RehannKatsu's Reading List
138 stories
Señorito Series 2: Robertito COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 204,624
  • WpVote
    Votes 4,912
  • WpPart
    Parts 15
Ang balak lang ni Perdita ay ipakilala ang anak ng yumaong kaibigan niya sa ama nito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata. Pero hindi ganoon ang nangyari. She ended up agreeing to marry Ronald, the child's father. Pumayag lang siya sa proposal para tulungan si Ronald na pagtakpan ang pagiging miyembro nito ng federasyon. Pero tinangay siya ni Robertito-ang kapatid ni Ronald. Kailangan kasi ng lalaki ng pera at ayaw aprubahan ang loan nito sa kompanyang pag-aari ng sariling pamilya. At wala itong balak na isauli siya kay Ronald hangga't hindi naaaprubahan ang loan! Sa lahat naman ng na-kidnap, si Perdita lang ang nagdasal na huwag sana siyang tubusin dahil nabighani agad ang puso niya sa kanyang abductor. At sa lahat naman ng mga kidnapper, si Robertito lang ang masama ang loob nang ibigay na rito ang ransom para sa kanya.
Señorito Series 1 : Algernon COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 296,535
  • WpVote
    Votes 6,761
  • WpPart
    Parts 17
Dahil frustrated sa trabaho bilang real estate agent, tinanggap agad ni Tipper ang alok ng TV personality na si Margot Soriano na magpanggap na maid at mag-apply kay Alberto Fierro, ang action superstar na kasalukuyang nagtatago sa Tranquility Island. Gusto ni Margot na mag-spy siya sa aktor. Kaya ora mismo, lumipad siya papunta sa isla. Ang nadatnan ni Tipper doon ay isang lalaking nagpanganga sa kanya. Alberto was indeed larger than life. Tall, dark and brooding. Ang kaguwapuhan nito ay hindi dala ng matangos na ilong o ng nangungusap na mga mata kundi ng karakter. Hanggang sa ipakilala nito ang sarili. "You see, my dear Tipper, my name's 'Algernon.' Algernon Tobias Fierro, Alberto's older and more dashing brother." Biglang nagdoble ang tingin niya sa lalaki.
Señorito Series 3: Aristeo COMPLETED (Published by PHR) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 410,011
  • WpVote
    Votes 9,611
  • WpPart
    Parts 24
Walang pag-aalinlangang sinunod ni Agripina ang pakiusap ng kanyang kaibigan na i-deliver ang isang sulat sa Alvarossa Island. Pagdating sa isla, saka niya natuklasan ang katotohanan-na ibinenta pala siya ng kanyang kaibigan sa lalaking pagbibigyan niya ng sulat para maging asawa nito. Sa tindi ng galit, hindi nagawang i-appreciate ni Agripina ang kaguwapuhan ni Aristeo Cuevas III. Sukdulang magkatabi na sila sa higaan ay hindi pa rin niya magawang pansinin ang pagpapalipad-hangin ni Aristeo, gayong pareho nilang alam na kahit kailan ay wala pang babaeng tumanggi rito...
You Make Me Love You (COMPLETED) by saab_deandrade
saab_deandrade
  • WpView
    Reads 112,153
  • WpVote
    Votes 1,990
  • WpPart
    Parts 10
Supermodel No. 1 Renjie Osuke, "Ang Model ng Hipon" ng TMA.
Gael Belmonte's Runaway Bride - Vanessa by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 40,067
  • WpVote
    Votes 572
  • WpPart
    Parts 16
Kung literal ang mga damdamin ng isang taong masayang nagmamahal, marahil ay nakatingala ang mga bigo sa mga tulad nya na lumilipad sa kalangitan, masayang nakikipaglaro sa mga ibon at may ngiting nagpapadulas sa mga bahaghari.
LEL 5: URY a.k.a. Mercury [COMPLETED & PUBLISHED UNDER PHR] by NaturalC
NaturalC
  • WpView
    Reads 21,059
  • WpVote
    Votes 1,341
  • WpPart
    Parts 42
Mercury met Keithlyn Morgan in the worst situation. Biktima ito ng human trafficking sa bansang Mexico. Sa illegal auction na mismong dinaluhan niya, una niyang nakita ang nakapiring at nakakadenang dalaga sa kakarampot na saplot. He wasn't really trying to rescue the girl but somehow they ended up together running away from the enemies. Wala siyang planong isabit ang kahit na sino sa gitna ng kanyang misyon at sa paghahanap niya sa kanyang nakaraan subalit nasa alanganing sitwasyon ang babae. Mercury took the girl with him out of responsibility and slowly fell with her charms and antics eventhough he was disgusted with women. When they parted ways, he wasn't the same person anymore. Hinanap-hanap niya ang presensiya nito at saka niya na-realize kung anong kulang sa buhay niya. With Keithlyn's help, he was able to forgive his mother who abandoned him. Natutong umiyak, ngumiti, at tumawa ang isang malamig na taong gaya niya. Nakita niya ang liwanag sa katauhan ng babae sa kabila ng madilim niyang kahapon at hinaharap. But will he able to attain the freedom to love if he didn't even had the freedom to live?
