julzzzann's Reading List
2 قصص
OH MY GHOST [ONGOING] بقلم Itsquantiara
Itsquantiara
  • WpView
    مقروء 948,750
  • WpVote
    صوت 55,362
  • WpPart
    فصول 126
Si Samara ay isang masayahin at positibong dalaga na kayang pagaanin ang loob ng mga taong nakakasalamuha niya. Hindi siya naniniwala sa mga multo at kaluluwa, at kailanman ay hindi siya natakot sa mga kuwento tungkol sa kababalaghan. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Vrel Rehan Terrico-isang malamig, masungit, at tila walang emosyon na binata. Sa ospital kung saan sisimulan ni Samara ang pagtupad sa kanyang pangarap, doon din magsisimula ang isang kuwentong mag-uugnay sa kanilang dalawa sa paraang hindi nila inaasahan. Ngunit hindi basta pagkakataon ang nagtagpo sa kanila. Ano ang magiging papel ni Samara sa buhay ni Vrel Rehan Terrico? Bakit tila may mas malalim na dahilan sa likod ng kanilang pagkikita? At gaano kabigat ang katotohanang naghihintay na kanilang matuklasan? Sa pagitan ng buhay at kamatayan, paniniwala at pagdududa, may isang kuwentong magpapatunay na hindi lahat ng bagay ay nakikita ng mga mata-at hindi lahat ng pagtatagpo ay nagkataon lamang.
+14 أكثر
I Love You Since 1892 بقلم UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    مقروء 133,766,651
  • WpVote
    صوت 1,129
  • WpPart
    فصول 47
Published book, series and now a Wattpad Original. Read the original story or watch new episodes weekly only on VivaOne. Hindi intensiyon ni Carmela Isabella ang umibig, lalo na sa taong 1892. Mula sa taong 2016 ay mapupunta siya sa nakaraan nang may isang misyon: huwag hayaang umibig sa kanya si Juanito Alfonso, ang anak ng kilalang gobernadorcillo at ang lalaking nakatakda niyang makaisang-dibdib. *** Palaging kinukuwestiyon ni Carmela Isabella ang mga kuwentong nakabaon sa nakaraan ng kanyang pamilya, ngunit hindi niya akalain na mula sa panahong 2016 ay mapupunta siya sa taong 1892 sa pamamagitan ng isang lumang talaarawan at ang Arch of the Centuries na kanyang nagsilbing portal. Inatasan siya ng isang misteryosong madre upang gawin ang napakahalagang misyon: kailangan niyang mamuhay bilang si Carmelita Montecarlos, ang bunsong anak ng pinakamayamang pamilya sa San Alfonso at siguruhing mapipigilan si Juanito Alfonso--ang nakatakdang mapangasawa ni Carmelita--na umibig sa kanya. Sa nalalapit nilang kasal at sa kasaysayang naghihintay na maisulat muli, ang pag-ibig na hindi naman sinadya upang maranasan ng dalawang inosenteng puso ay muli bang masisilayan pagkalipas ng isang siglo? Book Cover by: LIB Publishing Illustrated (Charcoal Painting) by: Warner Jr. DISCLAIMER: This story is written in Taglish. Started: June 01, 2016 Completed: April 27, 2017
+23 أكثر