Fantasy Stories 🥀
7 stories
Ang Mga Diwata◐.̃◐ ✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 2,092
  • WpVote
    Votes 301
  • WpPart
    Parts 22
Sa mundo ng kathang isip, Nabuo ang samahang Diwata sa daigdig, Mga Diwatang nagbigay ng Kalayaan sa paligid, Naghahasik ng kanilang kamandag sa pakikipag laban na kay bagsik.. 🍃🍃🍃 ♣URDUJA♣ Ang Diwatang pasaway sa kanila, Di nawawalan ng kalokohang binubulgar sa madla, Pero kapag ang usapan napadako sa Shokoy niyang jowa, Tiklop ang tuhod nito sa pagtatanggol sa mina mahal niya.. ♥AYANA♥ Walang puwang sa kanyang mundo ang mga lalaki, Ang gusto niya lang magsaya't makisali, Sa mga pasaway na Diwata siya'y nawiwili, Pero kapag nagmahal nagiging bulag, pipi at bingi.. ♦AMIHAN♦ Tahimik pero palaban, Sa pag-ibig malihim siya't maingat sa ganitong usapan, Mabuti at maaasahang kaibigan, Kapag nakasundo mo gugulo ang mundo mo sa kanyang mga kalokohan.. ♠MAYUMI♠ Madalas man siyang mabigo at masaktan, Hindi sumusuko si puso patuloy pa ring lumalaban, Tapat siya kung mag mahal sa Engkantadong napupusoan, Kaya naman umaasa siyang dadating din ang kanyang the one... 🍃🍃🍃 Sabihin nang mga matatag at palaban sila, Pero may isang kahinaan din ang mga Diwata, Yan ay kapag natutung umibig na sila, Lahat ng sagabal sa daraanan nila ay di alintana makasama lang ang tunay na mina mahal nila.. Kahit madalas silang bigo at puso'y sugatan, Ang tungkulin nila ay hindi pinababayaan, Ang magligtas at makatulong sa mga nangangailangan, Para sa kanila'y sapat na, para maging lubos ang kanilang kaligayahan.. 💃MahikaNiAyana - Pictures from Pinterest -
🌬 Ang Lihim na Pagkatao ni Ayana✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 4,746
  • WpVote
    Votes 341
  • WpPart
    Parts 12
Dwarf at Ayana🥀Love Story Bata pa lang si Ayana ay kakikitaan mo na ng kakaibang ganda. May mga kilos syang mahirap paniwalaan. May lakas na hindi pangkaraniwan. Mga binibitawang salita na hindi maintindihan. Habang nagdadalaga sya nag iiba ang kanyang hitsura. Lahat ng madaanan nya ay umaamo maging ito man ay tao, hayop, insekto. Ang mga halaman ay lumalago, mga bulaklak ay namumukadkad, mga prutas tumitingkad at sumasarap. Lahat ng kababaryo ni Ayana ay nagtataka kung bakit tila sya naiiba. Walang naglalakas ng loob na magtanong hindi dahil sa natatakot sila. Kundi napamahal na sa kanila ang butihing dalaga. Tanging ang mga magulang lang ni Ayana ang nakakaalam. Sa lihim na pagkatao nito...kung saan sya nanggaling at kung gaano ka mahiwagang mundo ang pinagmulan nito. Subalit hanggang kailan nila maitatago kay Ayana ang katotohanan? Gayung kusang lumalabas na ang taglay nitong kapangyarihan. Takot at pangamba ang kanilang nararamdaman . Pero totoo ngang kasabihan..na walang lihim na hindi nabubunyag.. Ano ang magiging buhay ni Ayana sa piling ng mga magulang na nagpalaki sa kanya? Malalaman nya ba ang totoong pinagmulan? Makakamit nya ba ang pinapangarap na kapayapaan at totoong kaligayahan? O mababaon na lang sa limot ang tunay nyang katauhan? Sama sama nating tuklasin ang lihim na pagkatao ni Ayana. Dwarf at Ayana🥀Love Story 💃MahikaNiAyana Pictures from Pinterest😉
ITINADHANA🥀  ✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 708
  • WpVote
    Votes 187
  • WpPart
    Parts 12
