dreyaiiise
Lahat ng tao ay nawawalan ng mahal sa buhay, ang iba'y napupunta sa hukay at ang iba nama'y hindi ka na isasama sa kanilang paglalakbay.
Subukin man o paglaruan iyan si Alexine Jade Velan, handang lumaban. Siya si Alja, kailanman hindi pinagsisisihan ang pagsubok sa mga bagay na kaniyang ikasasaya.
Paulit-ulit na naglaro ng damdamin, dumating ang araw na siya naman ang pinaglaruan ng hangin, ito si Gabby Rein Joelo ang lalaking pinag-aagawan ngunit isang babae lang pala ang magpapabagsak sa kaniyang kagaguhan.
Magkakilala sila noon pa, ngunit kahit minsa'y hindi nagkaaminan. Mahuhuli na kaya ang lahat? O mabibigyan pa sila ng pagkakataong magkasama.
Saksihan ang kwento ni Alja at Gab, sila nga ba ang para sa isa't-isa o pighati lang ang kanilang magiging kapalaran.