andaltri's Reading List
6 stories
"SPOKEN WORD POETRY" BY:MS. blackdie_16 by blackdie16
blackdie16
  • WpView
    Reads 352
  • WpVote
    Votes 21
  • WpPart
    Parts 12
SPOKEN POETRY BY:MS.Blackdie /Black_SHADOW_MSD papaantigin tayo, sa tugmaan na nilalaman nito, mag kakaroon tayo ng di natin aakalaing emosyon na nilalaman na sasapat na para maging reaksyon, di man sya perpekto sa panlasa ng iba , kung yung ibay kukutyain pa, at sasabihing madrama, pero ikAw na nakakaintindi ay maluluha pa, marahil sa nilalaman nitong may malalim na nararamdaman, na ang gumagawa ng obra ay manunulat na nag lalahad ng pakiramdam, para sabihin sa madla ang tunay na kanyang nais iparating sa titulo pa lang.
Hilton University by camsgogh
camsgogh
  • WpView
    Reads 397
  • WpVote
    Votes 121
  • WpPart
    Parts 5
Paano kung sa iyong paglalakbay ay mapunta ka sa paaralan na ikaw mismo ang gagawa ng sarili mong hukay? Gugustuhin mo pa bang itapak ang iyong mga paa paabante kung hindi mo na ito kayang iatras? Gugustuhin mo pa bang umalis sa pwesto kung maraming nakamasid sa'yo? Gugustuhin mo pa bang maglakbay kung ang lalakbayi'y impyerno? At sa bawat tumatakbong segundo, buhay mo ay delikado. Kung sino pang mga demonyo ay siya pang mga hurado. Wala silang sinasanto kahit pa anak ka ng pangulo Dahil ang lugar na napuntahan mo, legal ang pagpatay ng tao. Gugustuhin mo pa bang mabuhay? O ikaw na ang gagawa ng sarili mong hukay?
The Vampire Twins by kimangellou
kimangellou
  • WpView
    Reads 10,010
  • WpVote
    Votes 274
  • WpPart
    Parts 28
May magkambal na bampira na si Dwayne at Dana Dracula dapat bawal silang pumunta sa mundo ng mga tao dahil ayaw ng mga magulang nila pero niliban nila ang utos ng magulang kaya pumunta sila at nakapatay ng isang tao. Nalaman ito ng mga magulang nila at pinarusahan nila ang kambal na mag-transfer ng ibang school at sa mundo ng mga tao sila mag-aaral. Nung nag-aral sila sa mundo ng mga tao nakilala nila si Jerome dela Fuente at Jannela dela Fuente hindi sila magkapatid magpinsan lang sila si Dwayne at Jannela ay magka-away at si Dana at Jerome magka-away din pero hindi pala napapansin ng magka-away na lumalapit na ang loob nila sa isa't-isa kaso bawal magmahal ang bampira dahil isang dahilan at hindi nila alam kung ano 'yun. Malalagpasan kaya nila ang pagsubok na mangyayari? ABANGAN!!!
[BS: 1] Zachary Walker by Bosszxc
Bosszxc
  • WpView
    Reads 53,191
  • WpVote
    Votes 194
  • WpPart
    Parts 1
Buong buhay ni Allesiana ay wala siyang ibang hiniling kundi ang makapagtrabaho sa isa sa pinaka malaking kumpanya sa bansa, ngunit mukhang sa lahat ng pangarap niya ay iyon ang hindi matutupad dahil bukod sa malas siya sa buhay at kahit graduate siya sa kursong pagsesekretarya ay malabo parin nitong maabot iyon dahil wala naman sigurong kumpanya ang maghahangad ng isang trabahanteng katatapos lang at hindi pa sa sikat na eskwelahan. Ngunit hindi siya titigil hangga't hindi niya napapasok ang Walker Enterprise. Ngunit sa kabilang banda ay ang sa likod ng gwapo at maamong mukha ng isang binatilyong nag ngangalang Zachary Walker ay isang istrikto,masungit at tila pinagbagsakan ng galit ng mundo. Si Zach ang isa sa pinakakinatatakutang businessman sa industriya ng negosyo dahil bukod sa murang edad palang ay naipamana na ito sa kanya ay ipinangako niya sa kanyang ama na hindi siya magiging mahina katulad ng iba, na katatakutan siya at mas palalawakin pa ang ang negosyong sinimulan nito. Ayon nga lang pagdating sa babae ay marumi din itong maglaro, wala yatang babae na nagtagal sa kama nito ng lagpas sampung oras. Paano kung magtagpo ang landas ng langit at lupa? Paano kaya nila mapapatunguhan ang isa't isa? Lalo na't sa bawat hakbang ay may kondisyon at rebelasyon. Ngayon pa nga lang ay hindi na sila magkasundo, paano pa kaya kapag nalaman nila ang nakatakdang tadhana para sa kanila.