Draca At Euri 🥀 Love Story Isang mandirigmang kabalyero si Euri sa palasyo ng Umbra. Isa sa mga kaharian sa Engkantadya kung saan ang namumuno ay mga makapang yarihang engkanto at mga diwata. Dito nagtagpo ang landas nila ni Draca. Ang diwatang ubod ng sama ang pag uugali. Bakit ganun na lang kung husgahan nya si Draca? Kasi, naging saksi sya sa pagpapahirap nito sa kaibigan nyang si Dwarf. Ang pinsan ni Draca na dwende at may lihim na pagtatangi sa kanilang Prinsesa Ayana. Sa inis at matinding pag ayaw nya sa diwata hindi nya inakalang mahuhulog ang loob nya dito, at ang masama pa nito minamahal nya na pala ang sutil na diwata.. Ano ng gagawin nya gayong batid naman nya kung gaano kasama ang pag uugali nito. Paano nya ba mapapaibig ang diwatang napakalakas, na kahit si Dwarf hindi manalo nalo sa tunggalian ng mga ito? Mapipigilan nya bang nararamdaman gayung naniniwala syang itinadhana silang dalawa para maging isa? Malaking suliranin ito para kay Euri na ngayon lang umibig... Magtagumpay kaya sya... O Mabibigo. Paano ng paniniwala nyang Itinadhana sila ni Draca sa isa't isa? kakalimutan na lang ba nya yun O maglalakas loob syang tapatan ang diwatang dragon ng Engkantadya. Draca At Euri 🥀 Love Story 💃MahikaNiAyana - Pictures from Pinterest -
☘ Lihim na Pagtingin ✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 1,082
  • WpVote
    Votes 169
  • WpPart
    Parts 12
Alitaptap at Onyx 🥀 Love Story Walang kinatatakutang kalaban si Onyx, ang kabalyerong mandirigma ng kahariang Umbra sa mundo ng Engkantadya. Mapa bampira, itim na anghel, itim na mangkukulam at kung anu ano pang kalaban, sinusuong nyang iba't ibang panganib kasamang mga engkantong mandirigma na pinamumunuan nya. Matapang man sya't walang kinatatakutan, tiklop naman ang mga tuhod nya sa nag iisang diwatang nagpatibok ng pihikan nyang puso. Ang nakababatang kapatid ni Prinsesa Ayana na si Prinsesa Alitaptap. Makulit pero mabait Pasaway pero kaibigang tunay Garapal pero mapagmahal Ilan lang yan sa mga taglay na pag uugali ni Prinsesa Alitaptap na kinahuhumalingan nya. At dahil sa torpe sya dinadaan nya lahat sa biro ang lihim nyang pagtingin dito. Na ikinatuwa naman ng sutil na Prinsesa. Dahil ang totoo nyan kahit si Prinsesa Alitaptap ay humahanga sa kakisigan at katapangan ng kabalyerong misteryoso. Sa pamamagitan ng pagbibiro nito na sinasakyan naman nya dinadaan ang lihim nyang pagtingin dito. Saan mauuwi ang mga lihim na pagtitinginan ng isang kabalyerong mandirigma na si Onyx at ng sutil at pasaway na si Prinsesa Alitaptap? May happy ending ba sila O Hanggang Lihim na Pagtingin na lang ang storya ng pag-iibigan nila?... Alitaptap at Onyx 🥀 Love Story 💃MahikaNiAyana - Pictures from Pinterest -
   Sa Mundo Ng Engkantadya🍃✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 1,234
  • WpVote
    Votes 165
  • WpPart
    Parts 12
Ako nga pala si Jp, isa akong manunulat. Sa totoo lang.. Hindi ko naman pinangarap ang maging writer. Ang hilig ko lang ay mangarap ng gising. Kaso ang isip ko malayo ang nararating, naglalakbay kung saan saang dako ng mundo. Mula noong bata pa kasi ako, marami na akong karanasang kakaiba.. Yun bang may mga nakikita ako na hindi nakikita ng iba. Kumbaga malakas ang pakiramdam ko sa mga mahiwagang nilalang. Parati rin akong nananaginip na tila sa ganung paraan kinokonekta nila ako sa kanilang mundo. At ang lahat ng pangyayari ay parang totoo. Sa sobrang koryosidad ko sa mga napapanaginipan kong mga engkanto. Naglalakbay ako at kung saan saang lugar na nakakarating. Diko inakala ng isang gabing kabilugan ng buwan. Habang pauwi nako samin at napadaan sa kakahuyan, may narinig akong malamyos na boses ng babaeng umaawit. Ako'y napahanga sa boses nyang tila may mahika, lalo na ng masilayan kong kanyang anyo na napakaganda. At ng sinabi nyang kanyang pangalan, ako'y natulala. Isa daw syang Diwata, ng kahariang Umbra... na matatagpuan sa mundo ng Engkantadya. Sya si Diwatang Ayana, na pinangarap kong makasama.. Hinanap ko sa kagubatan ang daan patungo sa mundo nila. At dahil sa isang aksidenteng napaupo ako sa isang putol na puno para magpahinga. Nahati yun sa gitna at hinila ako ng malakas na pwersa patungo sa mundong mahiwaga. Sa mundo ng Engkantadya biglang nagbago ang buhay ko, masyado akong naaliw sa ganda ng kapaligiran at sa mga Engkantong nakakasalamuha ko. May mga Dwende, Sirena, Shokoy, Anghel, Bampira at kahit na nga mga lmpakta, na ang iba ay naging kaibigan ko na. Halika, kaibigan!... Samahan mo akong lakbayin ng ating diwa at imahinasyon ang mahiwagang mundo ni Ayana. Kilalanin rin natin ang mga Engkantong malapit sa kanya. At higit sa lahat ating tuklasin ang taglay nyang mahika... 