Fav
17 stories
My One And Only Queen by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 194,911
  • WpVote
    Votes 7,221
  • WpPart
    Parts 23
Four years ago, halos kay RGL lang umiinog ang mundo ni Abie. Ito ang sentro ng lahat ng pangarap niya. Pero biglang nagbago ang lahat ng makita niya itong kahalikan ang ex-girlfriend nito. Her world crumbled before her every eyes. Kasabay ng pagkawasak ng puso niya ay ang pagkasira din ng relasyon ng kanilang mga pamilya. Tuluyan niyang tinalikuran si RGL. Isinara niya ang anumang komunikasyon dito. Nang lumaban siya bilang kandidata sa Mutya ng San Clemente, hindi niya agad naisip na magiging dahilan iyon para magkalapit uli ang landas nila. Pero paano pa siya iiwas lalo at nanalo siya at nakahanda na rin siyang lumaban para sa Lakambini Ng Nueva Ecija? Imposibleng dedmahin niya ito lalo at ito ang kasalukuyang mayor ng kanilang bayan. Binatang mayor na nagpapalipad-hangin na magkaroon na daw sana ng first lady. Iyon na kaya ang magiging daan para sila magkabalikan? Pero paano ang hindi humuhupang galit ng kanyang ama sa pamilya nito? Author's Note: My One And Only Queen is a PHR-approved manuscript. Kung gusto ninyo pong mapabilis na maisalibro ang kuwentong ito, sana po suportahan nating makaani ng madaming reads, votes at comments dito sa wattpad. Marami pong salamat.
My Lemon's Heart (Complete) by mydearwriter
mydearwriter
  • WpView
    Reads 85,492
  • WpVote
    Votes 3,305
  • WpPart
    Parts 42
Yung pakiramdam na alam mong may something kayo in the past pero hindi mo alam kung ano na kayo sa present. At yung feeling na alam mong gusto ka niya dati pero ngayon ay parang wala na siyang pakialam sayo. Yung gusto mong mainis sa kanya pero isang ngiti lang niya ay kinilig ka na. Eto yun.
The Cavaliers: JD by mydearwriter
mydearwriter
  • WpView
    Reads 266,646
  • WpVote
    Votes 6,550
  • WpPart
    Parts 21
The Cavaliers Book 4. JD was asked by his ninong to take care of Peachy. Pero ayaw niya... ayaw niyang maging baby sitter. Because the baby is now a lady.
Laging Naroon Ka by mydearwriter
mydearwriter
  • WpView
    Reads 63,530
  • WpVote
    Votes 1,701
  • WpPart
    Parts 16
Published by Bookware, 2011 Sa iba kasi, simple lang ang ibig sabihin ng best friend. Pero para kay Allie, mas malalim pa iyon. Marami siyang good memories kasama si JR. Simula pagkabata hanggang high school, sa lahat ng makukulay na sandali ng buhay niya, naroroon ang kaibigan. At kahit nasaktan pa siya noong nagkahiwalay sila fifteen years ago, hindi niyon kayang burahin ang kanilang magandang pinagsamahan. Mayroon silang sariling mundo, at hindi niya kayang buksan iyon o i-share sa ibang tao—kahit sa sarili niyang boyfriend. At ngayong muli silang nagkita at parang hindi na ito ang JR na kilala niya noon, sa dami ng sinesekreto nito sa kanya, hindi niya ito kayang tanggihan. Ganoon kaimportante ang kaibigan para kay Allie. O kaibigan lang nga ba? Bakit pati mga halik ng binata hindi niya rin matanggihan?
Breaking His Defenses (COMPLETED /raw version Published under PHR) by YsadoraPHR
YsadoraPHR
  • WpView
    Reads 316,087
  • WpVote
    Votes 7,415
  • WpPart
    Parts 28
Ebook format available at: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1782/Breaking-His-Deffenses Teaser: "Nasa akin na ang pinakamaganda at pinaka-sweet na babae sa balat ng lupa. Kaya mamatay sila sa inggit." Nine years old pa lamang si Patti ay alam na niya kung sino ang lalaking para sa kanya. Iyon ay walang iba kundi ang Mr. Incredible na kapitbahay niyang si Simon. Alam din ni Simon ang pagiging hibang niya rito pero dead-ma lang ang lalaki sa lahat ng efforts niya. Sanay na si Patti na laging hindi pinapansin ni Simon. Pero ang pinakamasakit ay ang harap-harapan nitong pag-reject sa kanya bilang ka-date sa JS prom. Palalampasin na sana niya ang ginawa nito, pero bakit tila naiinis si Simon nang makahanap si Patti ng ibang ka-date na guwapo at magaling ding mag-basketball tulad ng lalaki? Biglang nagbago ang pakikitungo sa kanya ni Simon nang maging malapit sila ni James. Could it be that he was jealous of James? ---Isa po ito sa pinakapaborito kong published book dahil inspired po ito sa crush kong basketball player ngayon. Kininilig pa rin ako tuwing naiisip siya. Hehehe! Sana mag-enjoy kayo sa story! p.s. unedited version po ulit ito... pasensya po kung may masalubong kayong 'wg' at 'typo'. Published under Precious Hearts Romances, please grab a copy of the book version at National Bookstores, Precious Pages Outlets and other bookstores. Highest Ranking in Romance: #68 - October 22, 2017
Checkmate on Love (COMPLETED- Published under PHR) by YsadoraPHR
YsadoraPHR
  • WpView
    Reads 349,367
  • WpVote
    Votes 6,427
  • WpPart
    Parts 27
