Aseron
10 stories
ASERON WEDDINGS-YOU CAN LET GO by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 21,407
  • WpVote
    Votes 488
  • WpPart
    Parts 18
Danieca had loved and lost two men five years ago. One was the man she was about to marry, the other her dearest friend. Si Nikolas ay kinuha sa kanya ni Kamatayan habang si Lucien naman ay bigla na lamang nawala sa buhay niya sa kadahilanang ito lamang ang may alam. The two were as different as night and day. At ngayon, limang taon pagkatapos ng pagkawala ng mga ito sa buhay niya ay pinakiusapan siya ni Lolo Nemo na magtungo sa lugar kung saan lingid sa kanyang kaalaman ay huling natagpuan ang mga itong magkasama. Sa Estancia, ang private estate ng pamilya ni Lucien. There she was met by a man hiding behind his white mask and a secret that will confuse her mind and her heart. Ayon sa nakamaskara ay buhay si Nikolas. At si Lucien diumano ang nagtangkang pumaslang dito. Subalit hindi naman nito nais aminin kung ito nga ba si Nikolas o si Lucien. And worse, she soon found herself falling in love with the masked man. Ang lalaking maaring ang dati niyang nobyo na limang taong nagtago sa kanya o maari ding ang mismong lalaking pumaslang dito.
Aseron Weddings-Anywhere For You by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 112,580
  • WpVote
    Votes 1,156
  • WpPart
    Parts 5
Batid ni Menchie na malayo siya sa tipo ng babaeng magugustuhan ng amo niyang si Simoun Aseron. But that did not stop her from secretly wishing for him to notice her. Hindi niya alam kung anong maswerteng bituin ang nagbigay katuparan sa hiling niya. Pero nang kausapin siya ni Sir Simoun para magpanggap na fiancee nito upang mapigilan ang pangungulit ng lolo nito na ipareha itong muli sa ex nito, naisip niyang pagkakataon na niya iyon upang maipakita dito na hindi naman siya ganoon nalalayo sa babaeng pwede nitong mahalin. Ngunit paano kung matuklasan niyang tulak ng bibig kabig ng dibdib lang pala ang sinasabi nitong hindi na nito mahal ang dating nobya? Paano na ang puso niyang umasang naturuan na niya itong mahalin din siya?
ASERON WEDDINGS-SHAPE  OF MY HEART by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 16,079
  • WpVote
    Votes 125
  • WpPart
    Parts 2
Alam ni Georgette na siya ang huling babaeng papasok sa isipan ni Zrael kung ang pag-uusapan ay makakasama sa buhay. Hindi nga ba at noong lang sa mismong kaarawan nito ay tinawanan lang nito ang tsismis na narinig ukol sa lihim niyang pagsinta dito? Kaya naman ganoon na lang ang gulat niya nang halos maglumuhod ito sa harapan niya upang isuot niya ang engagement ring na ibinibigay nito. Subalit dagli ding napalitan ng nag-uumapaw na inis ang pagkagulat niya nang ipaliwanag nitong magkukunwari lang pala silang engaged para tantanan na ito ng matchmaker nitong lolo. Ani pa nito kung iyong mga karaniwang nakakarelasyon daw kasi nito ang ipapakilala nito sa lolo nito ay hindi maniniwala ang matanda na seryoso na ito at nagbabalak talagang magpakasal. But by introducing her as his fiancee, someone who was the exact opposite of his gorgeous and sexy bevy of women, his grandfather could only believe it was really true love that prompted him to look beyond her unattractiveness. Sa madaling sabi, sa opinyon nito ay siya ang Beast sa Beauty nito kaya dapat ay maniwala ang lolo nitong pang-fairytale nga ang lovestory nila.
