Dilatt
Cole Vixente kahit hindi gwapo,
Binibini sigurado'y sakin ay hindi ka talo,
Ako yung ginoong gagawin lahat para sayo,
Ibibigay lahat maging malaki kong. Puso.
Sana makuha kita sa matamis kong mga tula,
Mga tula na naglalaman na mabulaklak na salita,
Ikaw ay pakikiligin sa salitang matalinghaga,
Talo pa ang asukal mapapaurong pati langgam na pula.
Ngayon hindi ko mapigilan ang sarili sa galak,
Na binigay mo ang oo mo! Tapos bigyan ka ng bulaklak.
Tapos hindi kalaunan nahilo ka parang uminom ng alak!
Sinampal mo sakin na ang pangit na to hindi dapat minamahal ng busilak.
Hindi ko alam kung sino ang may kasalanan,
Hindi kita masisi kung bakit mo ako iniwan,
Tulad ng tulang to pagmamahal ko may hangganan,
Ako ay magbabago ito ay iyong pagsisihan!!!