Sayki21's Reading List
2 stories
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,347,918
  • WpVote
    Votes 196,832
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)
Cinderella is Gay (EDITING) by PrudencianMund
PrudencianMund
  • WpView
    Reads 860,745
  • WpVote
    Votes 35,239
  • WpPart
    Parts 70
Matagal ng may gusto si Yohan sa bestfriend n'yang si Phil. Hindi s'ya sigurado kung kailan nagsimulang mag-iba ang pagtingin n'ya dito. Basta ang alam n'ya, he just woke up one day, at hindi na lang kaibigan ang tingin n'ya dito. Pero alam rin n'yang suntok sa buwan na masusuklian nito ang nararamdaman n'ya. Straight ang bestfriend n'ya at wala itong kaalam-alam sa totoong sexual identity n'ya. Ayaw kasi n'yang mag-iba ang pakikitungo nito sa kanya at masira ang friendship nila. But a perfect opportunity came during Phil's masquerade-themed birthday party. With the help of his supportive friends, Yohan transformed into a beautiful woman dressed in a stunning ball gown. He was able to spend a magical night with his bestfriend and got to tell him how much he loved him. Okay na sana, eh. Kaso, tinangka nitong tanggalin ang suot n'yang maskara. Nag-panic si Yohan at kumaripas ng takbo. Kaya lang, sa kamalas-malasan ay nag-a la Cinderella s'ya at naiwan ang sapatos habang tumatakbo. Now, Phil is desperately searching for the owner of the shoe. Aamin ba s'ya o hahayaan na lang ang ibang "fangirls" nito na angkinin ang identity n'ya? Posible kaya na maging kagaya rin ni Cinderella at Prince Charming ang takbo ng kwento nila? May happy ending bang naghihintay para sa kanila? Will happily ever after exist when Cinderella is gay? From the author of Maybe Trilogy, comes a new BL story that will show the power and magic of true love. Get ready to feel giddy and fall in love all over again.