By the City's Tranquility
trizena
(Tranquil #1) Si Yves ay binubuo ng mga pangarap. Mga pangarap nakatutok nang diretso sa mga priyoridad niya sa pamumuhay. Sa maagang edad, hindi na siya estranghero sa kung ano man ang ihaharap ng mundo sa kanya sapagkat simula pagkasilang, ang salitang dalamhati ay pamilyar na sa kanya. Gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maabot ang isa sa kanyang mga pangarap-ang makatapos ng fine arts at gumanap sa harap ng mga madla sa pamamagitan ng teatro.
Ang lungsod ay may malaking parte upang makamit niya ito at sa lungsod na ito, hindi niya inaasahang makatagpo ng dakilang kapayapaan. Hindi isang lugar subalit isang tao.
Siya ba ay mananatili sa bagong lungsod na kanyang itinuturing na tahanan dahil sa isang espesyal na tao o pananatilihin ang kanyang pamumuhay?