Venicejacobs
26 stories
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 4: Jex Hamilton by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 48,764
  • WpVote
    Votes 1,473
  • WpPart
    Parts 15
*This is an unedited version.* Kahit na anong available na raket ay pinapasukan ni Nicole para lang kumita ng pera at maipang-sustento sa mga kapatid. She even tried stealing once, at doon niya nakilala ang makulit na si Jex Hamilton. Tinulungan pa siya nito sa ginagawa at simula noon ay palagi niya nang kasama ang lalaki sa mga raket. He was the best partner she ever had. Parehas lang kasi silang dugo't pawis ang inuubos para may maipakain sa kanya-kanyang pamilya. Iyon ang akala ni Nicole. Until she found out that this man was one of the most successful and influential computer programmers in the world. A billionaire, for short. Hindi niya mapatatawad ang lalaki sa ginawa nitong panloloko sa kanya. Ilang beses na kaya siya nitong pinagtatawanan sa kanyang likod?
[Completed] Cold Eyes Saga 5: Bury The Hatchet by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 142,969
  • WpVote
    Votes 6,447
  • WpPart
    Parts 93
A famous actress had been murdered inside her own place. And the killer hanged himself beside the body. Muling nabuksan ang kasong iyon at naatang sa team ni Jemimah nang makita ang kagunayan sa panibagong murder na naganap sa mismong headquarters ng SCIU - another murder and the killer's suicide. Sa pagiimbestiga ng kaso, nalaman nina Jemimah na iisa lamang ang gumawa ng lahat ng iyon. Isang serial killer ang gumagala sa lungsod, pinaglalaruan ang isipan ng mga tao para sila ay pumatay at pagkatapos ay kitilin ang sariling buhay. Isang monster na ginagawang puppet ang mga tao... Pero hindi magiging madali ang lahat, lalo na at iniimbestigahan nila ang serial killer na nagtatangkang sumira sa kasiyahan nilang lahat - si Destroyer...
[Completed] Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster [FILIPINO] by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 223,931
  • WpVote
    Votes 6,604
  • WpPart
    Parts 53
*Won 2016 PHR Novel Of The Year* "Hush... There's a monster in you..." Isang pambihirang oportunidad ang dumating kay Police Inspector Jemimah Remington nang bigyan siya ng sariling team ng direktor ng SCIU, ang pinapasukan niyang ahensiya na humahawak sa mga murder cases na mahirap lutasin. Isang serial killing case ang una nilang kaso. Jemimah was given a promising roster of team members: si Mitchel, isang napakatalinong profiler; si Paul na isang matulunging prosecutor; si Douglas na masunuring rookie cop; at si Ethan, isang napakagaling at misteryosong private investigator. Isang matalino at malupit na serial killer ang kailangan nilang hanapin at hulihin. At habang tumatagal, unti-unting nare-realize ni Jemimah na mas personal pala ang kasong iyon kaysa sa inaasahan niya... {Cold Eyes Saga is a series published under Precious Pages Corporation for PHR Singles imprint. It is under mystery, crime, romance genre. There are five books in this saga. I will be posting the first book here on wattpad for promotion purposes only. :) Continuous po ang saga na ito. Tatapusin ko dito sa wattpad ang first book. For those who want to try out this saga, you can read the first book here for free. And kung magustuhan niyo po, available ang buong Cold Eyes Saga (5 books) sa lahat ng Precious Pages Bookstores, National Book Stores. Or you can download the Precious Shop application on PlayStore, you can buy books there online. Thank you so much! P.S. This story is the unedited version of Cold Eyes Saga 1: Behind The Eyes Of A Monster. The hard copy is slightly different from here. - Venice Jacobs}
[Completed] Mine, All Mine by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 460,532
  • WpVote
    Votes 9,192
  • WpPart
    Parts 52
Shea desperately needed a big amount of money for her little brother's operation who was involved in a major car accident. Dahil siya na lang ang inaasahan sa pamilya nila simula nang pumanaw ang kanilang ama at magkasakit sa puso ang kanyang ina ay kailangan niyang gumawa ng paraan para makapaglabas ng pera upang agad na ma-operahan ang kapatid. So she decided to give up her body in exchange for money. If only she had another way to get money, she wouldn't be doing this to herself. Lumapit siya sa isang kakilala para humingi ng tulong patungkol sa bagay na iyon. Hindi naman nahirapan ang kakilala niyang iyon na humanap ng customer na handang mag-bayad ng malaking halaga para sa isang gabi. Then, she met Spencer Diehl - a handsome multi-millionaire who was willing to waste his money for anything. He was the most unpredictable man she had ever met and she spent her very first warm, memorable night with this stranger. After that night, she started changing her life. Ilang taon lang ay naabot niya na ang kaginhawang nais niyang ibigay sa pamilya at utang niya ang lahat ng iyon sa boyfriend niyang si Tom. Pero kung kailan ayos na ang lahat ay saka naman bumalik sa buhay niya si Spencer para ipaalala ang isang parte ng nakaraan niyang pilit niyang itinatago at kinakalimutan. Bakit kailangan pa ulit nitong magpakita? Bakit naisipan pa nitong lumapit sa kanya ngayon? And why did her heart starts yearning for another night with him again? Had she gone insane?
