JurisAngela's stories
17 stories
Written In The Stars (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 994,167
  • WpVote
    Votes 12,864
  • WpPart
    Parts 15
Sa edad na dalawampu ay hindi pa nagkakaroon ng boyfriend si Margaux. May history pa naman ang pamilya nila na hirap nang magkaanak kapag nasa late twenties na. Kaya nagdesisyon siyang sumailalim sa artificial insemination noong nakatira pa siya sa New York. Nagbalik siya sa Pilipinas at doon ay muling nagkrus ang mga landas nila ni Miro, ang kababata niya na wala nang ginawa noon kundi asarin siya. Pero napakalaki na ng ipinagbago nito at tila desidido itong bumawi sa kanya. Niligawan siya nito. Hindi narendahan ni Margaux ang puso niya at tuluyang nahulog ang loob niya kay Miro.
Pleasurable Revenge  (Erotic Romance) Completed! by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 1,197,769
  • WpVote
    Votes 11,253
  • WpPart
    Parts 30
Adam Cordovo--- Nerd. Shy. Innocent. Virgin. Glaysa Ramirez--- Gorgeous. Sexy. Alluring. Liberated. A man's fantasy. Pinaglaruan ni Glaysa ang inosenteng si Adam. Tinuruan niya ito ng tungkol sa kama at sex. Tinuruan niya itong maging makamundo. Iniligaw niya ng landas. He became her boy toy. Sunod-sunuran sa kanya. Nang magsawa, she dropped him like a hot potato. Years had quickly passed. Hindi nagkaroon ng katahimikan si Glaysa. Inuusig siya ng konsensiya niya sa ginawa niya kay Adam. Pero wala siyang lakas ng loob para magpakita rito. Hanggang isang araw, nagising na lang siya sa isang silid na nakahiga sa kama; nakapiring, nakatali. She was kidnapped. At ang salarin... si Adam. He was a changed man, and he was back with vengeance!
I Love You, Good-bye (Completed) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 126,728
  • WpVote
    Votes 4,340
  • WpPart
    Parts 29
Nang maulila si Michelle ay isinama na siya ng tiyahin niya sa pinagta-trabahuhan nitong mansiyon. Nakilala niya ang batang si Oliver, ang anak ng amo. Arogante ito, bossy, mayabang. Pero habang lumalakad ang panahon ay napapansin nila ang isa't-isa, at ang itinatago nilang damdamin para sa isa't-isa. Hanggang sa wala ng pagpipilian kundi ang umamin. Isang araw dinala siya ni Oliver sa isang magical garden. May hinala na siya kung bakit sila naroon. Pupusta siya, magpo-propose na sa kanya ang binata. She would say, 'yes' of course. Magkakaroon na ng Happily-ever-after ang mala-fairy tale na buhay niya. Pero nagkamali pala siya dahil nawasak ang puso niya sa sinabi ni Oliver... "I love you, Good-bye."
It's Only Love (Complete) by AmarieBorromeo
AmarieBorromeo
  • WpView
    Reads 134,895
  • WpVote
    Votes 1,979
  • WpPart
    Parts 17
This is an edited version. Published under Precious Hearts Romances last 2015. Enjoy reading! Dimple ♡
Say You'll Stay (COMPLETED) by saab_deandrade
saab_deandrade
  • WpView
    Reads 117,603
  • WpVote
    Votes 1,497
  • WpPart
    Parts 11
Supermodel No. 6 Romeo Garzon, "Ang Masungit" sa TMA.
Loving Him Is Red (COMPLETED) by saab_deandrade
saab_deandrade
  • WpView
    Reads 44,404
  • WpVote
    Votes 930
  • WpPart
    Parts 13
Supermodel No. 7 Macren Garzon, "The Naughty" cute ng TMA.