💃MahikaNiAyana - Photos from deviant art / Pinterest -
Ionna Amazona⛏ by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 109
  • WpVote
    Votes 24
  • WpPart
    Parts 2
Fairy Io at Lorsan 🥀 Love Story May mga tinik na nais nyang maalis pero yung tinik din na 'yon yung dahilan kung bakit nya nakakaya 'yong araw-araw na buhay. Kahit medyo masakit, kahit medyo makasarili. Alam nya sa sarili nyang hindi nya naman talaga kailangan ng taong makakasama. Masaya syang andyan lang sila, kahit hindi sya yung kasama nila. Tipong sya yung taong nasasaktan habang naghihintay. Ionna Amazona⛏ Kasangga ng mga Diwata Sa pakikipaglaban walang makakadaig sa kanya Ma prinsipyo, may paninindigan, may isang salita.. Masaya na sya sa kanyang buhay... Nakikipaglaban.. Nakikipagpatayan... Hanggang sa magtagpo ang landas nila ni Lorsan. Ang mapagbalatkayong dwende ng kahariang Umbra... Si Lorsan na maraming alam tungkol sa kanya., na para bang kilalang kilala na sya nito. Paniniwalaan ba nyang mga sinasabi nito O kusa nyang aalamin ang katotohanan sa sarili nyang pamamaraan. Pero, Paano kapag lahat ng sinasabi sa kanya ni Lorsan ay pawang katotohanan? At ano ang kaugnayan nito sa buhay nya? Bakit pakiramdam nya dito matagal na nya itong nakakasama? Magagawa ba nyang talikuran ang kanyang nasasakupan?... Mapapalaya nya ba ang angkan ng mga Amazona mula sa isang kasunduan sa pagitan nya at ng Reyna Amethyst ng kahariang Umbra?... Mababago nya bang pamumuhay nilang mga Amazona?... Ang tanong nya ngayon sa kanyang sarili ay kung ano ang pipiliin nya? Ang kanyang nasasakupan O Ang nakaraang nais nyang balikan para malaman nyang buong katotohanan? 💃MahikaNiAyana - Pictures from Pinterest -
Ang Sekreto Ni Valentina🐍✔💯 by mahikaniayana
mahikaniayana
  • WpView
    Reads 711
  • WpVote
    Votes 165
  • WpPart
    Parts 12
Ako si Valentina🐍 Val sa gabi, Lentina sa umaga. Hindi ako bakla at hindi rin ako tomboy. Sadyang kakaiba lang ang aking pagkatao. Dalawa ang katauhan ko, na kahit ako nahihirapang intindihin at hanapan ng kasagutan kung bakit ako ganito. Kung bakit kakaiba ako.. Kung bakit sa pag bukang liwayway ay nagiging babae ako. At sa pagsapit ng takip silim nagiging lalaki naman ako. At may isang sekreto pa akong itinatago, na kaming dalawa lang ni Inang ang nakakaalam nito. Meron akong taglay na kapangyarihan, at kung papano o saan ko man natutunan o nakuha ito? Yun! Ang hindi ko rin alam. Basta kusa na lang lumalabas ang kulay purple orchids sa mga kamay ko kapag ginusto ko ito. At ang sinasabog nitong halimuyak ay iba iba ang taglay na kapangyarihan at kahulugan.... Ito ay... Nakakabighani, Nakakagaling, Nakakahalina, At higit sa lahat... Nakamamatay. Kung anong naisin ko na maging amoy nito, mabuti man o masama, yun ang isasabog na halimuyak ng purple orchids. Masyadong masalimuot ang tinatahak kong daan, para lang matuklasan at malaman ang tunay kong pinagmulan.. Magtagumpay kaya ako saking paglalakbay? Mabigyan ko kaya ng hustisya ang lahat ng nangyayari saking buhay? Ako ba'y totoong tao? O Baka naman ako'y isang engkanto? AKO SI VALENTINA🐍 × × × AT ITO ANG AKING KWENTO. 💃MahikaNiAyana - Pictures from Pinterest -