time travel
5 stories
Her Karmic Fate by RangedDecember
RangedDecember
  • WpView
    Reads 13,035
  • WpVote
    Votes 2,618
  • WpPart
    Parts 40
Ang karma ang siyang humahatol sa atin- lumilitis sa mga tama o maling ginagawa ng tao. Pilit hinahanap ni Celestina ang rason ng kaniyang kabiguan at kaniyang pighati sa mga partikular na bagay- sa pamilya, at sa pangarap. Maging ang panaginip na laging bumabagabag sa kaniya gabi-gabi. Unti-unting mamumulat ang kaniyang mga mata na ang dahilan ng mga iyon ay may malalim ngang rason. May mga taong daraan sa buhay niya sa mabuti at masamang pagkakataon upang imulat siya sa kaniyang malaking katanungan. Mapaglaro ang tadhana, oo, ngunit mas malupit makipaglaro ang karma. Maging sa susunod na buhay ng tao ay hindi siya tinigilan nito at 'yan ang naging balakid ni Celestina na naging rason bakit hindi siya makausad sa hinaharap. Ang isa pa niyang kalaban dito ay ang dalawang lalaking darating sa buhay niya na magpapadama nang labis-labis na sakit... sa hindi sinasadyang panahon at pagkakataon. [Best Book 2020- Historical Genre] Date Started: March 23, 2020 Date Finished: May 06, 2020
It Started At 7:45 by LightStar_Blue
LightStar_Blue
  • WpView
    Reads 257,128
  • WpVote
    Votes 10,849
  • WpPart
    Parts 51
Binigyan si Keira ng kaibigan ng mommy niya ng isang antique necklace na may pendant na relo. Nawiwirduhan lang siya dahil bakit siya binigyan nito ng isang kuwintas eh hindi naman sila close. Medyo kakaiba rin kung makipag-usap ito sa kanya. "Alam mo bang napakaespesyal ng kuwintas na iyan?... Ang sabi ay maaari kang dalhin ng kuwintas na iyan sa kung saan mo gusto. Basta i-set mo sa oras na gusto mo tsaka mo iisipin kung saan mo gustong pumunta." seryosong sabi ni Ma'am Glenda sa kanya. Tinawanan niya lang ito dahil sa tingin niya ay nababaliw na ito. Hindi naman totoo ang time travel pero dahil malakas ang trip niya ay sinubukan niyang gawin ang sinabi nito. She set the time of the pendant clock at the time of 7:45pm then she whisper the year 1889. Ang akala niya noong una ay hindi totoo ang time travelling pero laking gulat niya dahil napunta siya sa taong 1889 kung saan panahon ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas! May nakilala pa siyang binata na ang pangalan ay Gabriel Realonzo. Hindi niya malaman kung paano pa siya makakabalik sa tunay niyang panahon at hindi rin niya malaman kung bakit sa bawat araw na nakakasama niya ang binata ay parang unti-unting may bumubuong espesyal na damdamin dito sa puso niya. Makakabalik pa kaya siya sa panahon kung saan siya isinilang? Rank #8:(01/06/2018) Rank #15:(01/01/2018) Rank #15:(12/26/2017) Rank #19:(11/17/2017) in Historical Fiction Date Started: October 08, 2017 Date Finished: April 24, 2018
Ciello; The Millennial in 1887 (COMPLETED) by yourlin
yourlin
  • WpView
    Reads 233,110
  • WpVote
    Votes 7,075
  • WpPart
    Parts 42
Si Ciello ay isang architecture student na nag-aaral nang mabuti kahit sa simula pa lang ay napilitan lamang siyang kunin ang kursong ito. Ngunit nang mapadpad siya sa panahon ng mga Kastilang mananakop, hindi niya inakalang ang pinag-aaralang kurso ay magagamit niya upang magkaroon ng laban bilang isang babae sa panahong tanging mga kalalakihan lamang ang pinakikinggan. Magamit niya kaya sa wasto ang kaalamang taglay o siya ang magamit ng mga taong nakapaligid sa kanya? (September 20, 2017 to March 10, 2018.)
My Handsome Katipunero by JanelleRevaille
JanelleRevaille
  • WpView
    Reads 975,551
  • WpVote
    Votes 39,734
  • WpPart
    Parts 59
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang paghanga sa mga ito ay ginagaya nya rin ang pananamit at lifestyle nila. Tinatangkilik niya ang mga produktong banyaga. At dahil lumaki siyang nakahain na ang luho sa harapan ay pabalik-balik siya kung pumunta sa iba't ibang bansa. Kulang na nga lang manatili siya doon ng tuluyan kung hindi lang dahil sa kanyang ina. Ang kanyang mga magulang ay mga kilalang Filipino Historian. Kaya tutol ang mga ito sa kinaaadikan ng kanilang anak. Bukod sa pagkasuklam niya sa sariling lupang sinilangan, siya rin ay maldita, suplada at mapangmata. "Alam mo, sana bumalik ka sa mga panahon kung saan isinakrispisyo ng mga bayani ang sarili nila para sa kalayaan," nasabi sa kanya ng kanyang ina ngunit binalewala lamang niya ito at natulog. Ngunit pano kung paggising niya ay bumalik siya sa taong 1896? At paano kung makilala niya si Antonio Hidalgo, ang gwapong katipunero ng Kataastaasang, kagalanggalangang katipunan ng mga anak ng bayan? Siya na ba ang babago sa isang Kristin Lopega? Siya na ba ang tutunaw sa yelong nakapalibot sa puso ng ating bida? Date Published: June 12, 2016 Dated Finished: April 18, 2018
1926- A Love Beyond Time by sexylove_yumi
sexylove_yumi
  • WpView
    Reads 208,693
  • WpVote
    Votes 863
  • WpPart
    Parts 6
Carl is an Architectural Student from Mapua. At dahil sobrang napamahal sa kanya ang Intramurous, naging fascinated siya sa mga luma...Lumang bahay...lumang mga gamit...lumang story. When a sad news came to her and her mom, they went back to San Isidro para ayusin ang mga naiwan ng lola niya. At kasama doon ang isang lumang bahay. Her mom wanted to sell it but she wanted to preserve it. So ginawa niya ang lahat para maibalik sa dating ganda ang bahay... Bumalik nga sa dating ganda ang bahay gaya noon... kasama nga lang siyang bumalik sa NOON. Ngayon, kaya niya bang panindigan na mabuhay sa nakaraan? At kakayanin nya bang bumalik sa kasalukuyan kung meron siyang maiiwan?