LoveHea
Sabi nila kung may gusto ka raw sa isang tao, sabihin mo, aminin mo sakanya, para you can live without regrets, you can live without having what if's. Pero paano kung may something in between sa pag-amin mo? Paano kung may mas gusto kang protektahan kesa sa pag amin mo? Paano kung may pagkakaibigan kayong pinapahalagahan, like the cliche stories, paano kung inlove ka sa bestfriend mo? Aamin ka ba? O hahayaan mo nalang sya sa iba? Paano kung yun na pala yung time na yun, kaso pinaglapas mo. Paano kung handa ka na ngang umamin kaso nalaman mong may iba na, may na una na sayo.
Tunghayan natin ang istorya nila Addiah at Peter, kung ilang oras at panahon pa nga ba ang kakailanganin nila para magkatagpo sila o may oras pa nga ba sila? O talagang dapat na silang sumuko at tanggapin na lumipas na noon pa man ang oras nila. Ang istorya nilang tila laging nakikipaghabulan sa oras.