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 1: April, The Reluctant Cupid Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 678,075
  • WpVote
    Votes 8,009
  • WpPart
    Parts 45
Hindi alam ni April kung ano ang pumasok sa isipan niya at pumayag siya sa hiling ng lalaking bigla na lang pumasok sa coffee shop nila isang araw. Humihingi ito ng tulong para sa balak nitong panliligaw sa isa sa mga kaibigan niyang si Cheska. Wala na siyang nagawa kundi ang pagbigyan ito at maging tulay para mapaglapit ang mga ito. It didn't take long until those two entered a relationship. Akala niya ay tapos na ang komunikasyon niya sa lalaking iyon pero nagkamali siya. Dahil sa hilig ng kaibigan niya sa paghahanap ng kasiyahan sa iba't ibang lugar ay siya ang pinakiki-usapan nitong samahan muna ang boyfriend nito tuwing hindi ito makakarating sa usapan ng mga ito. Kahit ayaw niya ay wala na rin naman siyang choice dahil naaawa rin siya sa lalaking iyon na halatang patay na patay sa kaibigan niya. Pero mas matindi ang pagkaawang naramdaman niya para dito nang malaman niyang niloloko ito ng kaibigan niya. She didn't know what to do. Sasabihin niya ba dito ang mga panloloko ni Cheska at sirain ang tiwala ng kaibigan? She knew that she shouldn't meddle with their relationship. But there was a part of her heart that wants this man to forget her friend and just look at her. Why was she being like this?
[Completed] Party of Destiny 1: The Beauty Caught The Beast by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 142,123
  • WpVote
    Votes 3,073
  • WpPart
    Parts 45
A/N: This is the first book of Party of Destiny Series. This series is a collaboration with other PHR writers. Sa akin ang Books 1 & 12. Elizabeth was very popular because of her beauty. Iyon ang dahilan kung bakit napakaraming lalaki ang umaaligid sa kanya. Pero hindi tulad ng ibang babae ay hindi niya gustong pagka-guluhan siya dahil sa angkin niyang ganda. Kaya nga hindi niya tinatanggap ang mga alok na mag-artista siya o mag-modelo. She wanted to live a simple life. At kuntento na siya sa pagiging simpleng employee sa isang kumpanya. Subalit ang simpleng buhay na iyon ay nagulo nang makilala niya si Jack Knightley, dati itong nagsisilbi sa militar. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang lubayan ang lalaking ito. Kahit ilang beses na siya nitong ipinagtatabuyan ay patuloy pa rin siya sa paglapit dito. Maybe because of the feeling she had everytime she was with him. Inaamin niya sa sarili na interesado siya dito pero hindi naman nito magawang makita ang tunay na nararamdaman niya para dito. Siguro dahil sa nakakulong pa rin ito sa mga sugat nito - pisikal at emosyonal. He kept on calling himself a beast, kaya daw kailangang lumayo na siya dito. Hindi niya magagawa iyon. Ipaglalaban niya ang nararamdaman para dito kahit na pagtawanan pa siya ng ibang tao. She would show him that a beauty can live with a beast for a happily ever after.
[Completed] Sweet Coffee Princesses 2: Raine, The Bodyguard's Bratty Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 260,255
  • WpVote
    Votes 5,839
  • WpPart
    Parts 74
Raine was considered a total brat for everyone. She loved partying and having fun. Ilang beses na rin siyang papalit-palit ng boyfriends. But despite that, she was a loving and caring friend. She could also be a loving and obedient daughter if only her parents showed concern and love for her. Pero hindi, malimit ang mga itong wala sa kanyang tabi tuwing kailangan niya ng patnubay at gabay. Mas inuuna pa ng mga ito ang pagpapalago ng kanya-kanya nitong mga businesses at sapat na ang ihabilin siya sa yaya niya. Hanggang sa makagawa siya ng isang eskandalo na nakakuha ng atensiyon ng mga ito. Dahil doon ay nag-hire ang mga ito ng isang bodyguard na susubaybay sa lahat ng kilos niya. Doon niya nakilala ang pinaka-boring na lalaki sa mundo na si Riley. Wala itong alam kundi ang sundin ang iniuutos dito. Galit na galit siya sa mga magulang niya sa ginawa ng mga itong pagpapabantay sa kanya at pag-ground sa kanya na lumabas nang hindi kasama ang bodyguard niya. Kaya ginawa ni Raine ang lahat para pasukuin ang Riley na ito sa trabaho nito. Pero ang hindi inaasahan ni Raine ay ang pagkahulog ng loob niya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit niya iyon nararamdaman, basta ang alam niya lang ay wala ng halaga sa kanya ang ibang bagay basta't makasama niya ito. Subalit magagawa ba nitong tingnan siya bilang isang babae at hindi basta kliyente lang?
