fantasy
193 stories
Bloodstone Academy by bluewee
bluewee
  • WpView
    Reads 84,928
  • WpVote
    Votes 5,784
  • WpPart
    Parts 73
ZZZ
[Zyron Arkeia]The Legend of Omnipotence [VOL 1]: The Land Beyond The Wall by greinder03
greinder03
  • WpView
    Reads 8,614
  • WpVote
    Votes 733
  • WpPart
    Parts 40
SYNOPSIS‼️ Isinilang si Zyron Arkeia sa isang magulong mundo, malayo sa mga karangyaan at ginhawa. Ang kanyang paglalakbay tungo sa tagumpay ay magsisimula sa isang matinik at mapanganib na daan. Sa murang edad na labindalawa, inanyayahan siya ng isang matandang miyembro ng Frozen Floes Clan na sumapi sa kanilang pagsasanay-isang paghahanda para sa kanyang pagiging adventurer. Ang pagsasanay ay hindi lamang pisikal, kundi pati na rin mental at espirituwal. Na kailangan niyang matutunan ang mga sinaunang kasanayan ng kanilang angkan upang mabuhay. Ngunit magiging sapat ba ang pagsasanay na ito upang maiahon siya mula sa kanyang pagiging hamak? O kaya naman, ang pagkakataong ito na dumating sa kanyang buhay ang siyang magiging susi sa kanyang pag-angat? Marami siyang haharaping pagsubok at mga kaaway sa kan'yang paglalakbay. Ang kanyang tapang at determinasyon ang magiging sandata niya na sa huli, ang kanyang kapalaran ay nasa kanyang mga kamay. Mula sa yelo at niyebe ng Frozen Floes Clan, magsisimula ang alamat ni Zyron Arkeia. ---- Isa kaba sa gustong tunghayan kung ano ang ibig-sabihin ng omnipotence? Kung ganon manatiling subaybayan ang storyang ito at.... Halika't tunghayan at abangan natin ang mga nakakasabik na kwento sa buhay ni Zyron Arkeia. 'Mr. Greinder present🖋️' MATINDING PAALALA!!!! ‼️ >> HAYAAN MUNA NAWA ANG MANUNULAT NA MATAPOS ANG KANYANG ESTORYA BAGO NITO SIMULAN AT GAWIN ANG PAG-AAYOS SA MGA LETRA AT SULAT NA WALA SA AYOS AT HINDI MAKABULUHAN!.<< ANG PANG-UNAWA MO AY LABIS NA NAKAKATULONG SA MANUNULAT. MARAMING SALAMAT SA IYONG PAG-INTINDI‼️‼️‼️ G R E I N D E R 0 3
Legend of the War God : The Humble Beginnings by xxxorenishiixxx
xxxorenishiixxx
  • WpView
    Reads 40,441
  • WpVote
    Votes 3,860
  • WpPart
    Parts 120
Si Jethro Magnus, ang pinakamagaling na espesyalista sa armas sa mundo, ay nalipat sa isang alternatibong mundo. Pinagsama ang kanyang kaluluwa sa Rebirth Martial Emperor, nagkaroon siya ng pambihirang lakas at kakayahan. Sa kanyang bagong anyo, tinutunan niya ang makapangyarihang Nine Dragons War Sovereign Technique, na nagbibigay sa kanya ng kakayahang durugin ang kanyang mga kaaway. Sa bagong mundong ito, hindi lamang siya bihasa sa martial arts, kundi pati na rin sa paggawa ng gamot, armas, at sining ng inskripsyon. Natutunan niya na ang tunay na mastery ay nakasalalay sa pagsasanib ng lahat ng kasanayang ito. Habang tinatahak niya ang kanyang landas, nahaharap siya sa mga makapangyarihang kalaban at kumplikadong hamon. Sa kanyang paglalakbay, nakikilala siya ng iba't ibang makapangyarihang kababaihan na nagdadala ng mga bagong pagsubok at pag-pinsala sa kanyang pakikipagsapalaran. Ang bawat hakbang ay isang pagsubok sa kanyang lakas at katalinuhan, na naglalayong makamit ang tunay na soberanya at ang kanyang lugar bilang War God. Legend of the War God ay isang kwento ng aksyon, pakikipagsapalaran, at paglalakbay patungo sa kadakilaan. Ito ay puno ng kapana-panabik na laban at mga lihim na nag-aantay na matuklasan.
Prophecy from lower realm ( Navarian ) book 2 by arajanetp1
arajanetp1
  • WpView
    Reads 9,009
  • WpVote
    Votes 1,001
  • WpPart
    Parts 25
Pagkatapos ng tradhedyang naranasan ng batang si Kaizen ay napuno ng galit at poot ang puso nito. wala itong ibang ninanais Kundi ang makapaghiganti sa mga taong naging dahilan ng kamatayan ng kanyang mga magulang. mas naging uhaw ito sa kapangyarihan, lahat gagawin nito upang higit na maging malakas para sa kanyang pagbabalik sa bansang golbath ay mailigtas Niya ang kanyang angkan at pagbayarin ang mga taong nagkasala sa kanya.,lahat ng pagsubok sa navarian ay kanyang susuungin makuha lang ang kanyang minimithing lakas at kapangyarihan. sinu-sinong nilalang kaya ang tutulong sa kanya,? magiging bukas pa kaya siya sa pakikipagkaibigan,? o tuluyan na siyang magpapasakop sa galit at poot na kanyang nararamdaman,, Muli atin ng subaybayan ang pakikipagsapalaran sa kontenenting navarian ng batang itinakda,,si Kaizen redvil.