Music In My Winter's Heart by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 47,983
  • WpVote
    Votes 932
  • WpPart
    Parts 13
Angelie was a writer. Was, past-tense. Marami na siyang naisulat na libro. Stories about love which captured every person's heart who read her books. Ngunit ang inspirasiyon na nagbibigay sa kanya ng dahilan para magsulat ay biglang binawi ng langit. She decided to turn her back on writing when her fiancé died. Isang dahilan para tuluyan na niyang kalimutan kung paano ngumiti at kung paano magmahal. Makalipas ang limang taon. Hindi akalain ni Angelie na babalik siya sa pagsusulat, ngunit sa pagkakataon na iyon, bilang isang songwriter. Her fiancé was an aspiring composer. Pangarap nito na sumikat ang kanta na ginawa nito. Ngunit dahil wala na ito, nagdesisyon ang dalaga na siya ang tutupad sa pangarap ng namatay na nobyo. There, she met Jay Lim. Ang leader ng sikat na grupong Seven Degrees. Sa unang pagkikita pa lang nila ay hindi na maganda ang impresiyon niya dito. Ngunit sa hindi inaasahan pagkakataon, si Jay ang napili ng PhilKor Entertainment na kumanta ng song entry niya. Sa mga araw, linggo at buwan na magkasama silang dalawa. Jay found his way through her heart. Until she realized one morning that she's falling deeply in love with Jay. Pakiramdam ni Angelie ay nagtaksil siya sa nasirang nobyo dahil sa pangako niya na ito ang huling lalaking mamahalin niya. Pinigilan niya ang damdamin ngunit sa huli ay hindi siya nagwagi. Kasabay ng pag-amin niya na mahal na niya si Jay, isang katotohanan ang sumabog sa harapan niya. Dahilan upang nagdesisyon itong iwan siya.
The Tanangco Boys Series 10: Leonard Apilado by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 125,646
  • WpVote
    Votes 2,199
  • WpPart
    Parts 12
Sa pagbabalik ni Cassy ng Pilipinas ay hindi niya inaasahang madurugtungan ang nakaraan nila ni Leo. Ang pagkakaligtas nito sa kanya sa tatlong lalaking humarang sa kanya sa gitna ng dilim ang naging daan upang maging madalas ang pagsasama nila. At sa mga sandaling kaharap at kausap niya ito, muling nabuhay ang pag-ibig niya rito na inakala niyang matagal nang naglaho sa puso niya. Ang nakakalungkot lang ay tila sarado na ang puso nito. Ibang-iba na rin ito sa dating Leo na kilala at hinangaan niya. Wala na ang mga ngiti nito, sa halip ay lagi itong seryoso. Nalaman niyang nakakulong pa rin pala ito sa isang pangyayari sa nakaraan na nagpatigas sa dating mapagmahal na puso nito. Ngunit ipinangako ni Cassy sa kanyang sarili na ibabalik niya ang dating Leo. Gagawin niya ang lahat, maiahon lamang niya ito sa madilim nitong nakaraan. Kahit pa masaktan siya nang ilanga beses at kahit alam niya kung gaan ito kahirap mahalin.
The Tanangco Boys Series 9: Justin Karl Chua by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 104,789
  • WpVote
    Votes 1,734
  • WpPart
    Parts 10
Justin and Nancy Jane were childhood sweethearts. Kasama nila ang isa't isa sa lahat ng oras. Magkakampi sa lahat ng bagay. Highschool sila nang mag-desisyon ang mga magulang ni Nancy Jane na mag-migrate sa America. Masakit man ay wala siyang nagawa kung hindi ang lumayo kay Justin nang hindi nasasabi dito ang tunay niyang damdamin. Sampung taon ang nakalipas nang kinailangan niyang bumalik sa Pilipinas. Ganoon na lang ang gulat niya na sa kanyang pagbalik, iba na ang Justin na dinatnan niya. Kasabay niyon ay ang muling pagbangon ng inakala niyang pagmamahal para dito na matagal nang naglaho. Pero mukhang huli na ang lahat para sa kanya. Dahil, may iba nang nilalaman ang puso nito. Dapat pa nga ba niyang ipaglaban ang pag-ibig para sa lalaking una't huli niyang mamahalin? O hahayaan niyang mawala ito sa ikalawang pagkakataon?
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 77,386
  • WpVote
    Votes 1,745
  • WpPart
    Parts 10
Hindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensiyon na ibinibigay sa kanya ng publiko, she still felt the emptiness insider her. Nang masangkot siya sa dalawang magkasunod na eskandalo na labis na ikinagalit ng mga magulang niya at sumira sa magandang imahe niya, pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa mundo. Mabuti na lamang at nakilala niya si Humphrey, ang sikat na photographer na minsan na rin niyang nakatrabaho sa isang photo shoot. Hindi niya inaasahan na dadamayan siya nito sa pinagdaraanan niya. Nangako pa ito na tutulungan siyang magtago sa media. Magulo na nga ang siutwasyon niya, tila Lalo pang pinagulo iyon nang makisali sa issue ang puso niyang tila unti-unting nabibihag ni Humphrey. At sadya nga yatang matigas ang ulo niya dahil binuksan niya ang kanyang puso sa isang bagong pag-ibig kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang damdamin niya para kay Humphrey.