Must read
3 stories
Astraea by cgthreena
cgthreena
  • WpView
    Reads 61,099
  • WpVote
    Votes 2,538
  • WpPart
    Parts 24
Book 2 of Adrasteia Matapos lisanin ni Adrasteia Laxamana ang Bayan ng Amissa upang mag-aral sa Maynila at sa muling pagbabalik ni Ceres sa kagubatan ay isang gintong binhi ang tumubo sa puno ng Narra na nakatirik sa tirahan ng pamilyang Laxamana. Ang hindi inaasahang binhi ay lubhang nakapagpaligaya sa buong kagubatan at lahat ng mga engkanto sapagkat isang maharlika ang muling isisilang. Si Astraea Laxamana o kilala rin sa palayaw na Sea (Se-ya), ang kauna-unahang maharlikang diwata. Imbis na ito ay manatili sa kagubatan kasama ang iba pang mga engkanto ay naenganyo itong makisalamuha sa mga tao at mag-aral sa isang paaralan. Hindi man sang-ayon si Ceres ay wala siyang ibang nagawa kung hindi pakawalan ang dalaga nang tumuntong na ito sa tamang edad. Sa paglabas ni Sea sa mundo ng mga tao, ano kaya ang bubungad sa kanya? Mapapanatili niya kayang lihim ang tunay niyang katauhan? Ano kaya ang magiging trato sa kanya ng mga tao? Higit sa lahat, sino ang wawasak sa busilak na kalooban ng maharlikang diwata? ©cgthreena Highest rank: #17 in Paranormal (06.04.17) #19 in Paranormal (08.27.17) #26 in Paranormal (01.19.18) #22 in Paranormal (01.31.18) #18 in Paranormal (02.28.18) #39 in Paranormal (04.04.18) #21 in Paranormal (05.07.18) #3 - fairy (08.03.18) #4 - engkanto (08.03.18) ©cgthreena *** Maraming salamat @Nheczxo sa magandang pabalat!
Adrasteia by cgthreena
cgthreena
  • WpView
    Reads 200,490
  • WpVote
    Votes 7,567
  • WpPart
    Parts 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa lahat, pwes nagkakamali kayo. Isa siyang babaeng may ibang kakayahan na wala ang isang normal na tao. Nakakakita siya ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ng iba at nakokontrol pa nga niya ito. Dahil sa kakayahan niyang ito, naging iwas siya sa lahat sapagkat napapahamak ang mga taong malapit sa kanya dahil dito. Ngunit hindi nagpapaawat ang isang Dentrix Casabuena. Patuloy niyang kinukulit ito kahit na halos murahin na siya nito at ito ay nagsimula noong madiskubre ni Dentrix na nakikita ni Dia ang mga nararamdaman niyang kakaibang presensya ng nilalang. Sa ayaw at sa gusto ni Dia, susunod sa kanya si Dentrix at pipilitin pa siyang diskubrihin at pasukin ang mundo ng ibang mga nilalang. Ngunit, bakit nga ba pinagtagpo ang dalawang ito? Ito ba'y dahil may koneksyon sila o sadyang makulit lang si Dentrix? Ano kayang madidiskubre nila? Anong klaseng mga nilalang pa kaya ang haharapin nila? ©cgthreena Highest rank: #2 in Paranormal (05.11.17) #15 in Paranormal (08.13.17) #13 in Paranormal (08.14.17) #28 in Paranormal (10.14.17) #22 in Paranormal (10.21.17) #28 in Paranormal (01.31.18) #20 in Paranormal (02.25.18) #22 in Paranormal (04.04.18) #19 in Paranormal (04.05.18) #2 - horror (05.18.18) #1 - paranormal (05.27.18) #1 - ghost (12.04.18) #1 - paranormal (01.20.19) #2 - ghost (07.15.19) *** Thank you @KrungRi_Gizibe sa napakagandang cover!
Pretending Mrs. Acosta (COMPLETE) by helene_mendoza
helene_mendoza
  • WpView
    Reads 3,484,852
  • WpVote
    Votes 75,930
  • WpPart
    Parts 49
Nagmahal. Nasaktan. Lumayo. Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kanya. Okay na siya kung masaktan man at takasan ang lalaking minamahal. Ang mahalaga ay kasama niya ang anak niya. Isang aksidente ang nangyari at natagpuan niya ang sarili sa isang pamilya na inaangkin siya at tinatawag siyang Aria. Paninindigan na lang ba niya ang bagong pagkatao na ibinigay sa kanya?