LorenaVitalicio's Reading List
162 stories
Ang Suplado At Si Ma'am (Published under PHR) by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 104,171
  • WpVote
    Votes 2,049
  • WpPart
    Parts 10
Sorry sa typos and grammatical errors. Enjoy reading!
THE PRESENT: My Unfair Lady by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 9,721
  • WpVote
    Votes 397
  • WpPart
    Parts 10
Sa sobrang pagmamahal ni Meg sa nobyong si Jake ay ibinigay niya ang lahat dito. Handa siyang magpakamartir, magpakatanga at magbulag-bulagan. Ganoon siya katanga pagdating sa lalaki. Hanggang isang araw ay nabuntis siya nito ngunit bago pa niya iyon maibalita sa lalaki ay naglaho na itong parang bula. Hindi alam ni Meg kung paano sasabihin sa mga magulang ang sitwasyon niya. Mabuti na lang at to the rescue ang bestfriend niyang si Daniel. Nagpanggap itong ama ng anak niya, huwag lang siyang itakwil ng mga magulang. Ang problema, nagpumilit ang mga magulang niyang pakasalan siya ni Daniel. Wala namang kaso iyon kay Meg kung si Daniel ang totoong tatay ng anak niya. Isa pa, ayaw naman niyang magsakripisyo ito nang ganoong kalaki para sa kanya. Paano rin kapag bumalik ang tunay na ama ng anak niya? Kahit naman kasi ano ang mangyari ay si Jake pa rin ang mahal niya. Hanggang isang araw ay inamin ni Daniel na ginagawa nito ang lahat ng iyon dahil mahal siya nito nang higit pa sa pagiging kaibigan. Mula noon ay nagkaroon na sila ng gap. Tanga nga kasi siya. Hintay nang hintay sa lalaking iniwan siya sa ere. At ang Daniel, nanawa rin yata sa katangahan niya. Sinukuan na siya at hindi na ipinilit ang pagmamahal nito. Pero nang makita naman niya itong may kaharutang iba, nais naman niya itong hilahin pauwi ng bahay nila.
[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR) by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 101,597
  • WpVote
    Votes 2,164
  • WpPart
    Parts 10
Wala pong edit-edit. Patawarin niyo ako sa mga typo at grammatical errors. Hahaha :D "Maganda ka na kahit walang makeup, kahit basahan ang suot mo... You are perfect in my eyes, Jacque." Masama ang loob ni Jacqueline o Jacque sa mundo dahil sa maiksing panahon ay sunod-sunod na dagok ang pinagdaanan ng kanyang pamilya. Sa pagnanais na malibang ay sumama siya sa kaibigang si Pat sa isang bar at doon niya nakilala si Matt. He saved her from falling from the bar's terrace. Hindi na siya nakapagpasalamat dahil binulyawan siya nito at tinawag pa siyang "Miss Suicidal." Ilang kamalasan pa ang inabot ni Jacque sa mga sumunod na pagkakataong nagkukrus ang mga landas nila ni Matt ngunit ang bangayan ay napunta sa pagkakaibigan. Nang makilala niya nang lubos si Matt ay natutunan niya itong mahalin. Ngunit sa malas ay hindi pala puwedeng mahalin ang binata. Nakatakda na itong magpakasal sa isang dyosa. Ano ang laban niya sa babaeng iyon kung mas plain pa siya sa plain T-shirt at plain lugaw? At ang worst? Siya pa ang naging event planner ng kasal ng mga ito. Life is unfair. Very unfair...
The Ladies' Man meets Elli Gerardo by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 104,250
  • WpVote
    Votes 1,451
  • WpPart
    Parts 10
Kaya pala ng isang taong magmahal nang paulit-ulit sa iisang tao sa loob ng mahabang panahon kahit na sinaktan na siya nito. Nasa college si Elli nang makilala niya si Gideon. Isang kilalang personalidad si Gideon sa campus na kabaligtaran niya. Alam niyang hindi siya kagandahan at walang-wala siya kung ikokompara sa mga campus sweetheart. Oo, para siyang insecurity na tinubuan ng tao. Ngunit nag-a la Rapunzel sa haba ang buhok niya nang magkagusto sa kanya si Gideon. Heaven talaga ang feeling niya nang mga panahong iyon. Pero may bad news: hindi pala totoong in love si Gideon sa kanya. Kaya para hindi naman masaid ang pride niya, na siyang natitira na lang sa kanya, ay nagkunwari siyang hindi rin mahal ang lalaki. She asked her suitor, Craig, to be her pretend boyfriend until the end of the school year. Sampung taon ang lumipas bago muling nagkrus ang mga landas nila ni Gideon at sa pagkakataong iyon ay kailangan niya itong pakasalan para maisalba ang naghihingalo nang negosyo ng pamilya nila. Would they have their "happily ever after"? O maging sa pagkakataong iyon ay hindi pa rin sila uubra?
The Ladies' Man Meets Toni Villanueva by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 110,453
  • WpVote
    Votes 1,733
  • WpPart
    Parts 10
Just for a day, she wanted to be the woman he loved. Oo, nababaliw na siya at wala siyang magawa para pigilin iyon. Toni automatically liked Luis the first time she saw him. Napaka-charming ni Luis at maraming kababaihan ang nahuhumaling dito, including her friends. Kailangang makuha ni Toni si Luis dahil kapag nangyari iyon ay kaiinggitan siya ng lahat. Nakahanap siya ng paraan upang mapalapit kay Luis. Kaibigan pala ito ni Japheth-her twin's best friend. Humingi siya ng tulong kay Japheth at ang kapalit ay tutulungan naman niya itong digahan ang kakambal niyang si Trinity. Alam kasi ni Toni na may gusto si Japheth sa kakambal niya ngunit sadyang torpe ang lalaki. Nangako si Japheth na tutulungan siya ngunit nang nasa proseso na sila ng kanilang "pagtutulungan" ay nagkaproblema. Habang tumatagal kasi ay naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Nagising na lang si Toni isang araw na nagpapanggap na may gusto pa rin kay Luis para lang may dahilan siyang lapitan si Japheth. Kaya lang, siya lang yata ang nagbago dahil si Japheth ay si Trinity pa rin ang gusto...
