MaricarD
44 stories
WILDFLOWERS series book 1 - A Liar's Kiss by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 291,939
  • WpVote
    Votes 7,784
  • WpPart
    Parts 18
Bumalik sa Pilipinas si Stephanie at ang buong banda niya para mag-break at para mag-compose ng mga awiting gagamitin nila para sa kanilang anniversary album. Dahil wala naman siyang uuwiang pamilya sa Pilipinas, nagdesisyon siyang manatili sa isang exclusive resort upang doon mag-isip. Isang gabi, habang nanonood siya ng meteor shower sa dalampasigan ay nakilala niya si Oliver. Simbilis ito ng bulalakaw na lumapit sa kanya, hinalikan siya sa mga labi, at nawala sa kanya. Nalaman niya na nagbabakasyon din ito sa resort na iyon. She was drawn to him because he didn't seem to recognize her as a member of a popular band. So she ended up spending her days... and night with him. Subalit kung kailan akala niya ay magkakaroon ng magandang patutunguhan ang namagitan sa kanila ay nalaman niya ang katotohanan sa likod ng paglapit nito sa kanya. Na mula umpisa ay alam nito kung sino siya. That for him, she was nothing but a job he has to do to save his precious magazine...
WILDFLOWERS series book 2: A Sinner's Temptation by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 349,123
  • WpVote
    Votes 8,765
  • WpPart
    Parts 19
"I kissed you to let them know that they can never have you." Utos ng music label ng Wildflowers na makipag-collaborate sila kay Adam Cervantes, rockstar/genius composer sa Hollywood na half Pinoy. Si Ginny ang napili ng producer nila na makatrabaho ni Adam. Ngunit kahit anong pilit ni Ginny ay hindi niya magawang makasundo ang lalaki. Kahit kasi ilang taon na sila sa Amerika ay naku-culture shock pa rin siya kapag si Adam na ang kasama niya. Kung gaano siya ka-conservative ay ganoon naman ito ka-liberated. But then, Adam also made her feel so many things so new to her. Until she fell in love with him. Ang kaso alam niyang laro lang para dito ang lahat. Adam never took any woman seriously. Alam niya na kapag na-bore na ito sa kanya ay iiwan siya nito nang walang pag-aalinlangan. And that would mean a broken heart for her. Magagawa ba niyang isugal ang puso niya rito?
WILDFLOWERS series book 3: First Love's Touch by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 499,578
  • WpVote
    Votes 12,535
  • WpPart
    Parts 32
"Hindi ko kayang magsulat ng kanta para masabi ko sa iyo ang nararamdaman ko. I cannot even sing a song for you. All I can do is ask you this... marry me?" Excited man si Anje na bumalik sa Pilipinas, hindi naman siya ganoon ka-excited bumalik sa bahay nila at makita ang mga magulang niya. Noon pa man kasi ay hindi na sang-ayon ang mga ito sa career na pinili niya. Ngunit nang magpunta siya sa bahay nila ay hindi ang mga magulang niya ang naabutan niya kundi si Theodore, ang ampon ng mga ito mula pa noong sampung taong gulang siya. He reminded her of all the things she thought she had already forgotten after all these years. Kasama na roon ang damdamin niya para dito na matagal na niyang pilit inaalis sa sistema niya pero hindi niya magawa. Nais niyang iwasan ito. Ngunit dahil sa isang sitwasyon ay nagkaroon sila ng pagkakataong maging malapit sa isa't isa. And she ended up loving him even more. Ngunit kahit maraming taon na ang lumipas, alam niyang hindi ito maaaring maging kanya. She was trapped with a promise never to love him. And he was trapped with the memory of his own first love.
GOLDEN HEART (2019 GPML Best Published Story Of The Year) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 361,162
  • WpVote
    Votes 10,376
  • WpPart
    Parts 47
Kuntento sa tahimik na buhay si Cenon Sizperez. Tanggap na rin niyang mananatili siyang mag-isa hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Pero sa madaling araw ng bagong taon, nakilala niya si Wilma Sarza. From the moment he saw her, he knew she was dangerous. Hindi lang ito masyadong maganda at masyadong bata para sa kaniya, ninakawan pa siya nito ng halik bago sila naghiwalay. Kaya nang magkita uli sina Cenon at Wilma ilang buwan ang nakalilipas, desidido siyang iwasan ito kahit pa attracted silang pareho sa isa't isa. Pero sa huli, hindi rin nila napigilan ang nararamdaman. Iyon ay kahit puro problema, disapproval, panghuhusga, tsismis at kung anu-ano pa ang kinaharap nila. Hanggang isang araw, nalaman nilang konektado pala sila ng isang trahedya na nangyari sa nakaraan. Koneksiyon na mukhang makakasira sa kanilang nagsisimula pa lang na pagmamahalan.
