CINDErainLLA
- Reads 3,157
- Votes 166
- Parts 31
Sarado ang mundo nina Ella at Emil sa iba.
Simula elementarya ay ang pagkakaibigan nilang dalawa ang sentro ng uniberso para sa isa't isa. Walang nakakapasok, kung mayroon man ay hindi nakakarating sa puso ng mundong ito.
Ngunit lumilipas ang panahon. Unti-unting namamaalam ang kabataan. Kumukupas ang kahapon. Lumalawak ang totoong mundo.
Maging sapat kaya ang daigdig na nilikha nila para lamang sa pagkakaibigan nila?
---
Sinimulan ko itong isulat noong 2012, mga February o March. Tapos, hininto ko. Pero, nitong 2013, nang simulan kong i-share iyong mga gawa ko rito e may mga nag-message sa akin sa Facebook at sa text. Ituloy ko raw.
Kaya, ito, kahit na nakalimutan ko na kung anong gusto kong takbuhin nito ay sinisikap kong ituloy ang nobelang ito. Sana magustuhan ng mga nagsabing ituloy ko. Sana magustuhan ng mga bagong babasa nito.
Sana magustuhan ninyo. Kayo ang inspirasyon ko. :) ♥
---
Book cover by Mark James Estonilo