Martha Cecilia
8 stories
Dominic (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 942,920
  • WpVote
    Votes 19,410
  • WpPart
    Parts 17
Isang linggo pagkatapos pakasalan si Alyna ni Dominic del Carmen ay umuwi ito sa probinsiya at hindi na muling nagpakita pa. Hinanap niya ang asawa sa probinsiyang sinasabi nito. Only to find out na ang tunay na Dominic del Carmen ay hindi ang lalaking inakala niyang pinakasalan siya. Bagaman guwapo ang nagpanggap na Dominic, the real Dominic is one delicious hunk of a man!
Mga Latay ng Pag-ibig (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 346,316
  • WpVote
    Votes 7,414
  • WpPart
    Parts 16
Walang hindi nakakakilala kay Miranda Alcaraz sa bayan nila. Unica hija ng isang ranchero. Kasama ng kabayong si Ivory ay hindi iilang tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit o inagrabiyado ang dalaga. Hanggang kay Daniel...Ang kaisa-isang lalaking hindi niya mapayuko. Sa halip ay binigyan siya nito ng "dose of her own medicine." Mga latay mula sa sarili niyang latigo.
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 546,777
  • WpVote
    Votes 15,041
  • WpPart
    Parts 58
Isang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her. At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise..." sagot naman ni Matt. Caroline loves one man and will marry another. Hindi niya iniibig sa tunay na kahulugan ng salita si Matt. Subalit minamahal, hinahangaan, at iginagalang niya ito. Naroon ito sa panahong sinaktan siya ni Shane. Iisa lang ang kanyang puso at naibigay na niya iyon kay Shane. Subalit umaasa siyang mababawi pa niya ang puso mula kay Shane at maibigay kay Matt sa takdang-panahon.
Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 381,286
  • WpVote
    Votes 9,637
  • WpPart
    Parts 21
"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight." Identical twins sina Angelo at Anthony. Hindi maitago ni Wilna ang pagkamangha sa remarkable likeness ng magkapatid. Paano malalaman ng dalaga na ang iniibig niya at ang kasintahan ay dalawang magkaibang tao? Magagawa ba niyang tukuyin kung sino ang sino?
Midnight Phantom by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 842,481
  • WpVote
    Votes 19,079
  • WpPart
    Parts 25
Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na nakakulong sa babae ng kahapon. Si Anya - ang thirty-nine-year-old stepmother. Kasalanan ba niya kung bakit nanatiling may poot sa dibdib ang Midnight Phantom? Ano ang lihim ng kanyang pagkatao? Si Nadja - ang magandang stepdaughter who fell in love with the voice of the Phantom. Hinangad na makatagpo ito sa kabila ng hindi ito nakikiharap sa mga adoring fans. Pinagbigyan siya ng DJ at dinala sa Phantom Island. Isang disimuladong kidnapping. Silang tatlo, caught in a web of love, deceit, and vengeance.
When Fools Rush In (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 688,944
  • WpVote
    Votes 16,517
  • WpPart
    Parts 23
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy niya na malapit na siyang maging old maid at dapat nang mag-asawa ay hindi siya nababahala. Until Gregorio. Nagising siyang katabi ito sa kamang hindi sa kanya. At pareho silang walang maalala kung paano sila nakarating doon. At kung paanong sa loob lang ng isang gabi ay mag-asawa na sila. Hindi siya ang uri ng babae na magpapakasal sa isang estranghero. Ngunit dahil sa tila makatwirang argumento ni Greg, napapayag siyang bigyan ng tsansa ang di-inaasahang kasal. Magtagumpay kaya ang pagsasamang walang matibay na pundasyon?
The Farmer And The Heiress by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,218,419
  • WpVote
    Votes 31,260
  • WpPart
    Parts 30
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos Region na minsan lang niyang nakita noong mag-aanim na taong gulang siya. Pero biglang mababago ang lahat dahil sa iniwang sulat ng kanyang yumaong ina. Hiniling nito na sa pagtuntong ni Elleana ng veinticinco, pupunta siya sa Ilocos upang pangasiwaan ang hacienda. Doon ay nakilala niya si Felipe, ang lalaking "antipatiko" ang middle name at mas marami pa yatang irritating cells na dumadaloy sa katawan kaysa sa red blood cells! Ngunit taglay nito ang pinakamagandang mga mata na nakita niya at malilinis na kuko sa mga paa sa kabila ng pagiging isang magsasaka. At ayon pa sa lalaki, ito ang pinakaguwapo at pinakamakisig sa mga lalaking nakilala na niya. Kaya bang makipagsabayan ng kanyang British accent sa lalaking ang vocabulary ay naglalaro lang sa tinuran, sakbibi, nababatid, and the likes?
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 924,195
  • WpVote
    Votes 22,446
  • WpPart
    Parts 34
Mavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdadalang-tao at sugatan sa dibdib at ng isang lalaking binubuhat ito at dinala sa ospital na siya ring pinagdalhan sa kanya noong panahong naaksidente siya. Limang taon ang nakalipas, nagbalik siya sa lugar na pinangyarihan ng aksidente niya. Then she met the gorgeous Rolf Montilla. And the moment she set eyes on him, she felt a certain attachment and longing--the kind of longing that made her want to weep, that somehow they'd met already. May kinalaman ba si Rolf sa mga nangyayari sa kanya?