Wildflowers series book 4: A Lover's Second Chance by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 577,969
  • WpVote
    Votes 16,738
  • WpPart
    Parts 36
"Maghihintay ako kahit pumuti pa pareho ang mga buhok natin. Kapag pagod ka na, gusto kong malaman mo na may uuwian ka." Carli married at a very young age. Noong una ay masaya ang pagsasama nila ng asawa niyang si Cade hanggang sa nagtagal ay nakita na nila ang pagkakaiba ng mga gusto nila sa buhay. Nais niyang maging isang sikat na singer habang ang nais ni Cade ay manatili lang siya sa tabi nito. Isang pangyayari sa buhay nila ang naging dahilan upang maghiwalay sila ng landas. Pagkalipas ng sampung taon, natupad ni Carli ang pangarap niya pero may hinahanap-hanap pa rin ang puso niya. At alam niya kung sino iyon... si Cade. Ang akala niya ay pagkakataon na iyon upang ayusin ang relasyon nila, pero ang isinalubong nito sa kanya ay annulment papers. Nais na nitong tapusin ang ugnayan nilang dalawa dahil may nakita na itong babae na ipapalit sa kanya.
MISADVENTURES OF A MATCHMAKER by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 152,310
  • WpVote
    Votes 4,632
  • WpPart
    Parts 40
Hi, everyone! I'm Kimchi Pineda. Sixteen years old. Laking all girls' school. Pero ngayong senior high student na ako, in-enroll ako ng parents ko sa Richdale Private High School. Dating all boys' school ang Richdale na lately lang naging coed. At mayroon akong misyon sa pagpasok dito-ang mapalapit uli sa kababata kong si Sushi Morales at matulungan siyang makawala sa kanyang rebellious stage. Isa 'yong request mula sa parents namin na hindi ko natanggihan. Kaya kahit nagkaroon kami ng matinding away two years ago na naging reason kaya naging mortal enemies kami, nagpakumbaba na ako at in-approach siya para makipagbati. Hindi naman siguro ako mahihirapan. Miss Congeniality nga raw ako. Pero si Sushi na kung gaano kaubod ng guwapo ay ganoon din kasungit. Nang subukan kong kausapin siya ay bigla akong hinila at isinandal sa pader sabay sabi ng, "Don't talk to me. At mas lalong huwag mo ipagsabi na magkakilala tayo. Maliwanag ba?" Paano na ang mission ko? Susuko na lang ba ako? Siyempre hindi. Fight hanggang mapalambot ang puso ni Sushi Morales!
Wildflowers series book 5: True Love's Passion by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 504,778
  • WpVote
    Votes 12,782
  • WpPart
    Parts 38
Lingid sa kaalaman ng lahat, nagsimula ang pagkahilig ni Yu sa drums at sa musika noong bata pa siya nang makilala niya si Matt na napadpad sa bayan nila. He was the one who introduced rock music to her. Ito ang nagturo sa kanya kung paano tumugtog. Sa loob ng isang linggong nakasama niya ito ay nabago ang buhay niya. It was also the first time she learned how it feels to fall in love with someone. Ngunit kinailangan nitong umalis at ang tanging naiwan nito sa kanya ay isang lumang discman at pangalan nito. Sa paglipas ng panahon ang paghahanap dito ang naging motivation ni Yu para maging matagumpay na musikera. Ngunit kahit labinlimang taon na ang lumipas at sumikat na sila ay hindi niya nakita si Matt. Nang magpasya siyang sumukoay saka naman muling nagkrus ang mga landas nila. Again she strongly felt a mutual attraction from that moment. Ang akala niya magagaya na siya sa mga kaibigan niya na masaya sa piling ng mga mahal ng mga ito. Pero may isang sekreto pala si Matt na hindi nito sinabi sa kanya. Sekretong dumurog sa puso niya
Bachelor's Pad series book 4: LADIES' MAN by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,783,135
  • WpVote
    Votes 40,451
  • WpPart
    Parts 39
