Miss sha_sha0808 stories
18 stories
Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom pa by Sha_sha0808
Ang Asawa Kong Nerd Na, Tboom pa
Sha_sha0808
  • Reads 203,945
  • Votes 7,669
  • Parts 52
SKYLER VILLAFUERTE- isang lalaking playboy, kinababaliwan at campus crush. Lahat ng babae ay nakukuha niya dahil sa taglay na kagwapuhan at kakisigan. Pero, nagising na lang siya na ipinakasal na siya sa isang sikat nga, pero sa pagiging NERD naman na babae sa school campus nila, at natuklasan niyang TBOOM din pala ito... Ang pinaka masaklap sa lahat? Alam ng buong WESTBRIDGE UNIVERSITY na MAG-ASAWA silang dalawa... Read at your own risk... ctto book cover: shiela mae sanchez
Fraternity King by Sha_sha0808
Fraternity King
Sha_sha0808
  • Reads 187,341
  • Votes 5,954
  • Parts 69
FRATERNITY KING. Si Ann na walang pakialam sa lovelife ng iba basta makabasa sa wattpad, solve na. Ang hindi alam ng lahat, siya lang naman ang asawa ng nag-iisang fraternity king sa paaralan nila. Asawang hindi naman talaga nila mahal ang isa't isa kasi substitute lang siya ng kakambal niya.
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene) by Sha_sha0808
Got A Baby With A School Heartthrob(Kean&Irene)
Sha_sha0808
  • Reads 183,420
  • Votes 5,452
  • Parts 56
Mahirap pero kakayanin. Kapag isa ka nang ina, hindi pwede ang ayaw mo na lalo na kung hindi naman sumusuporta ang ama ng anak niya? Paano kung malaman nila na ang school heartthrob at kinababaliwan ng iilan ay isa na palang ama? Pero paano kung hindi rin nito alam? Ano kaya ang gagawin ng isang heartthrob para masolusyunan ang problema? Itatago ba niya o aaminin sa lahat ang totoo?
The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1) by Sha_sha0808
The Heart Of Justice(NUMBER SERIES 1)
Sha_sha0808
  • Reads 65,166
  • Votes 3,802
  • Parts 21
Eight Wright- Tahimik na tao, tapat sa serbisyo at walang halong pamumulitika kung magtrabaho. Tinaguriang pinakamalinis na pulis sa kanilang bayan ngunit nagbago ang lahat mula nang pinatay ang kanyang kasintahan. Isang tao lang ang saksi sa nangyari at kailangan niya itong maprotektahan. Ngunit paano? Paano niya pakitunguhan ang babaeng mula sa angkan ng pinakaayaw niya sa lipunan? Paano niya patunayan na pantay pa rin ang timbangan ng katarungan kung ang tunay na may sala ay malayang nakakagala at ang ibang inosente ay nasa kulungan? credit sa portrayers...
The Heart of Education (probinsya series 2) by Sha_sha0808
The Heart of Education (probinsya series 2)
Sha_sha0808
  • Reads 418,948
  • Votes 16,771
  • Parts 52
Mayaman, gwapo at maimpluwensya ang ama ng kanyang anak kaya hindi niya ipinaalam na nagbunga ang isang gabing pagkakamali nila. Sino ba naman siya para pakasalanan at tanggapin nito? Ordinaryong tao lang siya pero makakaligtas kaya siya kung sinundan siya nito sa probinsya? "Misis?" tawag ng barangay health worker. "Yes po?" "Misis, pa-fillup ng father's name," sabi nito sabay abot ng papel na finil-up-an niya. "llegitimate-" Nagulat siya nang may umagaw sa ballpen niyang hawak. "Baka hindi mo pa alam ang buo kong pangalan," malamig ang boses na sabi ng lalaki. " A-Ano ang ginagawa mo rito?" Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakatayo si White sa harapan niya. "Yan ang tanong na hindi ko masasagot pero sobrang labag 'to sa kalooban ko!" sagot nito at naupo sa tabi ni Ayesha nang tumayo ang buntis na katabi nito. "White Villafuerte naman ang pangalan ko bakit hindi mo pa nilagay?" tanong ni White at napatingin kay Ayesha na para hindi makapaniwalang nasa harapan na siya nito. White Villafuerte, tahimik at maselang elementary teacher pero dahil sa mag-ina niya ay napilitang magtrabaho sa probinsya. Paano niya mababago ang buhay ng mga estudyante mula sa tribung bugkalot o ilongot na may marahas na nakaraan at hinuhusgahan ng iilan? Paano niya mapaniwala ang lahat na ang kabataan ay pag-asa "PA RIN" ng ating inang bayan? Ayesha- Tinalikuran ang pagiging nurse dahil sa pagbubuntis. Paano niya pakisamahan ang ama ng anak niya kung mas maarte pa ito kaysa sa kanya? Paano niya makumbinsi si White na kailangan pa rin niyang magtrabaho para sa bayan at gamitin ang kanyang pinag-aralan? Paano nila malagpasan ang pagsubok bilang isang magulang at bilang propesyunal ng bayan? Macdu Elementary School, Pinayag, Kayapa, Nueva Vizcaya. ctto: Shiela Sanchez
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom) by Sha_sha0808
Accidentally Married to Mr.Famous (published under Psicom)
Sha_sha0808
  • Reads 161,867
  • Votes 3,553
  • Parts 59
Para sa short film lang naman ang pinunta ni Jane sa simbahan kaya siya naka-wedding gown pero hindi niya akalain na sa lahat ng babae, siya pa ang aksidenteng pinakasalan ni Karl Montenegro. Sikat, mayaman at higit sa lahat ay may-ari ng Westbridge University na pinapasukan niya. Saan kaya hahantong ang kasal-kasalan nila ng lalaking hindi pa niya lubusang kilala kung lahat ng tao ay ayaw maniwalang mag-asawa na sila at paano niya mapapatunayan sa lahat kung si Karl mismo ay itinatanggi siya? Hanggang kailan niya kayang tiisin ang kahihiyan at kamalasang nangyayari sa tuwing kasama niya ang isip-batang kapatid ni Karl na ginagawa ang lahat para lang magkatuluyan sila?