ASERON WEDDINGS-SPANISH EYES by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 7,717
  • WpVote
    Votes 135
  • WpPart
    Parts 6
Wala sa plano ni Joleen ang magpakasal kahit kailan. After seeing the miserable marriage life of her parents, mas gusto na lang niyang tumandang mag-isa kaysa danasin niya rin ang parehong kapalarang iyon. Kaya naman nang hindi sinasadyang marinig niya ang usapan nina Lolo Nemo at Lola Dorinda ukol sa lalaking napipisil ng lolo niya para sa kanya, nagkumahog siya sa paghahanap ng lalaking maihaharap dito bilang pekeng nobyo niya. Sapagkat ang lalaking napili ng lolo niyang ipareha sa kanya ang huling lalaking ninanais niyang makaharap man lang matapos ang pananakit niyon sa damdamin niya noong teenagers pa sila. Jake De Asis had already rejected her once. She would not give him the satisfaction of rejecting her again. Subalit iba ang plano ng kapalaran sa kanya. sapagkat mas pinaglapit sila niyon imbes na paghiwalayin. O kapalaran nga ba talaga ang may gawa niyon at hindi si Lolo Nemo?
ASERON WEDDINGS-I'LL BE THERE FOR YOU by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 4,404
  • WpVote
    Votes 43
  • WpPart
    Parts 2
Malaki ang utang na loob ni Elizabeth kay Lolo Nemo. Tinulungan siya nito noong panahong walang-wala na siyang ibang makakapitan. Her father turned his back on her and her fiance betrayed her and married her sister. Kaya naman nang pakiusapan siya ni Lolo Nemo na turuan niyang maging responsable sa negosyo ang apo nitong walang alam kung hindi magwaldas ng pera ay walang pangingiming umoo agad siya dito. But that was before she learned that the grandson he was talking about was none other than Giac "The Casanova Aseron" himself. Bigla ay nais niyang bawiin ang pag-oo niya kay Lolo Nemo. Sapagkat si Giac ay walang iba kung hindi ang unang lalaking nagturo sa kanyang hindi niya dapat ipagkatiwala sa isang lalaki ang puso niya. Mas malalim, mas mahirap kalimutan at mas imposibleng patawarin ang sugat na nilikha nito noon sa batang puso niya. But what if this was the right time for her to get her revenge? Kapalaran na mismo ang naglapit sa kanya sa binata. Ngayon, ito naman ang paiibigin niya. At sa huli ay tatalikuran tulad ng ginawa nito sa kanya noon.
ASERON WEDDINGS-AS LONG AS YOU LOVE ME by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 4,352
  • WpVote
    Votes 42
  • WpPart
    Parts 2
SHEBBAH'S LIFE WAS IN DANGER. SALAMAT SA WALANG MAGGAWA SA BUHAY NA STALKER NIYA. NA SA KUTOB NIYA AY MALAMANG ANG SOON-TO-BE-WICKED-STEPMOTHER NIYA. PERO WALA SIYANG PRUWEBA AT DUDA SIYA KUNG PANINIWALAAN SIYA NG KANYANG AMANG MAHAL NA MAHAL ANG BABAE. ANG SAGOT NITO SA BANTA SA BUHAY NIYA? IPADALA SIYA SA MALAYONG LUGAR KASAMA ANG PINAKIUSAPAN NITONG EX-SOLDEIR NA SI RAVIN ASERON. BUT HATE AT FIRST SIGHT ANG NAMAGITAN SA KANILA NG LALAKI. SA PALAGAY NGA NIYA, MALAMANG SIYA PA ANG MAGING KRIMINAL SA HULI KAPAG ITINULAK NIYA ITO SA BANGIN DAHIL SA TINDI NG INIS NIYA DITO. SUBALIT 'DI NAGTAGAL AY NATUKLASAN NIYA ANG SARILING NAHUHULOG SA BINATANG SA KABILA NG PAGIGING MASUNGIT SA KANYA AY MATATAWAG NA TUNAY NA HERO SA TOTOONG BUHAY. BEHIND HIS TOUGH GUY PERSONA, HIS HEART WAS AS NOBLE AND AS GALLANT AS THOSE KNIGHTS IN OLD TIMES. THE PROBLEM IS, HEROES LIKE HIM ARE ATTRACTED TO DAMSELS IN DISTRESS. AND SHE HAD NEVER BEEN ONE TO PLAY THE DAMSEL IN DISTRESS PART. ANG TINGIN NITO SA KANYA AY WICKED WITCH IMBES NA PRINCESS. PAANO KAYA SIYA MAKAKABINGWIT NG PUSO NG ISANG TRUE BLUE PRINCE CHARMING?