OMNIPHOBIA by sulateranglomi
sulateranglomi
  • WpView
    Reads 766
  • WpVote
    Votes 5
  • WpPart
    Parts 9
Naranasan mo na bang manginig sa takot? Yung hindi mo alam kung saan nanggagaling, pero ramdam mo - may nanonood. Yung tipong tahimik ang paligid, pero ang puso mo, kumakabog nang walang dahilan. Hindi ito guni-guni. Hindi ito larong pambata. Oo, minsan iniisip mo lang, "Imahinasyon ko lang 'to." Na baka dala lang ng antok, ng pagod, ng kamusmusan. Pero paano kung hindi? Paano kung ang akala mong panaginip lang ay isang pinto papunta sa isang mundong hindi para sa atin? Akala mo sa simula, ikaw lang ang gumagalaw sa mundong ito. Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unti mong napapansin... may mga matang laging nakasunod. Mga aninong hindi mo nakikita, pero alam mong nariyan. Hindi sila napapagod. Hindi sila umaalis. Naghihintay lang sila - sa tamang oras. Kanino ka tatakbo kapag pati ang sariling repleksyon mo ay hindi mo na makilala? Saan ka magtatago kapag ang bawat pader ay may pakiusap na hindi mo marinig, pero ramdam mo sa balat mo - malamig, mabigat, bumabalot? Kung katulad mo ako, na araw-araw hinaharap ang takot na hindi kayang ipaliwanag ng siyensya, na bawat gabi ay isang bangungot na hindi mo na kailangang matulog para maranasan... samahan mo ako. Tuklasin natin ang mundong itinatago ng liwanag. Ang mga kwentong hindi ikinukwento ng iba - dahil ayaw nilang maulit. Sa mga kwarto na tila ba may sariling hininga. Sa mga hakbang na laging nauulit kahit hindi ikaw ang gumagalaw. Sa mga boses na pabulong lang, pero diretso sa isip mong pagod na sa pagkalito. Ang takot ko... hindi basta takot. Ito'y walang simula, walang wakas. Ito'y paikot-ikot. Paulit-ulit. Nakakabaliw. At sa bawat araw, tila mas lumalapit siya. Mas nagiging totoo. Mas... buhay.
Lucky 14 by famebad01
famebad01
  • WpView
    Reads 1,237
  • WpVote
    Votes 62
  • WpPart
    Parts 21
Sa loob ng isandaang taon, matapos mawala ang labin-tatlong batong nagbibigay balanse sa kalikasan ay umusbong ang giyera at pagkasira ng daigdig. Sa isang mundo kung saan hindi na umiiral ang kapayapaan ay mabubuo ang isang misyon. Sa utos ni Sthenios , hari ng mga diyos, ay mag uumpisa ang paglalakbay upang hanapin ang iba pang bato na siyang magbabalik sa kapayapaan ng daigdig. Si Jerabella, isang magiting na mandirigmang nagtataglay ng ika-labing-apat na bato na sumisimbolo sa Pag-ibig ay bababa mula sa Realm of Gods at susubukang hanapin sa daigdig ang pares ng kaniyang heart stone (Pusong bato😂😂), maging ng iba pang elemento, bago pa ito makuha ni Voxana, ang hari este reyna ng kasamaan. Pag-ibig, karunungan, liwanag, kadiliman, katubigan, kalupaan, at ang kapangyarihan ng buwan. Pitong elementong hawak ng pitong pares ng demigods. Paano nga ba matatagpuan ang mga mahiwagang batong nakatago sa mundo ng mga mortal? Mababago pa kaya ang mundo sa pamamagitan ng pag-ibig? Sa paraan na pilit nitong kinasusuklaman? Samahan si Jerabella sa kaniyang paglalakbay sa makulit na mundo ng mga mortal upang makamit ang isang kahilingan, sa Lucky 14. Realms of God mundo na high technology halos lahat ng bagay meron dun. Sa mundong walang basura, sariwa ang hangin, maganda ang liwanag ng araw pati na rin ang pa sikat ng buwan at mga tao dun ay maganda ang pangangatawan halos perfect sila kung sa normal lang na tao. Ang isang planeta naman kabaliktaran ng mundo ng Realms Of God kasi yung utak ng mga tao dun ay puro training para sa digmaan sa bawat isa. Walang love dun sa mundo na yun gusto lang nila palagi ng didigmaan. Halos yung hangin dun parang pinaghalo dugo at amoy ng ilog. Madaming dugo ang nasa paligid, madaming rin basura sa paligid at halos hindi mo ma intindihan ang mga tao sa sobrang nilang galit sa isa't isa.