MarthaCecilia
7 stories
Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 947,376
  • WpVote
    Votes 18,824
  • WpPart
    Parts 22
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng papa, Nick! Buong pait niyang sinabi. " I cannot imagine that he trusted you that much!" nanunuyang dugtong niya. Sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "...at hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisa-isa niyang anak!" Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng papa niya ay hindi siya makaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?
Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 471,831
  • WpVote
    Votes 9,180
  • WpPart
    Parts 21
"Hindi lahat ng nagpapakasal ay nag-iibigan, Diana. I have loved a woman once, perhaps love her still. But I broke to pieces when she died. Hindi ko na gustong maranasan pa ang pangyayaring iyon. I will marry you because I desire you at dahil kailangan ko ng asawa," walang emosyong sabi ni Bernard. Hindi kailanman itinanggi ni Bernard na hanggang sa mga sandaling iyon ay mahal nito si Jewel. Pero inalok nito ng kasal si Diana nang dahil lang sa physical attraction nila sa isa't isa. Walang emotional attachment. Ano ang gagawin ni Diana? Nahahati siya sa pagitan ng panganib na nakabadya sa kanya at sa pag-ibig niya kay Bernard.
Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 421,637
  • WpVote
    Votes 9,531
  • WpPart
    Parts 20
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama ang lalaking naghagis ng pera sa mga holdaper. Wala siyang maaaring pagkatiwalaan. Subalit hindi siya pinakawalan ni Bernard na nangangakong ilalayo siya... but there would be a price to pay at kumapit siya sa patalim. And Diana didn't even know his name but he promised safety. Pero ligtas ba siya sa mga matang kasing-itim ng gabi? Ligtas ba siya mula sa mga labing nangangako ng langit? At paano ang literal na panganib na nagbabadya sa kanya?
Kristine 4, Jewel, black Diamond COMPLETED  (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 652,896
  • WpVote
    Votes 16,767
  • WpPart
    Parts 22
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong Amerika with a broken heart. After almost three years, bumalik siya sa kagustuhan na rin ni Leon. Si Bernard ay malaya na ngayon. After years of loneliness and miseries, muli silang nagkasundo at nagpasyang magpakasal. Pero taglay ni Leon Fortalejo ang lihim ng pagkatao ni Bernard na nakatakdang sumira sa pag-ibig ng dalawa. Magtagumpay kaya si Leon sa ikalawang pagkakataon?
Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 683,718
  • WpVote
    Votes 15,658
  • WpPart
    Parts 16
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra. Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 2,044,980
  • WpVote
    Votes 49,162
  • WpPart
    Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,601,082
  • WpVote
    Votes 37,169
  • WpPart
    Parts 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.