Isang dalagang ina si Cherry at sa loob ng walong taon ay itinago niya ang lihim sa likod ng tunay na pagkatao ng kaniyang anak na si Justine. Iniiwasan din niyang mapalapit sa kahit na sino para mapangalagaan ang lihim na iyon. Kaya naman labis siyang nabahala nang mapalapit ang kaniyang anak kay Jay Palanca, isa sa mga barkada ng kuya niya at kilalang babaero. Dahil kay Justine kaya kahit ayaw ni Cherry ay napipilitan siyang makasama ang binata. Subalit habang tumatagal ay hindi na lamang ang anak niya ang dahilan kung bakit sila nagkakasama. Lalo na at kinailangan niyang magpanggap na asawa nito upang magtaboy ng isang may saltik na stalker. Unti-unti ay nadadaan siya ng malakas na charm ni Jay. He was able to get past her defenses. He was able to make her feel that innocent and nostalgic feeling she once had for him. At habang lumalalim ang nararamdaman niya para sa binata ay tumitindi rin ang takot na nararamdaman ni Cherry. Dahil natatakot siyang kapag nalaman ni Jay ang pinakatatago niyang lihim ay magbabago ang pagtingin nito sa kaniya. Worst, he might end up disgusted and angry with her. At siguradong hindi iyon kakayanin ni Cherry.
Bachelor's Pad series book 10: THE WOLF'S SEDUCTION (Benedict Barcenas) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 1,118,730
  • WpVote
    Votes 26,672
  • WpPart
    Parts 36
"In my whole life, your smile is the most beautiful thing I've ever seen." In the real estate business, Benedict is considered as the wolf. When he wants a property, he will stop at nothing until he gets it. At sa kasalukuyan, isang private land sa bayan ng Rizal ang gusto niyang maangkin. Pero ibebenta lang daw iyon sa kanya ng matandang may-ari sa isang kondisyon-kailangan niyang pakasalan ang apo nito. Worst, kailangan pa niyang suyuin ang dalaga. That land is the only hurdle for the completion of Benedict's dream project. Kaya kahit hindi niya type at parang masyadong uncivilized si Lyn Fajardo, pumayag siya sa kondisyon. Pinaibig ni Benedict ang dalaga at nagpakasal sila. Pero sa bawat araw na magkasama sila, tumitindi ang guilt sa kanyang dibdib. Lyn turns out to be an amazing woman and he is starting to hate himself for tricking her. Inaasahan na niyang magagalit ito pagkatapos malaman ang totoo. Ang ikinagulat ni Benedict ay ang sakit na nararamdaman nang mawala ang pagmamahal na palagi niyang nakikita sa mga mata ni Lyn. He realizes that in the short time of being married to her, he has fallen in love with his wife. But now it's too late. Ayaw na ni Lyn sa kanya note: this book is already published and available in bookstores (and ebookstores) please if you want to (and if you can) support yours truly i hope you can grab a copy. thank you! :)
Bachelor's Pad series book 6: Forbidden Lover (Draco Faustino) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 2,277,755
  • WpVote
    Votes 42,814
  • WpPart
    Parts 51
May slight case ng mysophobia si Janine. Clean-freak siya at ayaw na napapadikit sa ibang tao. Ang tingin ng mga tao sa paligid niya ay maarte lang siya at matapobre kaya ganoon siya umakto. Hanggang sa may makadiskubre na mas matindi ang kondisyon niya kaysa inakala ng lahat. And the person who discovered it happened to be Draco Faustino-ang huling taong gusto ni Janine na makaalam ng kanyang sekreto, and who also happened to be her stepbrother. Teenagers pa lamang ay may tensiyon na sa pagitan nina Janine at Draco kaya hanggang maaari ay iniiwasan ni Janine ang binata. Matindi rin ang pag-iwas nito sa kanya. Kaya nagulat siya nang isang araw ay bigyan siya ni Draco ng proposisyon-tutulungan siya nito para mawala ang mysophobia niya. "I'll get close to you until you get used to it... Hanggang sa imbes na umiwas ka ay hahanap-hanapin mo pa ang haplos ko, until you crave to touch me in return." Natagpuan ni Janine ang sarling pumapayag. Because deep inside her, she wanted to get close to him. Kahit ang kapalit pa niyon ay ang pagkabuhay ng damdaming pinili