Miracle Series ❤💜💛
3 stories
My Miracle Find (Complete) by UrielaYin
UrielaYin
  • WpView
    Reads 20,981
  • WpVote
    Votes 1,019
  • WpPart
    Parts 49
"Lahat ng taong nagmamahal ay lumalaban. Kahit madalas mali na. Minsan panalo, minsan talo. Pero matalo man, at least may ginawa ka. Lumaban ka." Si Mary Gretchen Mondragon. Aakalaing anghel pero salat naman sa maraming bagay, kaya sa patalim s'ya ay kakapit. Matapang, palaban at walang inuurungan. Gagawin ang lahat para makaligtas ang ama sa malubhang karamdaman. --- "Hindi lahat nagmamahal o totoong nagmamahal. Likas kasing makasalanan ang tao kaya malamang, marami d'yan, kunwari lang. Siguro, 10% lang sa buong mundo ang totoong nagmamahal. Gawin na nating 15% sige. Magpustahan pa tayo." Kiel Matthias Alonzo. Mahilig sa babae. Mahilig sa kape at mahilig magsinungaling. Lahat ay gagawin mapagtakpan lang ang mga kalokohan n'ya. Hanggang maging sukdulan ang kasinungalingan at pagpanggapin si Mary na kaniyang nobya. Ito na lang kasi ang naisip niyang paraan para ang gusot sa ama ay malusutan. Papayag si Mary kapalit ng pera. Partners in crime kumbaga. Pero, hanggang saan kaya aabutin ang pagiging mag-partners in crime nila? Hanggang saan sila dadalhin ng mga maling desisyon at kasalanan nila? Romance | Comedy | Action | Drama | Adventure-- have fun in this one. My Miracle Find All rights reserved Created: 2015 Finished: 2021 -- Credit kay @Seleakies sa magandang cover. Thank you. -- Highest Rankings as of 24June2019 #09 EnemiesToLovers #09 Craziness #83 Rom-Com Thank you, Richelkyutt for the cool covers and graphics
Unkissing Miracle by UrielaYin
UrielaYin
  • WpView
    Reads 51
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 1
"Mas madali humalik kesa magmahal. Anong gagawin ko kung mas mabilis ang nguso ko kesa puso ko?" CPR Paul ang bansag kay Chester Paul Rivera. Hindi lang dahil sa initials ng pangalan niya. Ito ay dahil ang tingin niya sa mga babae ay laging kailangang i-CPR o i-cardiopulmonary resuscitation. Hilig niya ang manghalik. Ganito siya kaloko sa mga babae. Ginagawa niya ito madalas kahit sa mga bagong kakilala, minsan naman, trip lang. Pero ang akalang biro ay big deal sa babaeng huling hinalikan niya sa park. Si Yrah. Si Miracle "Yrah" Cabral ay nag-iisa na sa buhay. Walang kahit anong maipagmamalaki. Hindi nakatapos ng pag-aaral at hindi na rin alam kahit paano ang mangarap. Gayuman, iningatan niya ang sarili. Wala pang sinuman ang nakahahawak o nakahahalik sa kaniya. Iyon na lang marahil ang tanging maipagmamalaki niya. Pero paano kung nanakawin na lang ito ng kung sino lang? Sa pagkikita nilang muli. Paano niya sisingilin ang lalaki? Paano niya babawiin ang halik? May paraan ba? Magkano ba ang ang nakaw na halik, kung sakali? Unkissing Miracle All Rights Reserved ©2015 Uriela Yin
Bluebelle & Miracle (Soon) by UrielaYin
UrielaYin
  • WpView
    Reads 25
  • WpVote
    Votes 3
  • WpPart
    Parts 1
Kung mapaglaro ang tadhana. Ni minsan ba nagsisi ito sa mga pinaggagawa nito? --- Dalawang tao na pinaghiwalay ng trahedya. Pero makalipas ang maraming taon; muli ay pinagtagpo sila. Kaya lang, paanong ang naudlot na pag-iibigan ay maitutuloy pa kung sa pagkikita nila ang isa ay wala ng maalala at ang isa ay ikakasal naman na sa iba? Idagdag pang magkaibang-magkaiba na sila. Magkaiba na ang mga hilig at gusto nila. Magkaiba ang tinatahak na landas. Magkaiba na ang pangarap na binubuo nila. Pero gaya ng pusong hindi mapigilan sa pagtibok, ang pagmamahal ay gano'n din. At kung hihiling sila para ang pag-ibig ay madugtungan pa. Ano ang dapat na hilingin nila? Second chance o himala? Bluebelle and Miracle All Rights Reserved ©2021 Uriela Yin Thank you, Richelkyutt for the cool covers and graphics