EuropaJones 💗
12 stories
Diamond Burgess by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 8,603
  • WpVote
    Votes 959
  • WpPart
    Parts 38
Diamond Burgess: Addict ako sa ngiti niya. Tulad ng shooting star, bang hirap hulihin ng ngiti ni Oscar. Binibigyan ko siya ng sugar rush para alisin ang makapal na ulap sa kaniyang mukha. At kapag umangat ang sulok ng labi niya... Hay! Pumuputok ang bra ko sa kilig. Oscar Valiente: Rinig ko ang isip ng mga tao. Kaya sobrang ingay ng aking mundo. Of all the noises in this world, she happened to be my favorite. Addict daw siya sa ngiti ko. Pangarap ko ang kalahati ng puso niya. Pero isa lang ako sa milyong listahan ng kaniyang infatuation. Totoo. Trust me. I'm a mind reader.
Arietta Golding by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 7,296
  • WpVote
    Votes 742
  • WpPart
    Parts 29
Sukdulan ang galit ni Arietta Golding kay Leonardo Alejandro, ang Corps Commander sa Citizenship Advancement Training. Pinatay nito ang alaga niyang baboy at pinangsahog sa adobo! Ang baboy niyang binusog niya ng Pigrolac, ipinakain lang sa battalion ng C.A.T. Lintik lang ang walang ganti! Tatakbo raw si Leonardo bilang Student Council President. Sisirain ni Arietta ang maliligayang araw nito. Tatakbo siya bilang presidente at tatalunin sa eleksiyon si Leonardo. Kaliwa't-kanan ang political sabotage, naging warzone ang school politics. The ultimate battle of the sexes had never been this jalapeno hot. Pero paano niya ito pababagsakin kung hinamon siya ni Leonardo sa isang bet? Kapag natalo raw si Arietta sa pustahan, sasama si Arietta kay Leonardo sa isang romantic date.
Patricia Orwell by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 4,782
  • WpVote
    Votes 523
  • WpPart
    Parts 22
Umusbong ang vigilante group sa loob ng Green Knoll Academy. Tinuturing ng mga estudyante na bayani ang mga Dart Pins. Taga ligtas mula sa mga villainous being sa loob ng paaralan. At kabilang sa Dart Pins si Patricia Orwell. Naging upside down ang mundo ni Patricia matapos niyang mabasag ang mamahaling porcelain doll ni Jane Jaime. Kailangan niyang ibenta ang kidneys at balunbalunan niya sa black market upang bayarang ang pesteng manyika. Pero dahil walang pambayad si Patricia, pinagtrabaho siya ni Jane bilang personal maid sa bahay ng mga Jaime. Enter Jax Jaime, ang kapatid ni Jane at kanang kamay ng notorious fraternity sa campus. Sumakit ang bumbunan ni Patricia dahil kailangan niyang tiisin ang pangaalipusta ni Jax. Pero habang nakakasama niya ang binata, hindi naman pala ito salbahe. May tinatagong soft side sa loob at nadadama iyon ni Patricia. Handa na si Patricia na harapin ang pag-ibig niya para sa binata. Kaso may bagong target ang Dart Pins-si Jax Jaime.
Rhian Strauss by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 6,756
  • WpVote
    Votes 610
  • WpPart
    Parts 24
Assignments? Projects? Quizzes? Exams? THESIS? Basta tama ang presyo, ang classmate mong si Rhian Strauss ang bahalang sumagot at gumawa para sa 'yo. Enter Yael De Jesus, ang hotshot varsity player with a flunking grade. Siya ang bagong kliyente ni Rhian Strauss. Bumabagsak tulad ng meteor shower ang grades ni Yael. Kailangan niya ang serbisyo ni Rhian para mapabilang siya sa Regionals ng soccer team. Sparks fly nang unang makita ni Yael si Rhian. Kaso one sided lang ang kuryente dahil kakaiba ang sexuality ni Rhian. Self-confessed sapiosexual si Rhian. "Sapiosexual?" tanong ni Yael, "Bagong letra ba 'yon sa LGBT community?" *Face palm Nope! Hindi kabilang sa LGBT community si Rhian. Sapiosexual means attraction to intelligence. Sa madaling salita, walang pag-asa si Yael dahil hindi niya alam ang Quantum Physics at current events sa Israel at Syria. Walang epekto ang yummy abs ni Yael sa sapiosexual na tulad ni Rhian dahil attracted lang ito sa matatalino. Babasahin ni Yael ang volumes ng encyclopedia from A-Z masungkit lang ang matamis na oo ni Rhian.
