alamat story
29 histórias
May Monster Si Kuya! (COMPLETED) de Kuya_Jun
May Monster Si Kuya! (COMPLETED)
Kuya_Jun
  • Leituras 1,509
  • Votos 47
  • Capítulos 1
May Monster si Kuya Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Ghani Madueño Nagsimula sa masaya ang pamilya ni Beatrice. Mataas ang pangarap ng kanyang Kuya Ryan. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Ngunit isang araw, biglang nagbago ang kanyang kuya. Hindi na siya nakikilala nito. Dinala ito sa isang pribadong pagamutan. Sabi ng kanyang mommy, sinaniban ng "monster" ang kanyang kuya. Alamin sa kuwentong ito ang tungkol sa isa sa mga kinatatakutang salot sa lipunan.
CHRISTMAS GIFT ( MADAM MACIE #1) de CHANEL1819
CHRISTMAS GIFT ( MADAM MACIE #1)
CHANEL1819
  • Leituras 36,484
  • Votos 4,116
  • Capítulos 29
Madam Macie, mayabang masungit at palaban. Hindi niya kilala ang salitang SALAMAT at PATAWAD, hindi niya rin kilala ang ibig sabihin ng PAGMAMAHAL. In other words, she hates being in love because she believe that nobody deserve her existence. Strong but deep inside she's totally a mess and perfectly weak. She have everything but not love no the attentions of her parents. Even though she has a bad personality there are two man who can change her perspective in life's. First is Yuan a importunate man, a fun to be with and a caring man but for Madam Macie it's a no no no dahil para sa kanya naiirita siya sa mga ganung klasing lalaki. At ang panghuli si Rocky ang walang ibang ginawa kundi puro katarantaduhan. Is there a chance for Madam Macie to change her perspective in life? Or just stay the same? Is there a chance that she choose to give herself a chance? If YES ,Who is it? It could be to Yuan? Or to Rocky? Title: Christmas Gift Genre: Romance Count of words: 1,500 Written by Chanel
TALA : ANG BATA SA PAROLA de Kuya_Jun
TALA : ANG BATA SA PAROLA
Kuya_Jun
  • Leituras 1,164
  • Votos 43
  • Capítulos 1
Paano kung may gusto ka sa buhay na hindi mo natupad? Papaano kung pagbibigyan ka ng tadhana upang ito’y baguhin? Kilalanin si Tala. Si Tala na may kakayahang magbigay katuparang balikan ang iyong naging buhay para itama at baguhin ang iyong nakaraan.
PINK DAD de Kuya_Jun
PINK DAD
Kuya_Jun
  • Leituras 11,833
  • Votos 197
  • Capítulos 3
Si Dad, gay? Paano na ‘yon? Paano kung totoo nga? Paano kung malaman ng mga kaklase ko’t mga kaibigan ko? Responsible dad si Dad. At sigurado ako, napapasaya naman niya si Mommy. Good provider siya at siya aming magkakapatid. Hindi puwede? My dad is not gay! "And so what if he’s gay." Ito ang sinsabi ng isang bahagi ng isipan ko.
Alamat ng Paniki COMPLETED (Published by Lampara Books) de Kuya_Jun
Alamat ng Paniki COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Leituras 1,536
  • Votos 24
  • Capítulos 1
Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, ang mga paniki ang itinuturing na may pinakamgaganda at may makukulay na pakpak. Mahahaba ang kanilang buntot. Bukod sa mga katangiang iyon ay mapupungay rin ang kanilang mga mata. Isang araw, dumalaw ang diyosa na may hatid na masamang balita. Dahil dito, nagsimulang lumitaw ang tunay na mga saloobin ng mga paniki, hudyat ng simula ng pagbabago ng kanilang anyo. Alamin sa makabagong alamat na ito kung bakit sa gabi lamang lumalabas ang mga paniki mula sa kanilang mga lungga, at kung bakit patiwarik sila kung dumapo.
Alamat ng Rosas COMPLETED (Published by Lampara Books) de Kuya_Jun
Alamat ng Rosas COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Leituras 3,702
  • Votos 85
  • Capítulos 1
Alamat ng Rosas Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, may isang reynang namumukod-tangi ang kagandahan na namumuhay nang maligaya sa piling ng kanyang asawang hari. Isang karibal na hari ang naghangad sa kanya at ipinadukot siya, samantalang isang mainggiting mangkukulam naman ang naghangad sa kanyang magandang mukha at buong kataksilang kinuha iyon sa kanya. Alamin sa kuwentong ito ang pinagmulan ng rosas-kung gaano kalaki ang pagmamahal ni Haring Hulio kay Rosa, at kung paano nagkaroon ng mga tinik ang rosas.
