DETEKTIBGAPO
Hindi maunawaan ni Raymond kung bakit ganoon ang kanyang sarili. Madali niya itong ibigay sa mga lalaking umakit sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ito ay isang pagbibigay lamang, pagnanasa, o tunay na pag-ibig.
Gayunman, nakararamdam si Raymond ng galit at panibugho sa mga lalaking nagkaroon ng ugnayan sa kanya kapag ang mga ito ay pinag-iinteresan ng iba gayong wala naman silang pormal na relasyon.
Tinuturing ni Raymond na isang hero in shining armor si Quiel dahil ang binata ay ang tagapagtanggol niya noong siya ay bata. Ngayong muling nagkurus ang kanilang mga landas, ang paghangang nabuo noon ay unti-unting nagkaroon ng ibang kulay. Paano magkakaroon ng katuparan ang isinisigaw ng kanilang mga puso kung bawal na pag-ibig ang kanilang nais harapin?