The Prophecy From Lower Realm (Book 1 Complete) by arajanetp1
arajanetp1
  • WpView
    Reads 32,265
  • WpVote
    Votes 3,463
  • WpPart
    Parts 78
Si Kaizen ang batang maghahangad na maging malakas upang maprotektahan ang kanyang mga mahal sa buhay. Palagi nalang siyang inaapi at pinagkakaisahan. Dahil sa kanyang pagiging mahina kaya palagi siyang binubugbog ng kanyang mga kaedaran. Pero dahil sa Isang pangyayari mababago ang kanyang kapalaran. Makakamtan Niya ang lakas na higit pa sa kanyang inaakala. Sinu-sino kaya ang kanyang magiging kakampi, at sinu-sino kaya ang hahadlang sa kanyang pagkamit sa kanyang minimithi, magagawa kaya niyang malampasan ang pagsubok na kanyang kahaharapin. Subaybayan natin ang pakikipagsapalaran ni Kaizen , ang batang itinakda,,
Shadow Of War: Assassin's Sector  by Christrealz
Christrealz
  • WpView
    Reads 7,791
  • WpVote
    Votes 534
  • WpPart
    Parts 43
Book 1: The Power Within: Ziwin's Journey (Completed) Book 2: Shadow Of War: Assassin's Sector (Completed) Tinanggap ni Ziwin ang mapanganib na misyon, at natapos niya ito na puno ng mga katanungan. Sa kanyang pag-uwi, naligaw siya ng daan at napadpad sa teritoryo ng Assassin's Sector. Dito, nakilala niya si Valencia, isang kaluluwa ng isang assassin, at natuklasan ang tungkol sa Assassin's Trial. Napagpasyahan niyang sumali sa trial, hindi lamang upang malaman kung sino ang pumatay sa kanyang angkan kundi upang makaganti sa mga ito. Date Started: May 1 2023 Dated Finished: June 14, 2025
I Cultivated as the Devil: Vol. 4 The Hak City [COMPLETED] by grimmreaper18
grimmreaper18
  • WpView
    Reads 18,890
  • WpVote
    Votes 1,275
  • WpPart
    Parts 63
Nang matanggap nila ang isang imbitasyong mula mismo sa manggagawa, nahaharap ang grupo ni Emrys sa isang problemang susubok sa kanilang katatagan bilang mga magical beasts. Isang paligsahang magsisilang ng mga digmaang huhubog sa bawat isa sa kanila. Ang paligsahan ng mga diyos. Ngayon ay magsisimula na. __ All rights reserved Copyright ©️ 2025 I Cultivated as the Devil: Vol. 4 The Hak City grimmreaper18 Photo not mine. ctto.
Lord Of The Dead Beasts [Volume 1: Blessing Of The Abyss] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 83,842
  • WpVote
    Votes 7,386
  • WpPart
    Parts 40
Walang pangalan. Walang kalayaan. Isa lamang na alipin si Grim - hanggang sa isang gabi, tinulungan siya ng isang misteryosong mersenaryo upang makatakas. Gayunman, ang dati niyang amo ay natunton siya't walang awang pinaslang. Dapat ay doon na nagtatapos ang kaniyang kuwento. Pero hindi. Isang misteryosong boses mula sa hinaharap ang bumulong ng kakaibang salita sa kaniyang isipan: "System, now downloading, Advanced Class: Lord of the Dead Beasts." Mula sa kamatayan, si Grim ay muling nabuhay. At sa kaniyang paggising, taglay na niya ang kapangyarihang muling buhayin - at kontrolin - ang mga bangkay ng Magus Beasts. At ngayon, hindi na siya alipin. Isa na siyang nilalang na hindi na kaya pang itali ng kadena o isumpa ng kasuklam-suklam niyang marka. Ang pangalan niya ay Grim Lancaster... at dala niya ang bangis ng libo-libong mga Magus Beasts. Ang mundo ay magluluksa. At ang kaniyang paghihiganti... AY DITO PA LANG MAGSISIMULA Bookcover by: @Patzgeraldt Date Started: January 01, 2025
Azure Dragon Academy [TUA 3] ᎶᎧᎴᏝᎩ ᏕᏋᏒᎥᏋᏕ #1 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 12,463
  • WpVote
    Votes 1,059
  • WpPart
    Parts 32
Mabilis na lumipas ang araw at naiisipan ni Evor na ipagpatuloy ang pagsasanay at pagpapaunlad ng sarili niya sa pamamagitan ng pag-aaral sa Azure Dragon Academy ngunit may problema, there's only a limited chance na matanggap siya sa loob ng prestirhiyosong paaralan sa loob ng Dragon City na protektado ng Azure Dragon Palace. Magagawa niya bang makapasok o magiging mahirap ang lalakarin nitong daan upang makamit ang minimithi nitong tagumpay?!
I Cultivated as the Devil: Vol. 2 [COMPLETED] by grimmreaper18
grimmreaper18
  • WpView
    Reads 30,120
  • WpVote
    Votes 2,123
  • WpPart
    Parts 44
Sa pagkamatay ng anim na Palace Elders, nagsimula ang pinakamaitim na yugto sa pamumuno ng prinsesa sa Central Vale. Pinuntirya ang kanyang bayan ng napakaraming angkan at kapag hindi ito kayang solusyunan ay posibleng mauwi sa isang digmaan. Ngunit sa tulong ni Emrys, nagawa niyang gampanan ang katauhang nais niyang masaksihan sa kanya ng prinsesa. Pero ito pa lamang ang simula, ng kanyang pagmamanipula sa dalaga, sa tulong ng mala-halimaw na kapangyarihan niya. Subalit, magagawa nga ba niya ng maayos ang papel na ginagampanan niya, nang sa dahan-dahan din ay mas nakikilala na niya ang tunay na katauhan ng prinsesa. __ photo not mine. ctto. All rights reserved copyright ©️ 2024