SheMan by Sha_sha0808
SheMan
Sha_sha0808
  • Reads 65,064
  • Votes 2,181
  • Parts 44
She-Man Sa paaralan na kung saan, napapalibutan ng iba't ibang kapatiran. Sa paaralang araw-araw ay kilabot at gulo ang nangyayari. Sa paaralang walang ibang ginawa ang mga estudyante kundi maglaban at magbugbugan. Sa paaralang hindi na kayang kontrolin ang katamikan ng may-ari! Papasok ang apat na prinsipe. Makakaya kaya nilang sugpuin ang gulo? O sila mismo ang magsisimula ng gulo
LA Pescadora by Sha_sha0808
LA Pescadora
Sha_sha0808
  • Reads 77,565
  • Votes 3,373
  • Parts 41
by: sha_sha0808 Ash Simon PROLOGUE UPNEXT... "LA PESCADORA" (The Fisherwoman) "Kung ako ang naging dahilan ng pagkawasak ng buhay mo, hindi ko iyon pagsisisihan dahil alam kong ako pa rin ang bubuo ng pagkatao mo."--Matter. Si Rose: Sikat, maganda at mayaman. Isinakripisyo ang lahat para magpakasal kay Matter. Naging mabuti at maalaga siyang asawa pero sa isang iglap, nawalan ng mabuting asawa. Si Venize: Morena, mahirap at walang pinag-aralan. Isinakripisyo ang lahat para maitaguyod ang pamilya ngunit naging masalimuot ang buhay nang dumating sa buhay nilang magkapatid ang lalaking walang maalala kahit pangalan. Si Matter; Kailangan niyang iwan ang taong nagbigay ng pangalawa niyang buhay para bumalik sa tunay niyang asawa't pamilya. Paano kung sa muli niyang pagtapak sa Maynila ay siyang pagbalik ng ikinubli niyang alaala?
Sa Piling ng isang Aeta (R-18) by Sha_sha0808
Sa Piling ng isang Aeta (R-18)
Sha_sha0808
  • Reads 219,404
  • Votes 9,428
  • Parts 34
"Sa Piling ng isang Aeta" Kasalanan ko ba kung mas hot ako sa asawa nila? Dahil sa kadramahan ng mga asawang tanga sa social media, binansagan akong "kabet ng bayan at anay ng tahanan". Halos isumpa ako ng buo kong pamilya kaya ipinadala nila ako sa kabundukan na kung saan, puro aeta ang nakatira. Bakit yung iba sa USA o Europe pero ako, sa bundok? Anong gagawin ko rito maliban sa manghuli ng palaka at gumawa ng walis tambo? Pero ang masaklap, naging instant mommy ako ng kambal na walang ginawa kundi maging lampa! -Maddie Rodriguez. Warning: Para sa open-minded at R-18 o SPG ito.
Pisi ng Saranggola (Krayola series 1) by Sha_sha0808
Pisi ng Saranggola (Krayola series 1)
Sha_sha0808
  • Reads 83,305
  • Votes 5,939
  • Parts 31
Bata: Kuya? Gawan mo po ako ng saranggola tapos sabay ulit tayong magpapalipad. Kuya: Basta ipangako mo na hindi mo bibitiwan ang pisi, okay? Bata: Kaya ko lang naman po binitiwan kahapon dahil malakas ang hangin at sobrang sakit na po ang mga kamay ko.