letyourselfbreathe
Bata pa lang ay naniniwala na si Lia na mayroong taong nakatadhana para sa kanya na magpupuna ng kanyang mga pantansya kagaya ng sa pelikula. Naniniwala s'ya na ang buhay ay parang isang pelikula. Katulad ng mga napanood niya na mga prinsipe at prinsesa, ng mga hari at reyna.Nagkaroon siya ng katakot-takot na nobyo kahahanap sa lalaking magpupuna ng kanyang pantasya at nang mabigo ay nabago ang kanyang paniniwala. Nabubuhay lang pala s'ya sa ilusyon. Nakatagpo s'ya ng lalaking taliwas sa paniniwala at pantasya n'ya noon. Mapunan kaya nito ang matagal na n'yang hinahanap kung taliwas ang kanyang paniniwala?