3 stories
You Belong With Me (COMPLETED) by GezillePhr
GezillePhr
  • WpView
    Reads 151,814
  • WpVote
    Votes 3,231
  • WpPart
    Parts 20
"Kaya ko rin tumira kahit saan. Kahit sa labas pa 'yan ng mundo. Basta ang mahalaga, kasama kita." Bata pa lamang si Eunick ay minahal na niya si Yuan. Iningatan at inalagaan niya ang damdaming iyon hanggang sa magdalaga siya. Kaya naman labis siyang nasaktan nang malamang ikakasal na si Yuan sa best friend niyang si Arvie. Huli na ang lahat para sa kanila ni Yuan kaya pinilit ni Eunick ang sariling mag-move on. Pero biglang nawala si Arvie bago ang araw ng kasal. Nagalit si Yuan at nagulat si Eunick nang pagbintangan siya ng lalaki na kasabwat ng kaibigan sa paglalayas nito. Sa sobrang galit yata ni Yuan kaya gumaganti ito. Una, sa pamamagitan ng mga magulang ni Arvie at sumunod ay sa pamamagitan niya. Bigla ay nalagay si Eunick sa sitwasyon kung saan kailangan niyang ibangon ang nadurog na pride at ego ni Yuan at iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakasal niya rito. Pero sa kabila ng katotohanang gusto lang nitong makaganti, wala pa ring pagdadalawang-isip na pumayag siya sa gusto ng lalaki. Ang dahilan? Simple lang. Dahil mahal niya ito, gagawin niya ang lahat para tulungan itong mag-move on at kalimutan si Arvie.
MY EXTRA ORDINARY YOU (COMPLETED) By: BETHANY SY  by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 105,181
  • WpVote
    Votes 2,156
  • WpPart
    Parts 12
Gumuho ang mundo ni Cyrene nang mahuli niya ang boyfriend niyang may kaniig na babae sa kama nito. Sa sobrang sakit na naramdaman ay sa pagkain niya ibinunton iyon. Namalayan na lang niyang palobo nang palobo ang katawan niya. Bale-wala lang naman sana iyon sa kanya kung hindi lang siya tinawag ni Lanter na "mataba" at "manang." Palibhasa, ubod ito ng guwapo. Dahil doon ay tinangka niyang gayumahin ang matagal na niyang crush na pinsan nitong si Josh para ipamukha kay Lanter na magkaka-love life siya kahit mataba siya. Pero kung kailan hinihintay na niya ang resulta ng ginawa niyang panggagayuma kay Josh ay saka naman biglang bumait si Lanter sa kanya. Kung suyuin siya nito ay para siyang isang prinsesa. Diyata't dito umepekto ang gayuma? Parang gusto tuloy niyang uminom ng isang box na slimming tea.
The Knight of My Life (COMPLETED) by ashlenejavierPHR
ashlenejavierPHR
  • WpView
    Reads 199,435
  • WpVote
    Votes 5,370
  • WpPart
    Parts 25
Isang simpleng elevator operator si Mutya Atregenio na nakatanggap ng kakaibang offer mula sa Amerikanong si Keith Grisham. Mas lalong gumulo ang mundo niya nang maging ka-close ang may-ari ng Palazzo Arrastia na si Cynthia Arrastia. Ipinag-novena ba naman ng ginang na maging manugang siya?! Buti sana kung walang sosyalerang girlfriend ang anak nitong si Raniel na inirereto nito sa kanya...