My Love, My Sunrise (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 161,631
  • WpVote
    Votes 3,026
  • WpPart
    Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2011 "Ibalik mo sa dati ang apo kong si Marcus at kakalimutan ko ang lahat ng utang ng pamilya mo." Iyon ang mga binitiwang salita ni Don Segundo kay Sabel. Kapag nagawa niya ang nais ng matanda, hindi na niya kailangang mangibang-bansa para lang mabayaran ang utang ng pamilya niya sa mayamang don. Kailangan daw niyang puntahan si Marcus sa bahay ng mga ito sa Camiguin kung saan ito mananatili. Sasamahan, lilibangin, at patatawanin niya ito gaya ng dati para maka-move on ito sa pagkamatay ng kasintahan nitong si Kristina. Dahil "walang matimtimang Marcus sa makulit na si Sabel," nagawa niya ang nais ng matandang don. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang konsekwensiya ng ginawa niya: Na-in love siya kay Marcus-siksik, liglig, at umaapaw....
Ang Lalaking Sumira Sa Aking Mga Pangarap [PHR Novel - Completed] by Leonna_PHR
Leonna_PHR
  • WpView
    Reads 60,241
  • WpVote
    Votes 1,120
  • WpPart
    Parts 10
"Kung katawan lang ang habol ko sa 'yo, hahabulin pa kita lalo para makuha ko ang puso mo... Because you already got mine." Pangarap ni Valiana ang maging katulad ng kanyang Tiya Roselda. Nais niyang maging isang kinatatakutang guro sa paaralan. Nais niyang magmukhang manang. At higit sa lahat, nais niyang tumandang-dalaga katulad ng tiyahin. Kaya sa unang araw ng klase ay ipinakita na ni Valiana ang pagkaestrikta sa kanyang mga estudyante. Ngunit may isang batang mapang-asar na nagpakilala sa kanya-si Brahma. Agad na ipinatawag niya ang mga magulang ni Brahma dahil sa asal na ipinakita ng bata. Kinabukasan ay humarap kay Valiana ang daddy ni Brahma na si Shiva de la Valenciana. Nang magtama ang mga mata nila ni Shiva ay nakaramdam siya ng kuryenteng dumaloy sa mga ugat at drumroll sa kanyang dibdib. She even described the guy in detailed narration in her mind! Paano na matutupad ang mga pangarap niya kung masisira lang ang mga iyon ng isang lalaking saksakan ng lakas ang sex appeal at may nag-uumapaw na hunkylicious features?
(COMPLETED) CLOAK AND DAGGER-NOTHING ELSE MATTERS by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 25,012
  • WpVote
    Votes 526
  • WpPart
    Parts 12
Akala ni Sheng ay natagpuan na niya ang isang perfect boyfriend kay North Navarre. He made her smile, laugh, fall in love every minute she was with him and believe in happy ever afters. Mula nang makilala niya ito, pakiwari niya ay mas naging maayos ang takbo ng lahat sa buhay niya. Bihira nga silang magtalo nito. Until they got engaged just before North had to go back to the States. Doon na nagsimulang maging masalimuot ang buhay-pag-ibig niya. Dahil ang fiancé niya, mas madalas sa hindi ay wala sa tabi niya. Para bang bigla, nawalan ito ng oras at interes sa pag-aasikaso ng kasal nila. Ayon dito, abala lang ito sa trabaho at mga tungkulin nito bilang undercover FBI agent. But for him to almost miss their own wedding? Hindi yata magandang senyales iyon para sa future na magkasama sila. Naitanong tuloy ni Sheng sa kanyang sarili, may kinabukasan nga ba para sa pagmamahalan nila ni North o dapat na niyang isuko iyon?
(COMPLETE) HOT INTRUDER-THE RECKLESS INTRUDER by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 59,588
  • WpVote
    Votes 908
  • WpPart
    Parts 11
Nang mabalitaan ni Bliss na bumili ng bahay sa village na tinitirahan niya si North, naisip niyang gumawa ng paraan upang mapansin siya nito. She sent him gifts with cards saying they all came from his secret admirer. Subalit isang pagkakamali pala ang nagawa niya. Dahil hindi si North ang lalaking lumipat sa bahay na inakala niyang nabili ng lalaki kundi ang pinsan nitong si Kion Campbell Navarre, the mouth-wateringly gorgeous bad boy heir to the Campbell wealth. At sa malas, inakala nito na isa siya sa mga nagbabalak ng masama laban dito kaya pinasok nito ang bahay niya at pilit siyang pinaamin kung sino ang nag-utos sa kanyang pagbantaan ang buhay nito. Akala niya ay si North ang kapalaran niya. But she soon found herself falling for Kion, the man who recklessly stole her heart after he intruded in her life.