[Completed] Her Master (Published Under LIB Bare) by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 1,508,492
  • WpVote
    Votes 29,664
  • WpPart
    Parts 62
Malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad ni Janice ngunit hindi pa rin niya nagagawang mahanap ang lalaking makakapagkaloob sa kanya ng mga pangarap - sa pag-ibig, o kahit sa kama man lang. Marami na siyang nakarelasyon subalit halos lahat ay nauwi lang sa wala. Dahil doon ay nawala na ang pag-asa niyang makahanap pa ng matinong lalaking makakasama habang-buhay. But then, there comes Martin Velasco, her one hot boss. Hot was not enough to describe him. Noong una ay hindi naman niya masyadong napapansin ang binata, subalit nag-iba 'yon nang magsimula siyang magtrabaho para dito. Unti-unti ay natatakam na siyang mahawakan man lang kahit biceps nito. Pero hindi puwede! Hindi niya maaaring pagnasaan si Martin! Nakatatandang kapatid ito ng matalik niyang kaibigan at ganoon din dapat ang ituring niya sa lalaki. But the urge for a one night with him was too much. He seemed good in bed, too. At nakalagay sa bucket list niya ang magkaroon ng isang gabi kasama ang hot na lalaki na magaling sa kama. Isang gabi lang naman. JUST. ONE. NIGHT. {Her Master is published under LIB Bare and available in all Precious Pages Bookstore & National Bookstores. A novel written by Venice Jacobs. Sequel of The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 1: Bernard Buenaventura that was published under Precious Hearts Romances. Author's Note: Bago ang lahat, ako po ay humihingi ng paumanhin kung maraming typos, walang spacings, medyo magulo sa stories na pinopost ko dito sa wattpad. This is an unedited version of the published book only. Wala na po akong time na maasikaso pa ito. Copy-paste lang ako from the unedited manuscript. Hopefully ay mapagtiyagaan ninyo. Hehe.}
[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 3: Megan, The City Lover Princess by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 698,973
  • WpVote
    Votes 8,288
  • WpPart
    Parts 58
Isang malaking pagbabago ang nangyari sa takbo ng buhay ni Megan nang maligaw siya sa isang liblib na lugar sa Batanes. Doon ay nakilala niya si Emmanuel nang muntikan niya na itong mabangga. Sinabi ng lalaki na umalis ito sa lugar na tinutuluyan dahil wala na daw makakasama doon. Ang ikinagulat ni Megan ay walang kaalam-alam si Emman tungkol sa modernong sibilisasyon dahil simula pagkabata ay nakakulong na ang lalaki sa baryo ng mga itong hindi yata nadadaanan ng mga tao. Hindi siya tinantanan ng lalaki hangga't hindi niya ito isinasama kaya napilitan si Megan na kupkupin ito at turuan ng mga bagay na hindi nito alam. Kahit na para itong isang batang babagong labas lamang sa mundo dahil sa pagkamangha sa mga bagay na moderno, nakaramdam pa rin naman si Megan ng tuwa na makasama ang lalaki at maturuan. She wanted him to learn different things para magawa na nitong buhayin ang sarili at tumayo sa sariling mga paa. Pero bakit minsan ay mas gusto ni Megan na patuloy lang sumandal at manatili sa tabi niya ang lalaki? Masyado na ba siyang nawili na makasama si Emman kaya ayaw niya na itong pakawalan?
[Completed] Cold Eyes Saga 2: One Heart, Two Hearts by VeniceJacobs1
VeniceJacobs1
  • WpView
    Reads 173,910
  • WpVote
    Votes 5,633
  • WpPart
    Parts 94
*Won 2016 PHR Novel of the Year 1st Runner-Up* Inspector Jemimah Remington wanted her team, the Cold Eyes team to be the best in SCIU. Kaya lang, hindi magkaisa ang kanilang samahan dahil dalawa sa miyembro ng team ay may gusto sa kanya. Ang isang puso ay may katugon, ang isa ay hindi niya magawang saktan. Pero bago masolusyunan ni Jemimah ang problema ng team at ng personal din niyang buhay, may isang malaking kaso munang kailangang harapin at lutasin ng kanilang team: a new monster is on the loose and they need to stop it soon. Someone had been collecting hearts - literally. Kailangan nilang unahan ang psychopath serial killer na gustong ibilang sa heart collection nito ang isa sa dalawang pusong gustong umangkin sa puso ni Jemimah.