper. Nagkasundo silang lima na tuklasin at tuluyang tapusin ang pinuno ng mga immortal na Hari ng Demon Land at ang nag-iisang ama ni Seth na gusto siyang patayin mula ng siya ay ipinanganak pero nabuhay parin si Seth dahil sa kaniyang Ina na walang iba kundi ang ikaapat na dragon na likha ng Noba. Sa pagbabalik ni Seth sa mundong kanyang sinilangan, makakamit kaya niyang makapaghiganti o tuluyan na siyang mapatay ng kaniyang ama sa muli nilang paghaharap. Date started: Dec. 29,2020 Date finished: May 24,2021
Mythical Hero I: The Age Of Wonder by evynever
evynever
  • WpView
    Reads 160,756
  • WpVote
    Votes 10,297
  • WpPart
    Parts 48
COMPLETED [Book 1] Mythical Hero: The Age of Wonder | Ang Paglalakbay sa Hilaga Sa mundo kung saan ang mga malalakas lamang ang tanging nabibigyan ng prebilihiyo, karangalan at papuri, at ang mga mahihina ay isinasantabi at kinakaawaan, isang binatang nagngangalang Fiure Grimoire ang magbabago sa paniniwalang iyon. Tunghayan ang paglalakbay ni Fiure sa mundo ng mahika at ang kanyang landas patungo sa pagiging Mythical Hero. "Dahil kahit ang mahina ay kayang maging mas malakas pa sa malakas." - #1 in Hero as of 100219 #5 in Anime as of 041820 Date started: 06 | 08 | 19 Date ended: 08 | 24 | 20 Inspired by Black Clover
Mythical Hero II: The Unraveled Quest by evynever
evynever
  • WpView
    Reads 6,153
  • WpVote
    Votes 589
  • WpPart
    Parts 11
ON-GOING [Book 2] Mythical Hero: The Unraveled Quest | Ang Paglalakbay sa Louxemburg Natapos na ang unang yugto ng paglalakbay ni Fiure Grimoire patungo sa hilagang bahagi ng Arslann, ang Main Realm. Oras na upang harapin niya ang naghihintay sa kanyang mga pagsubok sa labas ng kaharian. Kasama ang mga bagong kasamahan sa paglalakbay, tatahakin ni Fiure ang daan sa paghahanap ng isang napaka delikadong maalamat na halaman, ang higanbana. Tunghayan ang ikalawang yugto ng paglalakbay ni Fiure patungo sa katotohanan ng kanyang tunay na pagkatao at abangan ang mga kaganapan na susubok sa katatagan ng ating bida. "The strong prey is on the weak." Sa yugtong ito, ang malakas ay nasa mahinang kalaban. -- Basahin muna ang Book 1 bago ito! Link here: https://my.w.tt/m5tsWvCJW8 Date started: 08 | 30 | 20 Date ended: 00 | 00 | 00
Lord Of The Dead Beasts [Volume 1: Blessing Of The Abyss] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 84,489
  • WpVote
    Votes 7,424
  • WpPart
    Parts 40
Walang pangalan. Walang kalayaan. Isa lamang na alipin si Grim - hanggang sa isang gabi, tinulungan siya ng isang misteryosong mersenaryo upang makatakas. Gayunman, ang dati niyang amo ay natunton siya't walang awang pinaslang. Dapat ay doon na nagtatapos ang kaniyang kuwento. Pero hindi. Isang misteryosong boses mula sa hinaharap ang bumulong ng kakaibang salita sa kaniyang isipan: "System, now downloading, Advanced Class: Lord of the Dead Beasts." Mula sa kamatayan, si Grim ay muling nabuhay. At sa kaniyang paggising, taglay na niya ang kapangyarihang muling buhayin - at kontrolin - ang mga bangkay ng Magus Beasts. At ngayon, hindi na siya alipin. Isa na siyang nilalang na hindi na kaya pang itali ng kadena o isumpa ng kasuklam-suklam niyang marka. Ang pangalan niya ay Grim Lancaster... at dala niya ang bangis ng libo-libong mga Magus Beasts. Ang mundo ay magluluksa. At ang kaniyang paghihiganti... AY DITO PA LANG MAGSISIMULA Bookcover by: @Patzgeraldt Date Started: January 01, 2025
Legend of Divine God [Vol 17: Against the Devils] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 749,915
  • WpVote
    Votes 93,714
  • WpPart
    Parts 122
Synopsis: Pagkatapos ng lahat ng kaganapan sa Divine Realm, walang dudang si Finn na ang kikilalaning pinakamakapangyarihang emperador sa lahat. Matagumpay niyang napaslang si Kardris. Siya ang naging susi para maipanalo ng kaniyang hukbo ang digmaan. Ang lahat ay umaayon sa kaniyang plano, subalit, nagsisimula na ring magparamdam ang kaniyang mga totoong kalaban. Magagawa kaya ni Finn na makuha ang pamumuno sa alyansa na tutugis sa mga diyablo? At sa pagkakataong ito, magtatagumpay na kaya sila na tuluyang matuldukan ang kasamaan ng mga kasuklam-suklam na nilalang? - Cover by @heysomnia Date started: Jan 1, 2025 (wattpad) Date ended: April 29, 2025 (wattpad)