Available po ito online: https://preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/1437/Checkmate-On-Love When Mavis realized she was in love with Jacques, her kinakapatid slash kuya slash best friend, she tried everything just to make him notice her, not as his sister but as a woman. Hindi inaasahan ni Mavis na bigla na lang magkakaroon ng girlfriend si Jacques. Gumawa siya ng paraan upang ipakita sa binata na hindi karapat-dapat ang atribidang girlfriend na si Thea para sa pagmamahal nito. Kaya naman, ini-apply niya ang step-by-step instruction guide ng librong How To Make Your Guy Friend Dump His Girlfriend. But when things started to happen according to her plan, isang katotohanan ang biglang sumampal sa kanya. Could she still compete when he saw her only as his immature younger sister? Paano na lang niya ipaglalaban ang musmos niyang puso? Highest Ranking in Romance: October 15 - #47 October 14 - #77 October 13- #78 October 10 -#80
Reaching For Her Skye (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 293,368
  • WpVote
    Votes 5,251
  • WpPart
    Parts 29
"And I'm still hoping that I could reach the Sky someday." Iyon ang buong buhay na yatang pangarap ni Alayna. And for her, her sky was Skye-ang gwapo, mayaman, at matalino niyang kababata na nakasanayan na niyang habol-habulin buong buhay niya samantalang nakasanayan naman nitong itaboy siya sa tuwina. Pero hindi siya kailanman nagalit sa lalaki kahit buong buhay na rin nitong dine-dead-ma ang mga efforts niyang mapansin nito. Kuntento na siyang nakikita ito at nakakasama kahit siya lang naman lagi ang nag-i-initiate ng mga pagkikita nila. Kaya naman hindi niya napaghandaan nang bigla ay magbago ang ihip ng hangin at bigla ay parang ito naman ang nagpapapansin sa kanya. At dahil matagal na rin iyong inasam ng puso niya ay lalong lumalim ang nararamdaman niya para kay Skye. Ngunit hindi lang pala ang pagbabago sa setup nila ang hindi napaghandaan ni Alayna. Because while she was falling even more in love with him, she was opening up herself for the worst pain she had yet to experience.
Because You Loved Me (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 146,150
  • WpVote
    Votes 3,232
  • WpPart
    Parts 23
"I have been loving you all my life, wala nang pag-asang magbago pa iyon. Kahit pa mapagod ka sa pagmamahal kong ito." "I've missed you" are not the words you expect to hear from your new boss. Especially when you had punched that boss twice when you were younger and you had sworn to hate the guy for the rest of your life. Kaya naman nang sabihin iyon ni Menriz, ang bagong boss ni Anikka, nang muli silang magkita pagkalipas ng ilang taon ay nawindang ang buong sistema niya. Pero hindi pa ito nakontento roon. Sa araw-araw ay hindi ito pumapalya sa pagpapapansin sa kanya. Until he finally confessed his feelings towards her. Matagal na raw may gusto si Menriz sa kanya at ngayong bumalik na siya, sisiguruhin daw nito na magugustuhan din niya ito! Pero imposible iyon. Dahil nang nakawin ni Menriz noon ang first kiss niya, ipinangako ni Anikka sa sariling kamumuhian ito habang-buhay. Pero bakit hindi niya maipaliwanag ang kakaibang tibok ng puso tuwing napapalapit siya rito? At bakit parang lumilipad ang iba niyang problema at si Menriz na lang ang pumupuno sa magulong isipan niya? The world must be ending!
My Sweet Misery by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 351,114
  • WpVote
    Votes 9,138
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." 💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞 Aso't pusa, iyon sina Ethan at Jessica. Pero sa totoo lang ay mahalaga ang binata kay Jessica dahil best friend ito ng kuya niya. Minsan ay inabutan niya si Ethan na iniinsulto ng mortal nitong kalaban. She had to do something, or else ay ramble na naman ang kasunod nito. Mabilis niyang nilapitan ang binata at ikinawit ang mga braso sa beywang nito. "There you are, babe! Kanina pa kita hinahanap." Natigilan si Ethan at tinapunan siya ng are-you-crazy-stare. Nang sila na lang dalawa ay sinita siya nito. "You know, I go to parties to pick up a one-night stand. And since tonight you labeled me, staying here would be useless. Pangatawanan mo na girlfriend kita. You're coming home with me." Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Wala sa sariling iniyakap niya ang mga braso sa dibdib. Sumunod ang mga mata ni Ethan sa bagay na pinoprotektahan niya. Pumalatak ito at umiling. "Do you really think na pagnanasaan ko ang mga bubot na papaya?" Ang hinayupak! Kahit kailan ay peste talaga ang lalaking ito sa buhay niya. 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
Destined to be Mine (UNEDITED & COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 133,742
  • WpVote
    Votes 2,366
  • WpPart
    Parts 11
PUBLISHED: May 2009 This is my second approved PHR novel. Halos magkasabay lang itong napublish ng first novel ko. ^_^ So again, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. ============================================================ Abigail and Matthew had been inseparable since birth. Nothing could break them apart. Iyon ang akala ni Abigail. May isang bagay pala sa mundo na kayang paglayuin sila-pag-ibig. Because when Matthew started to fall for another girl, she realized her best friend was not completely hers. Pag-ibig din ang dahilan kung bakit miserable ang buhay niya. Dahil matagal na siyang may lihim na pagtingin kay Matthew. It was making her life miserable because she badly wanted to tell him how she felt but couldn't, afraid it might ruin their friendship. Mukhang wala siyang ibang choice kundi ang mahalin na lang ito sa malayuan