kheytmrk
Meet Maria Nicole Gazmen, an Archeology student na gustong pag-aralan ang kasaysayan ng Pilipinas at kung anong buhay ang mayroon ang mga Pilipino sa nakaraan. Ngunit sa labis niyang kagustuhan na malaman at pag-aralan ang kasaysayan, siya ay napunta sa isang panahong hindi niya kinabibilangan. Tama, sa isang panahon na gusto niyang pag-aralan, ang NAKARAAN.
Napunta si Maria sa panahon na kung saan nagsisimula ng mag-aklas ang mga Pilipino sa mga dayuhan, ang ikalabing-siyam na siglo. Ang panahon nina Rizal, Bonifacio, at Aguinaldo. Sa kaniyang pakikipagsapalaran sa nakaraan, mayroon siyang nalaman. Ano ito? Iyong subaybayan upang malaman. Upang makabalik siya sa kasalukuyan, may misyon siyang dapat magawa, ang siguraduhing maitama at iligtas sa mapait na pagkamatay ng lalakeng kanyang nahukay sa isang archeological site.
Ngunit paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay siya ay mahuhulog sa isang lalake na sa ibang pahanon nabibilang? Paano na kaya ito?
Samahan si Maria Nicole sa kanyang extra-ordinaryong pakikipagsapalaran sa ikalabing-siyam na siglo.
Sinimulan: May 31, 2020
Natapos: -----------