Jairus' Curse
ClumsySorcerer
- Reads 205,806
- Votes 7,797
- Parts 41
A Sequel to "Julian's Gift" By Absurd018
HIGHEST RANK: #25 IN FANTASY THEMED STORY
Si Julian.
Kasama ang asawa na si Matteo at ang iba pang kasama sa Top 10 Gifted, sila ang inatasan na mamahala sa Battle of the Gifted.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, si Leia, ang Future Seeker sa grupo, ay nakakita ng isang pangitain na maaaring makaapekto sa magiging takbo ng event.
Ayon sa kaniyang pangitain, may isang makapangyarihang nilalang na magbabalik at magdadala ng kaguluhan di lamang sa mundo ng mga gifted kungdi pati na rin sa mundo ng mga tao.
At ang magiging susi sa pagbabalik ng nilalang na ito ay...
Si Julian at Matteo.
•••••
Si Jairus.
Isang exchange student sa eskwelahang pinapasukan noon ni Julian. Laking America ngunit kinailangan lumipad papuntang Pilipinas para manirahan kasama ang kaniyang ama upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
Namatay sa isang malubhang karamdaman ang kaniyang ina at dahil sa kanyang murang edad na 17, ay kailangan niyang sumama sa kaniyang ama na naninirahan sa Pilipinas kasama ang asawa nito na kapwa rin isang lalaki.
Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi ordinaryong tao si Jairus. Mayroon siyang kapangyarihan at ito ay ang kakayahang kontrolin ang elemento ng hangin...
na kahit kailanman ay di niya itinuring na regalo bagkus ay isang sumpa.
December 2016