IBIGIN MO AKO, LALAKING MATAPANG (MEN IN BLUE#26) COMPLETED by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 134,745
  • WpVote
    Votes 2,068
  • WpPart
    Parts 11
Kung ano-anong masasakit na salita ang palaging ibinabato ni Happy sa kababata niyang si Garret. Ngunit kung anong inis niya rito, siya namang pagkagiliw ng tatay niya rito. Si Garret ang palaging kasa-kasama ng tatay niya sa pagkakarpintero. "Kahit ano'ng sabihin n'yo, ayoko pa rin sa Garret na 'yon. Ayoko sa lahat iyong taong walang modo, basagulero, at walang ambisyon sa buhay." Lumipas ang mga taon. Isa na siyang matagumpay na arkitekto. Sa pagkakataong iyon ay muling nagkrus ang mga landas nila Garret. Ibang-iba na ang lalaki sa Garret na nakilala niya noon. Mukhang kakainin yata ni Happy ang mga sinabi niya noon tungkol sa lalaki dahil sa kakaibang damdaming nararamdaman niya rito...
SLU HAWKS TRILOGY by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 15,516
  • WpVote
    Votes 748
  • WpPart
    Parts 10
BOOK 1: OUR ONE-SIDED LOVE Nagtransfer si Maricko sa San Lorenzo University para sa isang dahilan lamang - ang magkaroon ng pagkakataong maging malapit kay Hiro Valdez, ang ace pitcher ng baseball team ng SLU. Na love at first sight kasi siya rito noong minsang mapanood niya ang team nito na kalaban ng team ng dati niyang pinapasukang unibersidad. Hindi siya nabigong mapalapit kay Hiro dahil sa mga pangyayaring laging nagbibigay ng dahilan upang magkasama sila. Habang nakikilala niya ito ay lalong lumalim ang nadarama niya rito. Madalas din ay hindi niya maiwasang umasa dahil sa special attention na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit agad ding nawala ang pag-asang iyon sa natuklasan niya tungkol dito. Hiro is in love with his childhood friend who is also his best friend's girlfriend. At kahit pa laging siya ang kasama nito ay alam niyang pag-aari pa rin ng babaeng iyon ang puso nito. Hanggang kailan ba siya maghihintay upang mabaling sa kanya ang pag-tingin nito?
Wish List Number Ten: Love Me Again by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 115,784
  • WpVote
    Votes 2,701
  • WpPart
    Parts 10
Chryzelle had given Calix three hundred and sixty-five chances every year. But he wasted them all. Hanggang isang araw ay nag-quota na ang puso niya. Hiniwalayan niya si Calix na parang naging daan naman para ma-realize nito ang importansiya niya. Si Calix naman ang humabol-habol sa kanya pero dead-ma na siya sa muling panliligaw nito. Pagod na siya. Pero para namang pinapaikot siya ng tadhana. Circumstances made her closer to him again making her fall for him all over again. Until one day, she found herself agreeing to the last wish on his list. Minahal niyang muli si Calix at binigyan ng panibagong pagkakataon. But will that one thousand eight hundred and twenty-fifth chance be worth it?
Echoes Of I Do by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 113,119
  • WpVote
    Votes 1,656
  • WpPart
    Parts 15
"Wherever I go, my heart will always yearn for you." (Published under Precious Pages Corporation) Kung kailan nagsisimula na si Aliyah na buuin ang sarili pagkatapos ng matinding pagkabigong dinanas kay Brennan ay saka naman muling bumalik sa buhay niya ang lalaki. Sa isang iglap ay nataranta na naman ang puso niya. "Allow me to give you the things I was too selfish to give you before, Aliyah. Allow me to give you... all of me." Napalunok si Aliyah. After everything he put her through, can she dare believe the love in his eyes? Lalo na kung nararamdaman niyang unti-unti na namang nahuhulog ang loob niya sa lalaki?
As Long As My Heart Beats by springmendezphr
springmendezphr
  • WpView
    Reads 132,196
  • WpVote
    Votes 1,129
  • WpPart
    Parts 9
"I've traveled the world to find the peace only your arms can give." (Published under Precious Pages Corporation) Hindi makalimutan ni Katerina ang mga sinabi ni Brett sa kanya thirteen years ago. Ang mga salitang iyon ang naging daan para maging positibo ang tingin niya sa mundo. Ang lalaki at ang nagawa nito ang naging inspirasyon niya para mabago ang kanyang kapalaran at maging successful siya sa buhay. Sinabi niya sa kanyang sarili na mahahanap niyang muli si Brett para mapasalamatan at mabayaran ang utang na loob niya rito sa naging kabutihan nito. And fate must be really good to Katerina. Nagkita sila uli ni Brett. Pero ibang-iba na ang Brett na nakilala niya noon sa ngayon. Nang dahil sa mapapait na karanasang napagdaanan ng binata sa paglipas ng panahon, naging napakaimposible na ng ugali nito at tila galit sa mundo. He carried upon himself this ogre façade na gusto niyang tibagin. Kaya gumawa ng paraan si Katerina-inilapit niya ang sarili kay Brett para maibalik ito sa dati. Dahil sa pagkakataong ito, siya naman ang sasagip sa lalaking agad na natutuhan niyang mahalin.