Lost Fantasy Collection
2 stories
Mask Of His Forest (Completed/Under Revision) by melaxeli
melaxeli
  • WpView
    Reads 788
  • WpVote
    Votes 127
  • WpPart
    Parts 24
Forester University, Batch 2013. Few days before their graduation, nagplano ng isang field trip ang mga ka-batch ni Apocalypse sa Mount Dinukot, Sinakuban Forest. Bagamat tutol ang ina ni Apocalypse, hindi nakinig ang dalaga sa pangitain ng kaniyang ina at pilit niya itong tinakasan. Sumapit ang gabi, dumating ang napakalakas na bagyo. Naligaw sa isang kagubatan ang mga mag-aaral. Nagkagulo at nagkahiwa-hiwalay, naiwan si Apocalypse na mag-isa. Biglang nawala ang mga tao sa kaniyang paningin. Hanggang sa isang iglap, siya na lang ang natitira. Sa paglipas ng ilang oras, hindi na muling sumikat ang araw. Puno ng putik at galos, namataan na lamang ni Apocalypse ang kaniyang sarili sa bisig ng isang nilalang. "S-Sino siya? At bakit wala siyang... mukha?"
Fate From The Lost Wind by melaxeli
melaxeli
  • WpView
    Reads 98
  • WpVote
    Votes 6
  • WpPart
    Parts 16
Gusto nang mapag-isa at tumakas ni Margareth sakanyang mga magulang. Uhaw siya sa kalayaan, at mga kagustuhan na hindi niya pa nagagawa. Naiinggit siya sa mga kaedaran niyang nagagawa ang mga bagay na gusto nilang gawin nang walang humahadlang sakanila. At sa kagustuhan niyang sumuway at lumayo ay sa ibang dimensyon naman siya dinala ng kanyang pagnanais. At sa isang iglap lang, nabaliktad ang kaniyang mundo. Nasaksihan niya ang lahat. Mula sa paglubog, hanggang sa pag-sikat. Nakatayo lang siya sa gilid, pinagmamasdan ang maalamat na pagputok ng isang bulkan. Kapiling ang hangin, na siyang magdadala sakanya sa ligaw na kapalaran.