hechiceraxx
- Reads 197
- Votes 72
- Parts 12
Nagsimula sa malabong imahe ang nakikita ng dalaga nang imulat niya ang kaniyang sariling mga mata, kahit na nanlalabo ito ay pilit niyang iginala ang kaniyang paningin nasa loob siya ng lumang silid. Yari sa kahoy ang silid kung nasaan siya ngayon, ang amoy ng alikabok amoy amag at ang lumang kahoy ay nanunuot sa kaniyang ilong. tumatagos ang sinag ng araw sa malilit na butas mula sa dingding.
Hinang hina na at animo'y hindi na makagalaw dinadaing niya rin ang pananakit ng mga pasa niya sa kaniyang katawan. Tuyo't na tuyo't ang kaniyang lalamunan tila ba isang linggo itong hindi naka inom ng tubig. Kumakalam na rin ang kaniyang sikmura. Hindi niya alam kung ilang oras o araw ang lumipas ng nawalan siya ng malay, pero sariwang-sariwa pa rin sa kaniyang isipan lahat ng nangyari sa gabing iyon.
"Gising kana pala" malamig na tinig na nagmula sa sulok ng kwarto. Para siyang tinamaan ng malakas na kidlat sa gulat. Dumadagundong na sa lakas ang tibok ng puso niya animo'y sasabog na. Gumapang ang takot sa sistema, at nagsibagsakan na lamang ang mga luha niya ang taong dapat ay protektahan siya ay isa palang kidnapper.