eymdey
- Reads 108
- Votes 24
- Parts 12
Alam mo 'yong kwentong lasing? Noong bata ako, hindi si Papa ang laging lasing. Palaging si Mama. Paulit-ulit niyang sinasabi na pagod na siya. Alam iyon ni Papa, pero tahimik lang siya, kasi uulit-ulitin parin ni Mama ang mga bagay na parang sirang plaka.
Minsan alam ni Papa na hindi lang dahil lasing si Mama kaya niya ito nasasabi. Matagal na silang kasal. Matagal na silang magkasama. Bata pa ako buo na ang mga plano nila sa buhay, para sa pamilya, para sa akin. Si Mama ang hindi mabuo-buo ni Papa.
Sa pagitan ng totoo at kasinungalingan na dala ng kalasingan, ang pagod ni Mama ang hindi naging iba sa lahat.
Minsan iniisip ko, magiging kagaya kaya ako ni Mama?