ASERON WEDDINGS-ALL I HAVE TO GIVE by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 24,406
  • WpVote
    Votes 528
  • WpPart
    Parts 15
Eight years ago, Bastian left San Isidro in disgrace. Pinagbintangan itong magnanakaw ng lola ni Aishell. At sa halip na paniwalaan ang kainosentehan ng kasintahan, napaniwala si Aishell sa kasinungalingan ng lola niya. Ngayon ay nagbalik sa bayan nila si Bastian. At hindi na ito ang parehong lalaking nakilala niya. Because now, he is a successful businessman. At ito ang nakabili ng pabrika ng pamilya niya. Ngunit sa halip na animosidad ang ipakita nito sa kanya, tila nais pa nitong balikan nila at dugtungan ang nakaraan nila. Dapat ba niya itong paniwalaan? O dapat ba niyang gwardiyahan ang puso niya sakaling paghihiganti lamang ang tunay na pakay nito? Magkasalungat ang iniuutos sa kanya ng isip at puso niya.
ASERON WEDDINGS-IF I DON'T HAVE YOU by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 68,546
  • WpVote
    Votes 499
  • WpPart
    Parts 4
I'M GLAD that I have achieved what I had set out to do for my grandsons Ravin, Simoun, Bastian, Giac, and Flynn. And so now I must focus on my grandson Hisoka. There are three things that are absolutely important to Hisoka: Hisoka, Hisoka, and Hisoka. And sometimes if it's challenging enough, he can be called on to do his familial duty. Hindi ko alam kung bakit, pero nag-aalala talaga ako sa apo kong ito. Sa kanilang lahat, siya ang masasabi kong pinakamalapit ang ugali sa akin. He's as hard as a rock, as strong as an ox, and as manipulative, scheming, and domineering as I was when I was his age. Sa palagay ko, dahil din doon kaya madalas siyang nami-misunderstood ng mga taong nakapaligid sa kanya. This grandson of mine has not had it easy growing up under the care of his crazy mother's family.
ASERON WEDDINGS- CRAWLING BACK TO YOU by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 5,176
  • WpVote
    Votes 61
  • WpPart
    Parts 2
Batid ni Mayet na si Irvine Aseron ang huling taong nanaising tulungan siya sa custody battle niya para sa pamangkin niyang si Megan laban sa stepfather nitong si Patrick Pratts. Sapagkat bagamat minsan silang naging magkasintahan ng binata, hindi naging maganda ang paghihiwalay nila. Subalit wala na siyang iba pang malalapitan kung hindi ang maimpluwensyang pamilya nito. Kinailangan niyang lunukin ang pride niya alang-alang sa pamangkin. Ang hindi niya inaasahan ay ang pangingialam ng lolo nito at pagpapaniwala ditong si Megan ay anak nito sa kanya. Alam niyang dapat niyang itama ang maling akala nito. Pero sa huling sandali ay hindi niya ginawa. Dahil isang tanong ni Lolo Nemo ang nagpabago sa isip niya. "Do you want another chance with Irvine, Mayet?" Tanong na iisa ang sagot. Oo! But does she really want the man she loves to stay with her just because he thinks her niece is their daughter?
ASERON LOVERS by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 127,212
  • WpVote
    Votes 1,211
  • WpPart
    Parts 6
Dana thought her love life will never have a happy ending. Lagi na lang kasi siyang nabibigo sa pag-ibig. Kung iyon ay dahil sa pagiging unconventional niya kaya kadalasan ay sumasakit ang ulo kahit ng sariling mga kaibigan niya sa kanya, hindi niya alam. But when she met the gorgeous cousin of her friend's groom-to-be, she thought that finally, this time she will not be just the bridesmaid but the bride! Ang problema nga lang ay kung paano niya kukumbinsihin si Flynn "Mr. I-Don't-Gamble-With-My-Money-Only-My-Life" Aseron. Lalo pa at tila wala sa bokabularyo nito ang salitang pag-ibig at mas lalo na ang kasal! Subalit ano pa at nariyan si Lolo Nemo na unang kita pa lang sa kanya ay kumbinsido nang siya na ang natatanging babaeng makakapag-paamo sa apo nitong mas gustong isugal ang buhay kaysa ang puso. And so with the help of the crafty old man, she set out to win herself her own Aseron.