Black Cats by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 9,905
  • WpVote
    Votes 1,143
  • WpPart
    Parts 34
"Loving you was something that could not be help like the beating of my heart, breathing of my lungs, and blinking of my eyes." Zed Montoya: Takot ang introvert sa katulad ko na extrovert. Ayokong iniiwan sila sa sulok habang ako buhay na buhay sa loob ng opisina. Kaya palagi ko tinitignan at pinapanood si Charmaine. Takot siya at sobrang mahiyain tipong nagmukha siyang snob at insensitive sa iba. Tingin ko naman, mabait siya. Kailangan lang ng konting tulak at udyok, mapapatawa ko din siya. Kaya pumayag ako sa pustahan. Bibigyan ako ng Mustang kapag naging kaibigan ko si Charmaine Pradelle. Kaibigan lang? Ngayong nakilala ko siya nang husto, parang gusto ko ng higit pa doon na hindi kayang tapatan ng Mustang. Charmaine Pradelle: All I ever wanted was for Zed Montoya to back off and leave me alone. Gusto raw niya ako maging kaibigan. Ayoko nga. Kasi sa tuwing lumalapit siya, lalo akong natatakam sa isang bagay na hindi pwede sa akin: pag-ibig. Ayokong maging dahilan ng kaniyang pagkamatay. Sinumpa ng isang mangkukulam ang bawat patak ng aking dugo. Ang sino mang mahalin ng isang Pradelle, dadanas ng kamalasan hanggang kamatayan. Sa bawat haplos at halik, hindi niya alam, humuhukay siya ng sarili niyang libingan.
Jinxed Series: Lost Lines by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 13,735
  • WpVote
    Votes 1,545
  • WpPart
    Parts 37
Calvin Trazo: Noong unang panahon, binasa ng isang manghuhula ang kapalaran ko, sinabi kung sino at kailan ko makikilala ang babaeng ihaharap ko sa dambana. Malambing, mahinhin, masayahin, maganda, at higit sa lahat, masunuring asawa daw. Parang si Maria Clara. Excited ako! Tapos nang makilala ko na siya... Damn. Kamukha nga niya si Maria Clara, kaso pag nagsalita, namukha niya si Tandang Sora, at kaboses si Gabriella Silang. Bilang sikat na basketbolista, lahat ng camera tutok sa akin. Ayokong magmukhang basahan ang asawa ko kaya binigyan ko siya ng credit card para bumili ng class at fashion. Galit na galit siya! Minamaliit ko daw ang kakayahan niya bilang babae. "Don't mess with me! I'm dangerous!" babala niya, inangat ang credit card sa loob ng shopping mall. She was a freakin' circus! But when I remember that hot messy kiss, it was enough for me to shut up and listen to my wife. Megara Cruz: "Wives submit to your husbands in everything, husbands love your wife." Iniisip ko 'to habang tinitignan si Calvin-nahuli ko siyang sumusungkit ng kulangot. No fucking way. I would never submit myself to a homo erectus! Neanderthal! Sikat na basketball athlete sa PBA ang tinadhana ng Diyos na maging aking kabiyak. Maglalayag ako sa Pacific Ocean, tatakbo sa dulo ng mundo, wag lang ako makita ni Calvin Trazo at iharap sa altar. Hinding-hindi ako magpapakasal sa kaniya. He was a freakin' misogynist! But when I remember that hot messy kiss...damn...it was enough for me to imagine what could have been if I didn't run away from our wedding day.
