LiaTenorio4's Reading List
4 stories
Expat Huntress Series 2: Kinō, Kyō No Ai (Yesterday, Today's Love) by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 15,992
  • WpVote
    Votes 478
  • WpPart
    Parts 11
"The moment I felt my heart is beating crazy while I looked at you that day. Alam ko, ikaw na ang gusto kong makasama habang buhay." TEASER: Lumaki si Andie na namulat na malaki ang galit ng kanyang Lolo Julio sa mga Hapon. Sabi ng Mama niya, iyon daw ay dahil sa pagsakop ng Japan sa Pilipinas noon unang panahon, at ang Lolo daw niya ay muntik ng mapatay dahil sa mga ito, bukod doon ay isa sa mga biktima ng giyera na ikinamatay ang mga magulang nito. Kaya naman banned doon sa bahay nila ang kahit anong may kinalaman sa Japan. Pagkain, palabas sa TV, kanta at kung anu-ano pa. Bilang big fan ng anime at ng mismong bansa na iyon, struggle kay Andie kung paano itatago sa Lolo niya ang mga binibili niyang anime figures at manga. Kapag nahuli kasi siya ay tiyak na uulanin siya ng sermon, or worst, baka sunugin nito ang mga koleksiyon niya. Pero tila nilalapit siya ng tadhana sa bansang Japan, matapos siyang magkaroon ng pagkakataon na makapunta doon. Hindi nagdalawang isip si Andie na tanggapin ang oportunidad na iyon, kapalit ng pagsisinungaling niya sa kanyang Lolo. Doon ay nakilala niya ng personal si Reiji Yamada. Kay Reiji siya bumibili ng mga original anime figures, at tanging sa online chat or video call lang sila nagkakausap. Sa panantili niya doon, nagkaroon si Andie ng pagkakataon na makilala ng mabuti si Reiji. Mas lalo silang naging close ng makasama niya ito sa pagto-tour sa Japan. Sa paglalim ng pagkakaibigan nila, hindi napigilan ni Andie na lumalim din maging ang kanyang pagtingin sa binata, she falls in love with him. Pero sa umpisa pa lang ay wala na yata siyang pag-asa matapos sabihin ni Reiji na may gusto itong isang babae. Kaya naman pinili ni Andie na iwasan ang binata at pigilan ang nararamdam kahit na mahirap. Few days later before she goes back to the Philippines. Isang pangyayari sa nakaraan ni Reiji ang nalaman ni Andie na nagdugtong sa kanilang dalawa.
The Tanangco Boys Series 9: Justin Karl Chua by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 104,757
  • WpVote
    Votes 1,734
  • WpPart
    Parts 10
Justin and Nancy Jane were childhood sweethearts. Kasama nila ang isa't isa sa lahat ng oras. Magkakampi sa lahat ng bagay. Highschool sila nang mag-desisyon ang mga magulang ni Nancy Jane na mag-migrate sa America. Masakit man ay wala siyang nagawa kung hindi ang lumayo kay Justin nang hindi nasasabi dito ang tunay niyang damdamin. Sampung taon ang nakalipas nang kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas. Ganoon na lang ang gulat niya na sa kanyang pagbalik, iba na ang Justin na dinatnan niya. Kasabay niyon ay ang muling pagbangon ng inakala niyang pagmamahal para dito na matagal nang naglaho. Pero mukhang huli na ang lahat para sa kanya. Dahil, may iba nang nilalaman ang puso nito. Dapat pa nga ba niyang ipaglaban ang pag-ibig para sa lalaking una't huli niyang mamahalin? O hahayaan niyang mawala ito sa ikalawang pagkakataon?
Seasons of Love Series: Book 2 A Winter's Love by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 38,410
  • WpVote
    Votes 669
  • WpPart
    Parts 10
"I just want you to stay beside me and stick with me like a glue." Teaser: Jami came from a well-off family. Her Dad even send her to Seoul, South Korea to study Fashion Design. Ngunit parang nag-three hundred sixty degrees turn ang buhay niya ng isang araw ay makatanggap siya ng tawag mula sa Pilipinas na namatay ang Daddy niya dahil sa atake sa puso at iniwan sa kanya ang sangkaterbang utang ng kompanya nito. Nag-desisyon si Jami na bumalik ng Seoul para ipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral. Pero sa pagkakataon na ito ay naging mahirap na para sa kanya ang lahat. Kinailangan niyang magtrabaho para matustusan ang pag-aaral niya. Hanggang sa nakilala niya si Perry Hwang, ang isa sa miyembro ng sikat na grupong One Day at naging Personal Assistant siya nito. Ngunit naging higit sa trabaho ang relasyon nila nang mahulog ang loob nila sa isa't isa at mahalin ito ng labis. Ngunit isang opportunidad ang dumating sa kanya na hindi niya maaaring tanggihan at talikuran, pero kalakip niyon ay ang pag-iwan nito. Isang bagay na siyang kinagalit nito sa kanya.
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 120,719
  • WpVote
    Votes 2,408
  • WpPart
    Parts 21
I'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yumaman para guminhawa ang kanyang buhay. Hanggang sa makilala niya si John Michael Lombredas, ito ang naging daan sa biglang pagbabago ng kanyang buhay. At sa bawat araw na lumipas na nakakasama niya ito, naging malapit siya dito. Natagpuan niya ang sarili na umiibig sa estrangherong biglang sumulpot sa buhay niya. Siya na yata ang pinakamasayang babae ng magpahayag ito ng parehong damdamin at hindi nagtagal ay magpakasal silang dalawa. Ngunit isang lihim ang tumambad sa kanya na siyang kinasira ng pagtitiwala niya sa kanyang asawa. Dahil sa sakit na dulot ng pangyayari, mas ninais niyang tumakbo at lumayo dito, na siyang naging dahilan upang maaksidente siya at mawalan ng malay. Sa kanyang paggising, ganoon na lang ang takot na naramdaman niya ng wala siyang matandaan sa kanyang nakaraan. Sino siya? Sino ang lalaking nasa larawan kasama niya?