ace_14327
- Reads 295
- Votes 28
- Parts 74
"Pagod na kong umasa, magtiis, para akong pulubi na namamalimos. Ang pinagkaiba lang paulit ulit akong namamalimos sa iisang tao, na imbes pagmamahal ang matanggap ko, iba sinusukli mo.. Antagal kitang minahal.. Sobrang sakit na. Ayoko na, nakakapagod na."
Pagod na sya..
Pagod na pagod na sya.
Sa hilam pa ring mga luha ay pilit nyang sinalubong ang tingin nito.
Nakita nya ang mabilis pag guhit ng sakit sa mga mata nito. Hindi nya alam kung guni guni lang nya iyon.
"Jonathan.." mahinang sambit nya sa pangalan nito.
'Wag, wag mong ituloy..'
'Magsisisi ka.'
Mapait syang ngumiti, pilit na pinatatatag ang sarili.
Kaya nya.. Kaya nya, kaya sasabihin nya.
"I.." she took a deep breath as she trying to compose herself. "I--am letting you go." - Serenity.
---------
"Letting me go, huh?" natatawang saad nito na para bang isang malaking katatawanan ang sinabi nya. "At anong pumasok sa utak mo para isiping basta basta na lang akong papayag?" inilapit nito ang mukha sa tapat ng tainga nya hanggang sa maramdaman nya ang init ng hininga nito. "Over my dead body." -Jonathan.