MoonlightMaddox's Reading List
4 stories
Hexura La Academia: The Lost Enchantress by MoonlightMaddox
MoonlightMaddox
  • WpView
    Reads 702
  • WpVote
    Votes 32
  • WpPart
    Parts 8
Kiarra Lauren Lovegood, the soul heiress of the Hexis Kingdom who was destined to become the most powerful enchantress in the world of Hexus, protector of their people met her tragic end from the hands of Varkens, a soul-eating monsters who have the ability to copy ones appearance as they chase her into the woods until she slowly vanished, swallowed by the deep mysterious forest, never to be seen again. Cierra Fate Espiranta, on the other hand, a seemingly ordinary girl from the mortal realm, accidentally falls into a mysterious well and awakens in the magical world of Hexus who later on went to the one and only school of magic called Hexura, hoping she'd find answers on how to get back to her normal life only to discover that she was never ordinary to begin with. That she was the key to everything they feared and everything they had forgotten. One was lost. The other was found. This is Hexura La Academia, the story of The Lost Enchantress.
Majika De Akademiya: The Keeper of the Shimmering Wind [ Completed ] by MoonlightMaddox
MoonlightMaddox
  • WpView
    Reads 677,332
  • WpVote
    Votes 24,718
  • WpPart
    Parts 178
Sa mundo ng salamangka kung saan nababalutan ng mahika ay mayroong dalawang nahahating lupain. Ito ay ang Lupain ng Zahea at ang Lupain ng Tenebris. Ang lupain ng Zahea ay binubuo ng apat na Kaharian, ito ay ang Kaharian ng Terros, Kaharian ng Fyros, Kaharian ng Aquaros at ang Kaharian ng Aeros. Bawat Kaharian sa Lupain ng Zahea ay may Hari't Reyna na siyang namumuno sa bawat mamamayanan nito. Sa gitna ng apat ng nasabing Kaharian ay mayroong paaralan, ito'y tinatawag na Majika De Akademiya, ang lugar kung saan may pag-asang mag-aral ang mga kabataang may mga natatanging kakayahan at kapangyarihan. Dito sila sinasanay upang hubugin at hasain ang kanilang mga kapangyarihan para magawa nilang lumaban sa oras ng paglusob ng mga kalaban. Sa kabilang banda, sa kabilang panig ng lupain ay matatagpuan ang Kaharian ng Tenebris.Dito naninirahan ang mga alagad ng kadiliman na kalaban ng kabilang panig na pinamumunuan ng kanilang Reyna na si Reyna Clantania. Siya at ang kaniyang nasasakupan ay may hangaring sakupin ang buong Lupain ng Zahea na siyang pilit na pinipigilan na mangyari ng mga Zaheians. Samantala, sa bundok na siyang naghahati sa dalawang lupain ay may isang dalagang naninirahang mag-isa, ito'y nagngangalang Zahara Worthwood. Siya'y lumaki sa nasabing bundok at kahit kailanman ay hindi pa napapagawi sa ibaba.Kinupkop si Zahara ng dalawang mag-asawang magsasaka nang siya'y makita sa gitna ng kagubatan nung siya'y sanggol pa lamang.Ngunit agad din naman siyang naulila nang paslangin ang mga ito ng hindi niya nakikilalang mga nilalang.Magmula noon ay sinumpa na niyang ipaghihiganti niya ang kaniyang namayapang mga magulang. Subalit ano ang mangyayari sa takbo ng kaniyang buhay kung siya'y mapapadpad sa ibaba ng bundok na nagsilbing tahanan na niya sa loob ng napakaraming taon. Ano ang magiging kapalaran niya kung siya'y makakapasok sa Akademiyang magsisilbing susi niya upang matuklasan ang misteryong bumabalot sa kaniyang katauhan. Date started: April 1, 2021
Haliya Aurora: Vengeance of the Wicked [Completed] by MoonlightMaddox
MoonlightMaddox
  • WpView
    Reads 13,649
  • WpVote
    Votes 379
  • WpPart
    Parts 31
Sa mundo ng mahika na kung tawagin ay Valderia ay nananahanan ang mga nilalang na kilala bilang mga lobo at bampira. Kahit na mortal na magkaaway ang dalawang panig ay nagkasundo sila sa paglaon at pagkumpas ng mahabang panahon. Tumigil ang alitan ng dalawang panig at ang lahat ay namuhay nang payapa't matiwasay. Walang away. Walang gulo. Walang digmaan. Subalit ang kapayapaang iyon ay dagliang nagwakas nang isang panibagong nilalang ang gumulantang sa kanilang lahat. Isang nilalang na higit na mas malakas at higit na mas makapangyarihan kaysa sa kanilang lahat. At ang nilalang na ito ay walang iba kung hindi ay ang nilalang na naging banta sa kanilang mga buhay. Ang mga mangkukulam. Dahil sa higit na mas makapangyarihan ang mga ito kaysa sa kanila ay nakaramdam sila ng takot. Takot sa mga maaaring gawin ng mga ito laban sa kanila. Kung kaya't dala nang labis na pangamba't ganid sa kapangyarihan ay nagkasundo ang mga lobo at bampira na tapusin ang angkan ng mga mangkukulam. Tinugis nila ang mga ito at isa-isang sinunog. Kahit na anong pakiusap at pagsusumamong gawin ng mga ito ay hindi nila pinakinggan at walang pag-aalinlangan nilang pinaslang. Subalit ang huling mangkukulam na pinatay nila ay nag-iwan ng isang sumpa na siyang naging dahilan upang lahat sila ay mabahala. Sumpang siya'y magbabalik at maghahasik ng lagim at lahat ng nagkasala sa kaniya't sa kaniyang mga kauri ay kaniyang pagbabayarin. At dahil sa sumpang iyon ay nilamon ng takot at pangamba ang mundong kinagagalawan nila. Huli na nang mapagtanto nila na ang mangkukulam na iyon ay ang mangkukulam na siyang higit na kinakakatakutan ng lahat ng mga mangkukulam sapagkat ito at tanging ito ang kahuli-hulihang lahi ng mga itim na mangkukulam. At ang kaniyang pangalan dala ng kaniyang sumpa sa buong sanlibutan ang siyang tumatak sa isipan ng buong sangkatauhan. Siya ay walang iba kung hindi ay si Aurora. . . Ang nag-iisang pinakamakapangyarihang mangkumulam sa mundo ng Valderia.
The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed] by MoonlightMaddox
MoonlightMaddox
  • WpView
    Reads 3,267,972
  • WpVote
    Votes 91,622
  • WpPart
    Parts 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng salamangka. Ang lugar kung saan mahika ay nagsisilbi nilang sandata laban sa mga kalabang nagnanais na puksain at sakupin sila. Subalit isang babae ang siyang magbabago sa takbo ng buhay nila. Isang babaeng may angking kagandahan na siyang hindi mapapantayan ninuman. Isang babaeng nagtataglay ng kapanyarihang labis nilang hindi inaasahan. She is the girl from nowhere. The girl they thought that could do nothing to the girl they think that is more than anything. Her name is enough to make them fall on their knees. Shamiere. And she is the Mysterious Girl of Terrensia Academy. But as time goes by, they started to unveil the mystery in her up until the day that they finally discovered her real identity. Or so they thought. . .