HisFic
7 stories
Thy Love by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 8,669,038
  • WpVote
    Votes 307,293
  • WpPart
    Parts 36
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,100,466
  • WpVote
    Votes 187,711
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
BECOMING MRS. ACOSTA (Love in the Mountains)(COMPLETED) by helene_mendoza
helene_mendoza
  • WpView
    Reads 1,073,326
  • WpVote
    Votes 34,665
  • WpPart
    Parts 55
Naniniwala ka ba sa mga diwata? Kay Bathala? Sa mga maligno o kaya ay sa mangkukulam, multo at engkanto? Sa panahon ng mga gadgets at makabagong industriya, bibihira na lang ang naniniwala sa mga iyon. Sabi nga ng karamihan, kathang isip na lang at nilimot na ng panahon. Pero hindi si Amber. Totoong naniniwala siya sa mga lamang-lupa, maligno, at sa mga kakaibang nilalang sa bundok kaya nga talagang hindi siya nagpapigil at gusto niyang isampal sa mga kakilala niya na hindi siya nababaliw at totoo ang mga nilikha na iyon. Isang kakaibang libro ang nabasa niya at unang kita pa lang niya sa drawing ni Bathalang Dimakulu ay talagang nabighani na siya sa taglay nitong kaguwapuhan. Maraming mga balita na totoong tao si Bathalang Dimakulu na dino-diyos ng isang tribu sa mabundok na parte ng Central Luzon. Hanggang sa marating niya ang bundok Tibuklu. At doon niya napatunayan na hindi siya nababaliw. Dahil sa gitna ng kagubatan, sa pusod ng bundok Tibuklu ay nasa harapan niya si Bathalang Dimakulu at mas guwapo pala siya sa personal kesa sa drawing lang.
The Lost Prince Of Spain by littlemkt
littlemkt
  • WpView
    Reads 876,761
  • WpVote
    Votes 29,057
  • WpPart
    Parts 67
She's Leign Sevilla, an Archeology student who is very eager to know the history of some things. Ngunit anong mangyayari kung sa sobrang kagustuhan niyang matuklasan ang kasaysayan ay mapunta siya sa panahong nais niyang pag-aralan. Ang panahon kung saan ang kaharian ng Espanya ang naghahari sa bansang Pilipinas at ang panahon ng pagkawala ng Prinsipe ng Espanya. "The Life of Prince Javier Valentino after His Disappearance in the Kingdom of Spain" Ang kasaysayang nais niyang pag aralan ngunit kahit isa ay wala siyang makitang kasagutan. Sa hindi malamang dahilan ng pagpasok niya sa panahon ng espanyol ay makatutulong ba ito sakanya upang malaman ang nasa likod ng storya ng Prinsipe? Paano kung sa hindi inaasahan ay makasalamuha niya ito sa panahong ganap na magiging kabilang siya? Time setting: Filipinas 1882 HIGHEST RANK: #1 in Time Travel.
El Hombre en el Retrato by LightStar_Blue
LightStar_Blue
  • WpView
    Reads 564,255
  • WpVote
    Votes 17,198
  • WpPart
    Parts 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na hindi mapigilan ang sariling titigan ang portrait dahil palaging may nag-u-urge sa kanya titigan ito. Para siyang naaakit sa binatang nabuhay noong panahon pa ng Espanyol. Dumating ang araw na hindi niya inaasahan. Hindi niya inaakalang tatagos siya sa portrait na iyon. Ngayon nasa panahon siya kung saan nabubuhay si Simoun Pelaez at nakaharap rin ninya ang binata. Para siyang mababaliw dahil hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya at lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay tinatawag siya sa pangalang Esmeralda! Date Started: April 25, 2018 Date Finished: September 16, 2018 Rank #1 in Historical Fiction (03/27/2019-03/08/2019) Rank #6 in Historical Fiction (01/30/2019) Rank #11 in Historical Fiction (05/09/2018-07/27/2018) Rank #25 in Historical Fiction (04/30/2018)
My Native Wife [COMPLETED] by ThisIsAzkha
ThisIsAzkha
  • WpView
    Reads 3,975,240
  • WpVote
    Votes 28,402
  • WpPart
    Parts 10
How would you imagine a rich man had been framed up to marry a native woman? Would it be disaster, miserable, exciting or would he run away? Gab Ramos, an allergic of the word 'commitment' was framed up to marry a native woman by his very own so called best friend. The supposed to be vacation in a remote area in Benguet turned into a disaster and the only way out was to marry the available marrying age woman in the clan. From that mess his life turned upside down. As they grew closer to each other he fell in love with a native woman. Just that he's in denial, he was even so harsh with her. ⓓDISCLAIMER: This story is not intended to publicize someone's life or to ruin the characters' reputation as well as the place itself, Benguet. I love Benguet, I was there once and came up with this idea. Please be informed that I created this based on my wildest imagination. Again and again, THIS STORY IS MERELY A FICTION. Like this story on Facebook! ⓕ http://www.facebook.com/mynativewife ⓒ I own this story. 白爱花
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,644,339
  • WpVote
    Votes 586,792
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020