Historical
5 stories
The Lost Prince Of Spain by littlemkt
littlemkt
  • WpView
    Reads 876,770
  • WpVote
    Votes 29,057
  • WpPart
    Parts 67
She's Leign Sevilla, an Archeology student who is very eager to know the history of some things. Ngunit anong mangyayari kung sa sobrang kagustuhan niyang matuklasan ang kasaysayan ay mapunta siya sa panahong nais niyang pag-aralan. Ang panahon kung saan ang kaharian ng Espanya ang naghahari sa bansang Pilipinas at ang panahon ng pagkawala ng Prinsipe ng Espanya. "The Life of Prince Javier Valentino after His Disappearance in the Kingdom of Spain" Ang kasaysayang nais niyang pag aralan ngunit kahit isa ay wala siyang makitang kasagutan. Sa hindi malamang dahilan ng pagpasok niya sa panahon ng espanyol ay makatutulong ba ito sakanya upang malaman ang nasa likod ng storya ng Prinsipe? Paano kung sa hindi inaasahan ay makasalamuha niya ito sa panahong ganap na magiging kabilang siya? Time setting: Filipinas 1882 HIGHEST RANK: #1 in Time Travel.
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,340,730
  • WpVote
    Votes 196,786
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Babaylan by purpleyhan
purpleyhan
  • WpView
    Reads 1,588,101
  • WpVote
    Votes 85,293
  • WpPart
    Parts 48
Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaasang pagkakataon ay napunta siya sa panahong hindi puspusang naibahagi o naitala sa mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas, at nakilala ang isang tanyag na ngalan sa mga alamat -- si Prinsesa Urduja. Sa bilis ng mga pangyayari ay natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili bilang punong babaylan ng nayong pinamumunuan ng prinsesa. At sa kanilang mga kamay nakasalalay ang muling paghahabi ng kasaysayang minsan nang nakalimutan.
Si Milo at ang Kwaderno (Book 1 Now Available for Pre-order) by JohnPolicarpio
JohnPolicarpio
  • WpView
    Reads 747,648
  • WpVote
    Votes 46,626
  • WpPart
    Parts 69
Anong gagawin mo kapag natuklasan mong hindi ikaw, ikaw? Malabo di' ba? Okay lang. Kahit si Milo nalalabuan din. Mula sa normal at nakakabagot nyang buhay kung saan ang pinoproblema nya lamang ay ang buod nya sa Noli, ang gurong gawa sa biceps na si Taguro, isang mabahong siga, ang ultimate crush nyang si Makie, isang paulit-ulit na panaginip, at tutchang na naghe-hello world, sa isang kurap natuklasan nya ang sarili nyang nasa gitna ng isang digmaan ng mga sinaunang pwersa sa modernong panahon. Kung saan isa siya sa pangunahing piyesa na magiging susi ng kaligtasan o kapahamakan ng buong mundo. Nakakapressure ba? Wala pa yan. Nalaman din nyang isa siya sa bagong henerasyon ng mga Napili na tinutugis ng isang organisasyon dahil sa kakayahan nilang gamitin ang mga bertud na may kakaibang kapangyarihang kapag nahinang ay kayang pamunuan ng isa ang buong mundo. Samahan pa ng pakikialam ng mga nilalang ng sinaunang Pilipinas na inaakala lang natin sa lumang konteksto lang matatagpuan, pati narin mga importanteng tao ng kasasayang akala natin matagal nang patay. Magulo? Oo, pati nga ako nalilito eh. Mula sa korning panulat ng malikhain (at maruming) utak ni John Policarpio, samahan natin sila Milo, ang henyong si Tifa, misteryosang si Makie at ang bantay na si Jazz (o kahit sila na lang, wag na tayong idamay) sa isang epikong paglalakbay sa moderno nating mundong puno ng misteryo, pakikibaka, mahiwagang armamento, diyos at diyosa, diwata, bayani, mababahong kampon ng karimlan, mga patay na buhay, engkanto't lamang lupa at iba pa. Para sa pagtuklas ng mga sikreto ng ating kasaysayan, at tunay na katauhan ng mga Napili, habang nakikipagtungalian sa mga nilalang na nais kumitil sa kanila. And to promote world peace nga pala. Rakenrol!
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,647,071
  • WpVote
    Votes 586,809
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020