Books & Plane Tickets & Us by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 62,057
  • WpVote
    Votes 2,230
  • WpPart
    Parts 17
#Lifegoals ang nangyari kay Hera pagkatapos niyang manalo sa isang raffle draw. Isang buwang adventure sa Malaysia, Singapore South Korea, San Francisco, USA ang nasungkit niya sa raffle. Sagot niyon ang hotel accommodation at ang pocket money niya. Pero may isang heavy baggage sa biyahe ni Hera, ang Spanish-Filipino tour guide niya na may deep-set blue eyes, adorable dimples, at sexy stubble beard: si Ymas. Mukhang Indio si Hera kapag itintabi rito. Vain, Iyon ang perfect description kay Ymas. Akala mo stepmother ito ni Snow White kung manalamin. Napag-alaman ni Hera na ka-share niya si Ymas sa lahat ng hotel accommodations nila. "Would it really kill you to sleep with me?" asik ng lalaki. "Oo! Madamot ako at ayaw ko ng sharing." Pero habang tumatagal na nakakasama niya si Ymas, nahuhuli ni Hera ang sariling mga mata na naglalakabay sa Spanish Adonis nitong katawan. Anak ng tipaklong! Nabubuo ang magnet atraction sa pagitan nilang dalawa. Hindi nagtagal, nabunyag ang sikreto sa pagkatao ni Ymas. At may anti-feminist agenda pala ito kay Hera.
Somewhere Only We Know by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 47,667
  • WpVote
    Votes 1,694
  • WpPart
    Parts 30
He was a campus fuckboy. She was Miss President of Student Council. He was notorious and damned. She was loved and pure. They were two parallel lines, and were never meant to be. But a secret garden emerges in the woods of campus, drawing them closer together. They finally shared a secret worth protecting-a secret bigger than their polarity. As their worlds collide, can the lines finally meet and intersect amidst all odds? Disclaimer: This story is written in Tagalog English.
Jinxed Series: Tête-à-Tête by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 9,466
  • WpVote
    Votes 1,058
  • WpPart
    Parts 24
"We only love three times in our lifetime, and you're my zero, Valerie Salvosa," sabi sa akin ni Troy, "Tell me! Do you really think you're dreaming? Totoo ang lahat. Kasama mo ako ngayon." Naglapat ang aming mga noo. Sabay naming pinikit ang mga mata. "Valerie?" niyugyog ng isang kamay ang balikat ko. Bigla ako nagising. Nakahiga ako sa aking kama sa kwarto ko. "Gising, anak," sabi ni Mama, "Umaga na." Nakita ko na naman si Troy Marchetta sa aking panaginip. We only love three times in our lifetime, and Troy was my third one, my last life in the game of love. Plot twist: Pwede ko lang siyang maging boyfriend sa panaginip ko. Literal. Kasi sa realidad, ang girlfriend lang niya ang may karapatan na sumakay sa likod ng kaniyang motorsiklo. Humarurot sila at nalanghap ko ang usok ng tambutso. Some love... Game over.
Jinxed Series: A Beautiful Scar by EuropaJones
EuropaJones
  • WpView
    Reads 8,353
  • WpVote
    Votes 1,026
  • WpPart
    Parts 25
Von Carlos Renolt: Handa na akong tumalon ng high-rise building para tapusin ang buhay ko. Wala nang pwedeng mawala sa akin matapos kong isuko ang pangarap na maging isang pintor. Bago ko pa gawin 'yon, dumating siya sa buhay ko, sakay ng broomstick. Isa siyang mangkukulam, at nakikita niya ang future. May sumira daw ng tadhana ko kaya hindi ako naging pintor. Sumama daw ako sa kaniya sa Baler, Aurora at Basco, Batanes dahil tutulungan niya akong tuparin ang pangarap ko. Devil worshipper daw ang mga mangkukulam. Totoo ba? Para siyang anghel sa lupa. Isa lang naman akong hamak na mortal na umaasa na siya ang magiging nanay ng mga anak ko balang araw. Tonya Markova: Tinadhana akong tulungan siya na maging isang pintor. Talo ako sa usaping tadhana. Isang lalaki lang ang mamahalin ko. Pero hindi masusuklian ni Carlos ang aking pagmamahal. Ang sabi ng kapalaran ko, hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. Tinadhana akong mahalin siya, pero ibang babae ang tinadhana ng Diyos para mahalin niya.