joygucs
Serene Grover bata palang sya ng maranasan nyang ma-kidnap ng mga hindi kilalang sayantista at pinag-experimentuhan. Nilagyan ito ng chips sa utak na naging dahil upang masaksihan nya ang future ng iba. Kailan man ay hindi na matatanggal ang chips sa utak nito dahil natunaw at naging bahagi na ng utak nya. Sinusubukan ni Serene na baguhin ang hinaharap ngunit may kapalit, mapapalitan lamang ang nabibiktima pero hindi mababago ang mga pangyayari kaya naman kinakailangan nyang sa mismong ugat putulin ang mga sangkot at pasimuno sa pangyayari. Ngunit hindi kadali yun lalo na at buhay nya ang nakasalalay dito at ng kanyang mga bagong kaibigan na nangako na tutulungan sya.
Si Lazarous Vicente ay isang mafia boss na nangako sa kanyang nakababatang kapatid na namatay na protektahan nito si Serene mula sa organisasyon na nag-experiment dito. Bata pa lamang ay naka-talaga na silang ipakasal na dalawa, pero sa kasamaang palad ay hindi sya nito maalala, kahit na ganun ay patuloy nya itong pinoprotektahan at dahan-dahan nya itong pinapa- ibig sakanya.
Saksihan ang buhay ni Serene Grover na nakikita ang hinaharap sa bawat maririnig nitong pag-hinga at kay Lazarous Vicente na handa syang protektahan ano man ang mangyari.
" While you are busy protecting the future of others, Let me protect our own future Serene." - Lazarous