chickenwingless
Shane Monique Laurel, a scholar at ALR University and an outstanding student who excell in academic. Dahil sa taglay na katalinuhan ay hindi maiwasang puntiryahin siya ng kaklase na si Lhaine Valdez, ang nangunguna sa klase bago pa man dumating si Monique sa ALRU. Ginawa niyang alila ang kawawang babae. Sinasaktan, hindi lamang verbal kundi maging pisikal na nakakaapekto sa kanyang mental na kalagayan.
Kahit na ganoon ang ginagawa ni Lhaine sa kaniya ay hindi pa rin siya sumusuko. Minsan ay nawawalan na ng pag-asa pero sa tuwing nakikita ang ama na naghihirap para maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan niya ay mas lalo siyang nabibigyan ng lakas ng loob.
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nagka-krus ang landas nila nina Ceinrex Salvin, isa sa mga nabansagang basagulero sa ALRU. Kilala ito sa kanilang paaralan at lahat ng estudyante, hindi lamang sa loob ng kanilang kampus kundi maging sa mga karatig na paaralan. Hindi naging maganda ang kanilang unang paghaharap kaya nadagdagan ang pangamba ni Monique.
Isa rin ba itong demonyo na mas lalong magpapahirap sa impiyernong buhay niya sa paaralang iyon? O isang knight in shining armor na magliligtas sa kaniya sa mga kamay ni Lhaine?