ate_kimchii
Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng coffee shop na iyon bago pa man malaglag ang mga luha ko. Ayaw kong pagtinginan ako ng mga tao sa loob.
Napatingin ako ulit sa loob ng coffee shop at mas higit akong nasaktan sa nakita ko. Si Justin, nakangiti habang sinusubuan ng ice cream ang babaeng iyon! Mas lalo akong napaiyak, awang- awa ako sa sarili ko.
Alam ko naman na mahal na mahal niya ako. Noon. Wala akong duda doon. Noon.
Nag-umpisa kasi kami as friends since elementary at dahil friends kami, nasanay akong nagkikwento sa kanya kapag may lalaki akong crush. Masyado akong nasanay. Masyado akong naging komportable. Nakalimutan kong boyfriend ko na siya at nasasaktan siya sa mga sinasabi ko tungkol sa iba. Nakalimutan kong sa bawat mababaw na kilig na nararamdaman ko sa lalaking ikinukwento ko sa kanya, isang
malalim na sugat ang iniiwan nun sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko kasabay ng muli kong pagtakbo.
Pagliko ko ay may nakabangga ako at natapunan ito ng dala kong kape. Mabuti na lang at hindi na masyadong mainit ang kapeng dala ko.
"Look what you've done!" Angil nito, pinupunasan ng panyo ang suit na suot.
Ang malas ko naman ngayong araw!
"I'm sorry---"
"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan!" Masama ang tingin nito sa akin.
"Andrew, are you ok?" Tanong ng isang kasamahan nito na lumapit na sa amin.
"No. Mauna na kayo sa venue, pare. Paki-explain kina Mr. Lee na medyo mali- late ako. Tsk! This is bullshit!" Mura pa nito sabay nanlilisik ang matang tumingin ulit sa akin.
"I'll just p-pay f-for the--"
"Dapat lang! You ruined it! This is a Louis Vuitton suit! Come!" Sabi pa nitong hinila ang kamay ko papasok sa isang mamahaling boutique na panlalaki.
"Look for something classy! Pay for it, and pay for the balance of this!" Sigaw nito sa akin habang hinuhubad ang coat at naupo na sa couch na naroroon.
Nakagat ko ang labi ko. Napapaiyak na tumalima na sa utos niya.