Alamat ng Pagong COMPLETED (Published by Lampara Books) de Kuya_Jun
Alamat ng Pagong COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Leituras 5,447
  • Votos 31
  • Capítulos 1
Alamat ng Pagong Kuwento ni Segundo D. Matias Jr Guhit ni Ghani Madueño Noong unang panahon, may isang lalaking pinagkaitan ng magandang kinabukasan. Ngunit dahil sa kanyang busilak na puso ay ginantimpalaan siya ng pagkakataong umunlad sa buhay. Ngunit ang magandang kapalarang ipinagkaloob sa kanya ay kanyang inabuso, at dahil dito, siya ay isinumpang maging isang makupad na hayop. Alamin sa makabagong alamat na ito ang pinagmulan ng pagong at ang kapalit ng pagiging mapagmataas.
Twit! (COMPLETED) de Kuya_Jun
Twit! (COMPLETED)
Kuya_Jun
  • Leituras 372
  • Votos 24
  • Capítulos 1
Twit! Kuwento ni Segundo D. Matias, Jr. Guhit ni Dominic Agsaway Pula. Bughaw. Kulay-ube. Luntian. Kayumanggi. Kulay-kahel. Kulay-rosas. Iba-iba ang kulay ng mga sisiw na ibinebenta sa harap ng simbahan. Maliban kay Didoy na dilaw pa rin, dahil nakaligtaan ni Mang Pekto na kulayan siya. Isa sa mga batang lumapit sa mga sisiw ay si Manuel, kasama ang kanyang ina. Namangha si Manuel sa mga sisiw, lalo na kayo Didoy. Tunghayan sa kuwentong ito ang kakaibang ugnayang namagitan kina Manuel at Didoy- at isang mahalagang bahay na parehong kailangang-kailangan nila.
Alamat ng Ahas COMPLETED (Published by Lampara Books) de Kuya_Jun
Alamat ng Ahas COMPLETED (Published by Lampara Books)
Kuya_Jun
  • Leituras 2,109
  • Votos 33
  • Capítulos 1
Alamat ng Ahas Kuwento ni: Segundo D. Matias Jr. Guhit ni Ibarra Crisostomo Noong araw sa isang lugar na hindi na matukoy, may dalawang lalaking matalik na magkaibigan: Sina Arman at Dumaz. Si Arman ay may kasintahan na nagngangalang Doray, na ang pangarap ay makatulong sa kanyang mga kanayon. Sa kagustuhan nilang matupad ang pangarap ni Doray, tinunton nina Arman at Dumaz ang isang yungib na may nakabaong ginto. Ngunit dahil sa ginto, nasira ang pagkakaibigan nina Arman at Dumaz. Ipinagkanulo ng isa ang buong pagtitiwala ng isa. Alamin sa makabaong alamat na ito ang pinagmulan ng ahas at kung bakit nanunuklaw ito.
Moymoy Lulumboy Book 6: Ang Ugat at ang Propesiya (COMPLETED) de Kuya_Jun
Moymoy Lulumboy Book 6: Ang Ugat at ang Propesiya (COMPLETED)
Kuya_Jun
  • Leituras 21,769
  • Votos 1,366
  • Capítulos 42
Moymoy Lulumboy Book 6: Ang Ugat at ang Propesiya Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jomike Tejido LUMUTANG ang kanilang katawan sa ulap. Ang limang kandidato na napili para maging Apo na kapalit ni Salir ay kailangang piliin sa lalong madaling panahon. Sinasabing kailangang-kailangan na sa Gabun ang mangangasiwa sa mga tibaro. Na kaya nananatiling hindi balanse ang kalikasan ay wala pang kapalit si Salir, ang panglimang Apo na nangangasiwa sa mga tibaro. (Si Salir ang bubuo sa lima pang mga Apo na sina Marino, ang tagapangasiwa ng katubigan, si Amihan ang namamahala sa hangin, si Ilawi ay sa liwanag at ang bagong hirang na Apo na isang tibaro na si Wayan).